Pag iinarte 1

6 1 2
                                    

              Try ko kayang mang-iwan sa ere? mukhang masaya eh. Bakit? kasi andami daming gumagawa. Wala na bang susundo sakin sa itaas? medyo matagal tagal na din pala akong naiwan dito. Yung pakiramdam na nangangapa ka lang, kase hindi mo alam kung saan ka lulugar. Na akala mo okay kayo swak kayo at approve kayo sa isa't isa, na malinaw ang estado nyong dalawa yun pala mas malabo pa sa plastik labong nasa palengke ang "kayo" ang "tayo". Sayo lang pala malinaw ang lahat, sayo lang pala malinaw at hindi sa kanya. Sayo lang pala may fast forward. Pagod na yung utak mong kakaisip, pero ang puso mo ayaw pang sumuko hilahod kana't lahat wala pa din. Laban! Sawang sawa kana sa sitwasyong mayroon lang na "ikaw" at "sya" pero walang " kayo". Ano bang choice mo? ano bang choice ko? Iiyak ka na lamang sa isang tabi na hanggang sa tingin mo ay ubos na ang lahat ng tubig na nananalaytay dyan sa katawan mo. Minsan mapapatanong kana lang na "bakit hindi nalang ako?" na "bakit pag dating sa nararamdaman ko nagiging bulag at bingi ka, gayong kitang kita at dinig na dinig ang lahat ng ginagawa ko ay konektado sayo. Mga gaya kong tanga at binubuhos lahat ng atensyon sa taong imbis na titig ang nararapat sayo sulyap lang ang ibibigay. Manhid sa kahit mga ga-bloke
blokeng pag ibig ang binabato mo.

Kasalanan ko ba talaga kung bakit nag kakaganito ako? kung bakit nalulungkot ako sa paulit ulit na sitwasyong kinakabagsakan ko?. Nalulungkot ako kase hindi ko magawan isuko ang anumang maliliit ba bagay na kaya mong ipadama sa akin sa isang pitik lamang ng iyong daliri, mga paru-parong ibinibigay mo sakin at sa tuwing makikita nila ang kanilang amo ay animo'y nga nilalang ng kinulong ng mahabang panahon sa pag wawala. Mga ala alang hindi matutumbasan ng kahit ano o mapapalitan ang mga masasayang pang yayari sa pagitan nating dalawa. Tila nag iiba ang ikot ang aking mundo sa tuwing makikita kita. Pa sulyap-sulyap lang sa mukha mong walang naidudulot sa akin kundi kapayapaan, Kasiguraduhang kahit ano pang mangyari at kayang kaya ko itong harapin basta mukha mo ang aking makikita sa tuwing lilingon ako sa aking tabi at kamay mo ang aking kakapitan.
Masarap sa feeling kung iisipin mo ang mga sinabi ko pero kalakip nito ang katotohanang habang minamahal kita ay namamatay ako, Habang nahahabap kita ay unti unti kong naiwawala ang sarili ko. Unti unti akong nauubos ay hindi kalaunay mag lalaho.

________________________

Mesheket

Mga hinanakit ng sawi (one shot)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin