Call Center Life

13 3 4
                                    

" LC, naku lagot ka kay T.L late kna naman!", patutya ni Joy sa akin habang nagmamadali ako pumasok sa floor.

"I know... I know... patay na naman ako nito kay TL Marco! F*ck!", pakunot noo na sabi ko habang nagmamadali ako na tunguhin ang station ko.

" And look who we have here!", pasigaw na sabi ni TL Marco habang patungo siya sa station ko.

" So... sorry TL, na traffic ako and the bus is so slow... and...", tinigil niya ang pagsasalita ko, "EOP please Ms. Crane", habang nakatingin siya sa akin na parang di siya convince sa mga sinabi ko he is so sarcastic nung sinabi niya na EOP (English Only Policy).

" I don't want to hear any of your lame excuses, you always make the traffic your constant reason Ms. Crane, let's talk about this later but for now since the queue is high go and get that call", sabay naman ring ng phone at umalis na siya na parang spy sa isang pelikula.

" GOD I hate him! grrrrrrrrr", nasambit ko ng palihim sa sarili ko.

Nung mag break time na sumama ako kay Joy sa pantry namin (a small room or closet in which food, dishes, and utensils are kept). Dito lang kami walang mga asungot na bantay kaya nagkakapag salita kami ng tagalog.

"OMG! talaga LC, na award kna naman ni TL, I think he likes you... hahaha", patutya ni Joy sabay tawa habang nag kakape kaming dalawa.

"Ew! Duh, bwisit talaga sa buhay ko yang si Marco! Naiinis talaga ako sa kanya, wala na talaga ako nagawang maganda lagi na lang ako nakikita!", painis kong sabi.

"Don't let him ruin your day LC. I'm sure hindi lang maganda gising ni TL, alam mo na pinag lihi sa masamang panahon", pangising sagot ni Joy.

"Naku... pag ako napuno sa kanya masasagot ko talaga siya EOP or not", sabay hawak ko ng dalawang kamay sa mug ko.

"Hmmm, oh well wag kna magpaka stress girl, alam mo sinasayang mo lang pagkatisay mo pag nasimangot ka... smile and the world smile with you", sabay tawa ni Joy... at natawa na din ako sa kanya.

Nang nasa production floor na, nakita ko si TL Marco na nakasimangot. He is always the grumpy supervisor, di ko alam bakit siya pa naging supervisor ko.  He always act bossy, yung tipong kala mo siya may ari ng company, he always wanted to be on top of the herd which means lahat kami dapat maging super effort para sa recognition niya.

Nakita niya ako na pabalik na sa station  ko, he gestured for me to have a one on one coaching with him (coaching is a one on one with your supervisor).

Agad ko tinungo ang station niya at pinaupo niya ako habang naghahanap siya ng folder na naka hilera sa kanyang filing tray.

" Here we are, the famous Ms. Crane. Did you know how many times I have to pull you out for a one on one coaching this month?, sabay tingin niya sa forlder na hawak niya.

" Three times TL....", pabulong na sabi ko sa kanya.

"Exactly! and you don't even learn a bit?, medyo napalakas ng konti ang kanyang boses.

" You know TL, my house is far from here and I need to travel everyday", rason ko naman sa kanya habang tinitignan siya sa kanyang polo shirt na parang di naplantsa sa gusot.

" And what you mean  to say is that it's my fault then?", sabay tingin niya sa akin na parang tigre.

" I don't blame you TL, I'm only asking for a little consideration that you move my shift to a much later part", sabay gesture ko sa kanya ng kamay ko na animoy namamalimos.

" Will you promise me that if I move you to a later shift , you will take your job seriously?", sabay tingin naman niya sa akin na parang nag mamakaawa.

" I will TL, I promise", kulang na lang mag peksman ako sa harap niya.

" Okay we have an agreement then, I'm telling you Ms. Crane if this  happen again, I have no choice but to file a behavioral issue for you", sabay sulat niya sa folder na hawak niya, sabay sabi "Ok, you can go back to your station now", dahan dahan ako tumayo at bumalik sa station ko.

The shift ended just fine for me. Pero di ko pa din lubos maisip kung bakit ganun na lang siya kasungit sa trabaho lagi, tama siguro si Joy. He was born in a dreadful day.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mahal Kita... Promise!Where stories live. Discover now