"Pwede ba?! Huwag mo na akong sundan! Nakakabwisit ka na ha?! Stop following me around!!" Sigaw niya sa akin.
Wala akong pakialam kung pinagtitingian na kami dito at pinagtatawanan na ako ng karamihan dahil sa pinag- gagawa ko.
"NO! Hindi ako titigil na sundan ka kahit saan ka man pumunta. Mahal na mahal kita Zander. Mahal na mahal kita. Huwag mo 'kong iwan. Please." Pakiusap ko sa kanya.
Kinalas niya ang mga kamay kong nakakapit sa pantalon niya.
"STOP. FOLLOWING. ME!! I don't love you, I never did love you and I will never love a person like you." Sabi niya.
Ang sakit marinig ng mga salitang iyon mula sa isang tao na minahal ko ng lubos.
Tiningnan niya ako habang nakaluhod sa harap niya.
"Tss. Pathetic bitch."
Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay lumakad na siya paalis. Naiwan naman akong nakaluhod at nakatungo habang umiiyak dito sa hallway ng hotel na pag- aari nila.
Tama nga si ate Diamond, walang maidudulot na maganda si Alexzander sa akin, sasaktan niya lang din pala ako katulad ng ginawa ng ama ko sa'min. Iniwan niya din ako.
Tandaan mo 'to Alexzander Montes, ito na ang huling araw na mapapaiyak mo ako. Sisiguraduhin ko na sa pagbabalik ko, ikaw naman ang iiyak sa harap ko. Maghanda ka dahil sa pagbabalik ko, hindi na ako ang "pathetic bitch" na sinabi mo.

BINABASA MO ANG
It's My Story To Tell
Novela JuvenilIt's her life not yours, so stand back and relax. Wait for her to tell you her own story.