"Sige sis, good night na! Ingat ka jan sa Canada ah?"
"Yes sis. Good night na sayo jan! Papunta na ako sa work."
"Love you sis."
"Love you too."
Video Call Ended
Nang na end call na yung tawag namin ni ate sa Skype, natulog na din ako agad.
Nagising nalang ako sa sinag ng araw sa bintana ko at naghanda na para sa school. Bumaba na ako sa kusina at nakita si papa na nakayakap kay mama habang nakatalikod ito na nagluluto.
Ang sweet nila.
"Mama, Papa, langgam po. Dumadami." Sabi ko at kumuha ng sandwich sa mesa, "Sorry naman anak, alam mo naman naglalambingan lang kami." Sabi ni papa at humarap sa akin, "Pakisabi nalang po kung may susunod na sa akin. Baka magalit si ate kung di natin nasabi." Natawa kami
"Anak, wala ka bang extra na bag para jan sa mga libro mo?" Tanong ni mama habang nagpupunas ng kamay sa apron niya, "Ayos lang 'to Ma." nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na ng bahay. Sumakay na ako ng jeep papuntang school.
Pumara na ako sa babaan ko, medyo malayo pa yung lalakarin ko para makadating sa school kaya naghirap pa ako sa paglalakad dahil sa mga libro na dala dala ko. Dapat pala sinunod ko yung sinabi ni mama. Nahirapan pa ako dito.
May himala nga talaga, nakadating ako sa paaralan at naglakad na sa hallway papuntang classroom. Hindi sinasadya, may mga lalaking nagtatakbuhan at nabangga ako. What would you expect? 'Edi nahulog yung mga libro na hawak ko. Napamura nalang ako at nagpulot ng mga libro, feeling ko pinagtitinginan ako ng mga tao na dumadaan dito. Unexpectedly, may tumulong sakin na magpulot. Tumayo na ako ng wala ng libro na naiwan sa sahig, tinignan ko yung lalaki at inabot niya yung ibang libro. "Here 'ya go."
Holy sht.
"Daniel Clyde Cariño nga pala." Inabot niya yung kamay niya habang nakangiti sa akin,
"Nicole Arlene Yza." Inabot ko yung kamay niya at parang may dumaloy na kuryente sa katawan nung naghawak yung kamay namin.
Si Daniel Clyde Cariño. Matagal ko na siyang pinagmamasdan sa malayo. Matagal ko na siyang kilala. Simula nung bata ako, kilala ko na siya. Then hindi ako pinalabas ng parents ko para makipaglaro kasi nagdadalaga na daw ako. Kasabay nun, naging malayo na ako kay Clyde.
Pero nung lumipat ako ng paaralan ng nag high school ako, naging schoolmate ko siya. Nung nalaman ko yun, lagi ko siyang hinahanap, lagi ko siyang pinagmamasdan. Kuntento na ako na kahit hanggang tingin lang ako. Na kahit hindi niya na ako maalala. Mahal ko kasi siya eh. Matagal na.
BINABASA MO ANG
Hindi Sinasadya (One Shot)
Cerita PendekMadaming bagay ang hindi sinasadya. Merong mga nakakatuwa, merong mga nakakasigla. Meron din yung mga bagay na napapamahal tayo ng hindi sinasadya. Pero ang madalas dun ay nakakasakit ng damdamin. Lalo na kung lumalim ng husto. (c) SheIsRizaChan for...