(A/N: some of the scenes are based on the movie ''First Love'')
(During the English class)
Habang isinusuli sa inyo ng titser niyo ang result ng prelims niyo, ikaw naman ay kalma lang, 'di gaya ng iba na nakainom ata ng walong paketeng 3 in 1 na kape sa isang inuman lang dahil sa sobrang nerbyos, dahil alam mo sa sarili mo na papasa ka gaya nang palagi mong nakukuhang mataas na marka. Nang matanggap mo na ang iyong papel, biglang nandilat ka at napasigaw ka ng:''NO WAY!'' Biglang nagulat ang mga kaklase mo pati ren ang titser mo na nerbyosa din pala.
''Miss Kim, what happened to you? Nagulat ka ba sa result ng exam mo? Well the feeling is mutual! I supposedly think that something or someone is bothering you Ms. Kim kaya ka bumagsak sa prelims mo. '' mahabang sabi ng maam mo sayo.
''Takte ka maam, bumagsak na nga ako, pinangangalandakan mo pa!''sabe mo sa sarili mo.
''Well, Ms. Kim, maybe this will be the indication that you will study hard more and more para maretain mo pa ren yung scholarship mo.'' patapos ni maam.
''Arasseo....'' matipid mong sagot.
Simula na ng klase. Yung lesson nyo is about lyrics and sonnets. May pinapabasang verse yung maam mo kay Chika. Habang nagbabasa si Chika, may pinaabot na papel si Kyumi kay Sehun ''bebe'' mo. Ang nakasulat,
''Friend, ang pangalan niya ay TAO! Sa section C sya ngayon. Bhe panget ang record niya kasi maraming babaing may black eye dahil sa kanya daw.''
Sumulat ka din sa papel;''Ano sinapak nya? Kung makapag-bad record ka naman. Friend, hindi naman ata sa ganun. Baka pinag-aagawan lang sya ng mga girls at yun nag-away-away sila. Basta bahala na, gusto ko pa ring makilala siya.'' sabay paabot agad kay Sehun to Kyumi. Dahil di mo na matiis, nakuha niyo ni Kyumi na magdaldalantungkol kamo kay Tao sa harap pa ni Sehun na naguguluhan na sa inyong dalawa. Sa kalagitnaan ng diskusyon niyo ni Kyumi about kay Tao, may papel na inabot sa inyo na sabing;
''Anong pinag-uusapan niyo?''
Nagreply ka ding;''Nakikitsismis ka? Wala ka nang pakialam doon!'' na hindi pinansin kung sino ang nagbigay maski din si Kyumi habang ang lahat mong classmates ay nakatingin na sa inyo.
Inabot uli yung papel kanina, sabing; ''May pakialam ako kasi nagtuturo ako!''
Nang mabasa niyo ito ni Kyumi, tawang-tawa si Sehun at nyng ibang EXO oppas mo.
''Ano Cheann, nganga na?'' sabi ni Baekhyun.
''Ms. Kim, stand up!'' bulyaw sayo ni maam na naurat sa reply mo sa kanya.
''Ano ang last line sa verse na pinabasa ko kanina kay Mr. Lee?''
Syempre, hindi mo alam kasi hindi ka naman nakikinig. Lingon ka nang lingon kina Ynnah, Chika at iba pa, maya- maya pa'y nahagilap mo si Chanyeol na nasa likod ng maam mong lumapit sayo, hawak niya ang isang papel na may sulat na: ''You're my inspiration! '' Dahil mabilis kang pumick-up, sumagot ka kaagad ng, ''Maam, You're my inspiration po!'' proud mong sagot sa kanya.
''Ok Ms. Kim, you may sit down at wag ka nang makikipagdaldalan sa iba kundi mahahanap mo ang yong sarili sa labas ng classroom. Ok? '' warning ni maam sayo.
Dahil masyado kang natense sa nangyari, sabi mo kay maam,''Excuse po maam, pwede po mag- C.R.?''
''šige bilisan mo at may seatwork tayo.'' sabi ni maam sayo.
Lumabas ka nang room, tinahak mo ang daang matuwid papuntang C. R. Ngunit parang ayaw mo pang puamasok ng C. R. at dumiretso sa hallway papuntang ibang classrooms. At yun nga ang nangyari, dumaan ka sa isang classroom na may nakalagay dito na ''ROOM3C''. Sa mga pagkakataong iyon ay biglang pumintig ang iyong puso. Hindi mo kayang sumulyap sa loob at lalo na sa taong gusto mong masulyapan kaya ang nangyari ay dumiiretso ka ulit papuntang kabilang C. R.
(Meanwhile, Sa Room 3C)
P. E. Prof: Ang pagshoot sa bola sa ring ay depende sa force at sa degrees nito papuntang ring, maaring 45° or 75° or maari ring 60° gaya nito.....
Tinapon ang chalk na hawak niya papuntang kay Tao na kanina pa nanghihikab na para bang napuyat.
