Chapt.10 : Desires

6 0 0
                                    

OKEY !! ANOTHER UD !

Di ko alam bakit ang sipag ko mag UD

Kahit wala pa masyadong readers tuloy parin ako

Pero last UD ko muna to ah.

Kasi dalawa yung account ko.

Itutuloy ko pa yung iba kong story.

Sana magustuhan niyo to.

Sana dumami yung readers.

Gusto ko sana siyang humaba

sana ganun din ang gusto niyo XD

ADRIAN ---------->

___________________________________________________________

~_~_~ ADRIAN ~_~_~ 

Lumipas ang mga araw

Back to normal ulit

As usual saken

Aral at Laro lang talaga ang ginagawa ko

Minsan nagaaw pansin ko si Rachel

Mas masaya na siya ngayon kumpera nung araw na hinatid ko siya sa kanila

Ahhhh ! Grabeh talaga yung araw na yun.

Kailangan ko pa tuloy siyang samahan sa Sabado.

May plano pa naman ako sa araw na yun

Ang matulog at maglaro lang sa kwarto ko the WHOLE DAY as my relaxation.

Nasa iisang room lang kame pero sila Carlo at Mark lang ang lagi kong kasama

Sinabihan ko na kasi si Rachel na sa RULE namen eh

Pag sinunod niya ang gusto ko na wag kaming mag usap ay papansinin ko parin siya pero kung hindi niya kayang sundin yung gusto ko, maiinis talaga ako sa kanya at yun ang gagawin kong dahilan para di niya na ko kausapin

Masyado kasi siyang madiket pag pinagbigyan mo pansinin ka niya eh. Di ko ba alam kung bakit. 

Pero as a result, napaka good girl niya at sinusunod yung Rule na gusto ko.

Nasa ARTS ROOM kami ngayon kasi may klase kami sa ARTS and LITERATURE ngayon

"Ok Class ! Pick your partner  and try to portray each other. Wag kayong mag alala, wala saken kung panget o hinde basta depende sa style niyo kung paano nyo maiinterpret ang kapartner niyo. Ok?" sigaw ng professor ko

Agad kong hinanap sila Carlo at Mark kasi sila lang ang kakilala at kaclose ko sa Room.

Pero pagkakita ko dun sa dalawa ay sila na ang magpartner.

Badtrip talaga tong dalawang to oh ! Ako pa talaga ang iniwan sa ere

Nung halos nakakuha na ang lahat ng kaklase ko ng kapartner ay umupo na lang ako sa sulok

Sigurado wala ako magiging kapartner nito. Binigyan na nga ako ng codename sa room eh

Kung hinde nerd ay cold or ice kasi di ako nakikipaghalubilo sa kanya at may pagka suplado ako

Okey ! Kaya ko naman idrawing yung sarile ko noh. tsk ! Di ako lalapit sa kanila para magkaroon lang ng kapartner

Lahat ay nakakuha na ng kapartner

Captured and Captivated by HER ☠ (Slow Update)Where stories live. Discover now