1

116 6 2
                                    

 Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung muntik na ako maaksidente. Ba't kasi tumakbo pa ko, ba't ba kasi umalis pa ko. Eh sana hindi ko na makilala yung MAPAPANGASAWA ko. Oo tama kayo, yung muntik na makabungo sakin siya lang naman ang mapapangsawa ko kahit naman hindi ako umalis dun makikilala ko parin naman siya. Tadhana na ba nag lalapit samin? Ang sama ah. Hindi ko talaga makakalimutan ang mukhang yun. Mukhang ewan. Mukhang antipatiko!



Flashback 



Sa kakatakbo ko, hindi ko namalayan may kotse pala sa harapan ko. *Screech*
"AAAAAAH!" Teka, nasa langit na ba ako? Ba't wala akong maramdaman? Wala namang masakit? Teka, diba dapat hindi nako makagalaw?
"HOY! MAGPAPAKAMATAY KABA?!" Teka, ba't may naririnig pa ko? jusko San Pedro ikaw na ba yan?

May anghel na bumaba sa kotse, wow ha? Upgraded na pala yung langit. Pwede kaya mag selfie dito? Ma share ko man lang sa mga friends ko at maipakita sa kanila na natanggap ako sa langit. Ay may Wifi ba sila dito?


"HOY BATA KINAKAUSAP KITA!"
"Ako?" Sabay turo ko sa sarili ko. Bata daw? Ako? Weeeeeeeh? Jinojoke naman ako ni San Pedro e.
"E SINO PA BA? MAGPAPAKAMATAY KA BA? DAMN IT!" Teka, hindi siya si San Pedro. Nag bad words e. TEKA?! PATAY NABA TALAGA AKO?


"Nasan ba ako?" Tanong ko. E sa hindi ako naniniwala na patay na ako e. OMYGASH? HINDI BA AKO TINANGGAP SA LANGIT KASI ANG BAD KO? T_________T HUHUHU. AYOKO NA, BABA NA NGA LANG AKO ULIT SA LUPA MAG BABAGONG BUHAY NA AKO T_Tv
"TANGA KA?! NASA KALSADA KA! BUISIT! BUISIT NA NGA ARAW KO, BINUBUISIT MO PA. NAKAWALA KA BA SA MENTAL?!" Aba't. Kanina pa to ah. Nagtatanong lang ako, tas gaganyanin ako? Teka, sino ba to?

"HOY! NAGTATANONG LANG AKO BA'T KA SUMISIGAW?" Nakakainis ah. Ang yabang yabang. Bakit sakanya ba yung daan? Siya nag pagawa? E kasuhan ko kaya to? * ---- *

"E PANO D AKO SISIGAW KUNG IKAW PA HARANG HARANG SA DARAANAN KO? PWEDE BA, SA IBANG KOTSE KA MAGPAKAMATAY HINDI SA KOTSE KO. ALIS!"Galit na sabi niya. Kanina pa to. Pigilan niyo ko! Maka sigaw parang wagas e. Hindi nga ako sinisigawan ni manang siya pa kaya? Aba't. HINDI SIYA POGI! SAYANG! JUSKO! Pogi sana pero, jusko! I hate Drugs!

"Pasensya naman po! Antipatiko!" Sabay irap ko sakanya. Huh, akala niya siya lang pwede mag maldita? Aba, ako yata si Samantha Clare Tran, mayaman, mabait (chos), at hindi nagpapaapi. E kutusan ko kaya to?

"What did you say?" Ay wow. English sus kala niya hindi ako marunong mag English? Hah! 85 ata' to sa English!
"You can't understand tagalog SIR? e ba't nag tatagalog ka kanina? Sosyal." Sabay cross arms ko sa harap niya.

"THE NERVE OF YOU KID!" Okay, sasapakin na niya ako! Handa na kamay niya. WAAAAAAAAAAH!

"CLARE!" May sumigaw sa pangalan ko. Teka, familiar yun ah?Mama? Pagtingin ko, hindi nga ako nagkakamali si mama nga at kasama niya yung mga bisita niya kanina. Matutuwa ba ako, o magagalit ng tuluyan. Sinira nila talaga araw ko e.

"MOM?" Hala ano daw? Tumingin ako dun sa antipatikong lalaki, tinawag niyang Mom yung babaeng bisita ni Mama. Hindi kaya..........

"CHASE IHO!" Sabay takbo ni Tita sakanya. O-EM-GEEEEEEEEEEEH!

Oh shit. It can't be.

"Clare, magkakilala kayo ni Chase?" Balik tingin ako kay mama. Tumingin naman daw si Chase sakin. Ew. Eye to eye? Kikiligin na sana ako, kaso yuck. Nevermind.

STATUS: MARRIEDWhere stories live. Discover now