''3 points!'' sabi ni sir na nakitang pumasok sa bibig ni Tao ang chalk habang ang kabila ay nagulat at napahiya sa tawanan at hiyawan ng mga kaklase.
''Puamasok ka nang klase ko para matulog lang? Lumabas ka dito at doon ka matulog'' sabi ni sir.
Si Tao naman ay dali-daling lumabas bago pa magbago ang isip ni sir at kung ano pa ang ipagawa sa kanya.
(Sa C. R.)
''Ano ba yan, ba't ba ako kinakabahan ngayon?'' sabi mo sa sarili na nakaharap sa salamin.
''Kaya ko to! Aja! Cheann Fighting!''
Lumabas ka na nang C. R. papuntang hallway ulit. Nakita mo sa malayo ang isang lalaking nakaheadset na nakatayo sa labas ng Room 3C. May kahabaan ang buhok ngunit shaved sa gilid, kulay green. Mga nasa six feet ang taas at may katangusan ang ilong. Ang dating nito ay parang dancer dahil sa kaangasan ng tindig nito. Papalapit ka na sa kanya nang bigla syang lumingon sa'yo. Sa tingin mo ay biglang tumigil ang oras, pati paghinga mo ay hindi mo alam kung nagpapatuloy pa ba. Hindi mo madescribe ang unusualness ng moment na 'to o baka nakatitig lang sya sayo using his dark but yet very expressive EYES. Naglalakad ka na parang lumulutang dahil wala kang maramdaman sa loob mo upang makagawa nang kahit anuman. Hindi mo alam ang gagawin; kung tatakbo ka o hindi mo na lang sya papansinin. Ngunit habang papalapit na papalapit ka na sa kanya, mga dalawang hakbang na lang at mahahagip mo na ang kanyang kabuuan, kumikilos sya papunta sayo dahilan iyon upang hindi ka na talaga makahinga. Mga matang nangungusap, umaapoy, at (nang-aakit?) ang sumasalubong sayo. Lumipas ang mga segundong ganun ang setting nyo, ngunit para sa ito ay mga minuto, ahh hindi, mga oras na talagang nagpaparalisa sa buong diwa. NGUNIT, nang makita mong ''ngumiti'' sya sayo, anb mga sandaling nakakakaba, nakakastroke mood ay napalitan ng chance upang ikaw ay kumawala sa ganung moment. Ang ginawa mo ay: tumakbo ka at tumakbong hindi nag-iiwan ng lingon at sulyap sa taong nakita at nakatitigan mo. (sheteh, kilig much kaya tumakbo ka nalang na pulang pula) .
Pagdating mo ng room ay hingal na hingal ka, nabaling na naman sayo ang atensyon ng lahat. Dali-dali mong tinunton ang makipot na daan papuntang upuan mo. Nang makaupo ka na ay parang may napansin kang kakaiba.
May nakasulat sa notebook mo na ''You're my inspiration!'' sa dulo ay may nakasulat na ''Yeollie'' Bigla kang napasmile dahil doon. Lumingon ka sa kanya pero busy sya sa pagsusulat. Nang ichecheck mo yung oras sa phone mo, nagulat ka nang nasa message na ito, yung bandang ''create message''. Nakatype doon: ''You're my inspiration!''. Walang nakalagay kung sino ang nagsulat nun pero kilala mo na kung sino yun kasi siya lamang ang nagkainteres na paglaruan ang phone mong 3210 para maglaro lang ng ''Space Impact''. Ayyy, si Luhan. Tumingin ka sa kanya pero natutulog sya sa kanyang upuan. (Ano busy lahat?). Natapos na ang English class niyo. It's time na para maglunch.
Lumabas kayo ng mga friend mo sa campus para bumili ng pagkain(pang-marangya ang food sa loob kasi private school, kwek-kwek lang ang afford mo.). Hinugot mo ang wallet mong korting Kerope para magbayad na sa binili mong palabok at ice tea. Pagbukas mo ng wallet mo, may papel: nakasulat, ''You're my inspiration!''. Walang pangalan ulit pero kilala mo na ang salarin! Si Xiumin! Tiningnan mo yung natira mong pera, trenta na lang, as expected, kinupit na naman nya ang bente mo.. Heehehe makulit lang. Mahilig syang mambully sa'yo in terms of pangungupit hahaha pambili lang daw ng favorite nyang ''BAOZI''.
Nakakakilig ang araw mo dahil sa takteng ''You're my inspiration'' na yan. Ngunit iba rin yung nafeel mo doon sa guy na nakita mo sa tapat ng Room 3C kaya tinanong mo si Ynnah about kay Tao na hindi mo marecall sa isang beses na pinakita nya sayo'ng pic nya na matagal na. ''The feeling of this unusualness na feel ko kanina ay parang na feel ko na dati. This awkardness seems to be familiar!''. Kaya upang iconfirm ang feelings na ito, inappoach mo si Ynnah about sa picture na ipinakita nya dati sayo. Nang ibigay nya sayo yung picture, napasigaw ka.
''SHETEH, SIYA NGA! ''
THE END......