(Sa bahay)
Nagri-ring ang teleponong gintong hugis Kerope...(riiiinnnnnggg, riiiiinngggg....)
sinagot mo, "Hello! sabi ng nasa kabilang linya. Hello din ang sinagot mo sabay...
hello,hello, hello, hello, hello,... sabay tawa at balik sa normal..
"Good morning Madamme", assistant mo pala ang tumatawag."The Italian President will like to have a dinner with you tonight, may pag-uusapan daw kayo tungkol sa Maeda deal."
"Talaga , ansabey!" sagot mo sabay taway, lokaret mode.
"Pakisabi na lang na may dinner ako mamaya with Umma sa Singapore, maya-maya ay darating na ang private jet ko," sagot mo sa kanya sabay higop sa lemonade habang nagsasunbathing sa rooftop ng bahay nyo na 30-storey lang naman.
"Pakisabi na lang para maresched agad." patapos mo.
"Madamme, ngayon na po, as in ngayon na?" tatanga-tangang tanong sayo ng assistant mo.
"Ayy hindi, bukas pa, bukas makalawa, sa dulo ng walang hanggan, try naten yu para makapagdinner pa yong tao sa aken," sabi mo sabay inom ulit sa lemonade.
"Ahh sige po madamme, sabihan ko na po siya ngayon para maresched agad. Sige po madamme goodbye!" patapos ng assistant mong nabasag.
Ikaw naman ay galit na galit sa inasal ng assistant mo. Dabog ka nang dabog hanggang nahulog ka sa hinihigaan mo. Nagulat ka na lang na may tumatawag sa pangalan mo.
"Cheann! Cheann!, Cheann! gising na," bulyaw ng nanay mo habang bitbit ang pamalo sa paglalaba. (haha.. ambisyosa! nanaginip ka lang day!)
"Ano ba yang nangyayari sayo, may paIngles-Ingles ka pang nalalaman dyan? Bumangon ka na dyan at magsaing ka na, eto lutuin mo tong Quickchow pang-ulam niyo. Bilisan mo na dyan at nagugutom na si Junjun," mahabang litanya ng nanay mo.
"High blood ma? high blood? Eto na po ohh.." sagot mo.
(Kahit na palagi kang binubulyawan ng umma mo ay labs ka pa ren nya. Sa katunayan, pinasyal ka na nya sa mga malalayong lugar gaya ng Luneta at Intramuros, pati na ren sa Fort Santiago na sa sobrang layo ay pwede mong lakarin dahil sa sobrang lapit lang ng bahay niyo doon. Sa katanuyan, tapat lang ng bahay nyo ang school niyo ang ISKO's o International School for Korean Overseas students at tapat lang den ng school niyo ang Luneta.)
"Ma, alis na po ako, pasok na po ako ng school" sabi mo sa kanya.
"Sige umalis ka na at wag kang maglandi sa school ahh.. aral-aral pag may time.." sabi ni umma sayo.
''Ma naman, ehh bat naman ako maglalandi ehhh... malandi naman na talaga ako..heheh charot na, sige na po alis na po ako," sabay talon mo sa bintana since sirado pa ang pintuan.
(sa school)
"Ano ba't parang nakakabingi na ang katahimikan dito sa library, at ba't walang tao ngayon dito" Walang mga estudyante ang tumatambay sa library kung saaan ka palagi tambay ren at dahil sa kasipagan mong mag-aral ay nalagyan mo na ata ng pangalan mo ang lahat ng libro doon. Napansin mo ren na walang faculty ang nagbabantay sa library kaya nagkusa ka nang lumabas at baka sabihin pa nila na nagpumilit kang pumasok doon kahit close yun.Nang pumunta ka nang social hall, nakita mong dagsaan ang mga estudyante pati na ren ang mga faculty na parang may hinihintay galing airport kasi kung makaplakrd wagas, may tarpaulin na nakalagay " E. X. O." (ano to candy?), may kung anu-ano pang nakasulat sa papel at may lightstick pang dala yung iba.(ano to concert?). Dahil sa curiosity mo ay nakihalubilo ka na lang den sa kanila.
Maya-maya pa'y may sumigaw galing sa gate na;" Mga bebe, andyan na sila!" At dahil doon ay daig pa ang Araneta Coliseum sa laks ng tilian at hiyawan ng mga tao doon.