Okay, may hanash na naman ang lola mo
———
Manhid ang tingin sa aking ng karamihan. Pawang kasiyahan lang ang nararamdaman. Palaging may ngiti sa kanyang labi, palaging pinapasaya ang mga taong nakapaligid sa kanya. Mga taong wala ibang gawin kundi pumasok sa ga-pulgadang harang na binuo nya upang maprotekahan ang kapirasong parte ng kanyang sarili. Karipasong parte na pinulot nya mula sa pira-pirasong puso na nawasak.
Lingid sa kaalaman ng marami ang aking totoong nararamdaman, yung hapdi, yung dalamhati at mga luhang matagal na nakahimlay at ikinubli.
Piniling itago ang pagmamahal upang protekhan ang sarili, pag mamahal sa isang taong hindi ka sigurado kung sa iyo ba, pag aari mo ba? . Susugal sa isang pagkakataon na maaring bumago sa takbo ng iyong buhay. Bubuuin ka ba? o sisirain ka? Hindi mo alam, Hindi ko alam. Lahat na lamang ay hindi ko alam ang sagot. Lahat na lamang ng aking mga tanong ay hindi ko alam ang sagot. Siguro'y una't sapul pa lamang ay alam ko na ang kasagutan ngunit nag bubulag-bulagan lamang dahil marahil alam ko sa aking sarili na ang kasagutan na iyon ay siyang papatay sa natitira kong pag-asa upang makamit ko ang iyong puso.
Magwawakas na nga ba? maaring bang mag wakas ang isang bagay na hindi mo tukoy kung nagsimula ba? Ilusyon mo lamang ba ang mga naramdaman.
_____________________
Bes yoko na bes.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Mga hinanakit ng sawi (one shot)
RomancePara sa mga Pinaasa,umasa at aasa pa kung gaga kang mag mahal basahin mo to baka sakaling may ma realize ka at kahit pano eh mabawasan naman ang populasyon nating mga sawi.