3

100 4 8
                                    

CLARE'S POV

Naramdaman kong huminto na ang kotse, pero ayokong imulat ang aking mga mata. Baka makita ko pa yung taong yun. Bakit ba siya pumayag? Diba wala naman kaming feelings sa isa't-isa? Wala naman siyang feelings sakin, pero ba't siya pumayag? ARGGH. Nakakasakit siya ng ulo. 

"Hey kid, wake up. We're here." Sabi niya. Kahit gising nako, tulog tulugan muna ako, alam kong iiwan niya din ako dito sa kotse niya. Siya pa?

Pikit lang Clare, pikit ka lang.

"Damn this kid." HAHAHA. Atlast sumuko ka rin. Ano pa silbi ng pagsali ko sa theater kung hindi ko man lang magamit gamit?

Ibubuka ko na sana yung mata ko, hanggang may naramdaman ako may bumuhat sakin. 

Teka? Bumuhat?????????? 

Don't tell me........

"Ang bigat mo palang batang ka." Binuhat niya ako. O-EM-GEEEEEH! GERMSSSSS! AND WAIT?! Ako mabigat? Duh nag didiet na nga ako tapos mabigat parin? At sino may sabi sakanya na buhatin ako? Pero infairness maganda na rin to, nang mahirapan siya. PERO I'M NOT FAT. DAMN HIM!

Mabango pala siya, naliligo pala tong lalaking 'to. Matanong ko nga minsan yung ginagamit niyang sabon, ay baka for men lang. Pero mabango talaga. Anong perfume yung ginagamit niya? Ang manly ng amoy. Hindi masakit sa ilong, tamang tapang, tamang tama lang. 

"I know you're awake, stop sniffing my perfume baka mawala yung amoy." 
Bigla akong napamulat. I looked at him, pero sana hindi ko na lang ginawa yun.
Our eyes met, only few inches na lang, magkikiss na kami. Aaminin ko, he's a good looking guy. He has this face na sobrang perfect na pwede mong gawing souvenir sa bahay niyo. Yung jawline niya, his eyes, his pointy nose, kissable lips. Wait.......... 
Kissable lips?

"ARAY NAMAN!"Bigla akong bumagsak sa isang upuan na matigas! Hinagis niya lang ako dun! Walangya! Wala ba siyang respeto sa babae?!
"HOW DARE YOU! PWEDE NAMAN AKO ILAPAG NG MAAYOS DIBA?! BA'T KAILANGAN PANG IHAGIS!" Aray yung pwet ko T_T Ba't kasi ang tigas ng upuan na'to. Anong made ba to? Made ng bato? Tigas e.

"You're already awake, pero ba't nag fefeeling tulog tulugan ka? Gusto mo lang siguro ako maamoy no?"

"Yuck! Ang kapal ng mukha mo." I saw him smirked, then nakita ko siya pumasok sa isang kwarto. Room niya siguro yun. Pfft.

Ang linis ng bahay, yung mga furniture parang sa pang bachelor talaga. Ano ba trabaho ng lalaking to? Nga naman mayaman, kilala sa business ang family niya. Sure ako, walang pake yan sa mga tao sa paligid niya, siguro nga wala sa lahi nila tumulong sa mga mahihirap eh.

Tumayo ako para libutin yung condo niya, black and gray lang. Same theme sa lahat ng mga lalaki, ewan ko nga ba't gusto nila yung black and gray eh. Pero infairness, well furnished yung kwarto niya, malaki, tas puro glass.  Pumunta ako sa may kusina at binuksan yung ref.


OMG! Puno ng pagkain yung ref niya! Cook rin kaya siya? O may katulong siya dito? Pero kung cook nga *-* OMOOOO~ makakakita na rin ako ng lalaking mag luluto IF EVER nga nag luluto siya. Gusto ko talaga makakita ng nagluluto na lalaki with matching soot their aprons, tapos mag sli-slice ng ingredients, tas LIVE pa T_T sa TV ko lang kasi nakikita yung mga ganun, babae kasi chef sa bahay kaya no choice. Pumunta ako sa may veranda, AND OMG! ANG GANDA! City air na amoy pollution, yung lights ng mga building, OMG NEW YORK LANG ANG PEG?! Sana ganito na lang, ganito sana ka easy buhay ko. Walang nag kokontrol, walang nag sasabi ng bawal at anong pwede. Hays.


Sana ganito na lang.


Ano kaya itsura ng kwarto ng alien na yun? Black din kaya? Mmm... Siguro kasi nga lalaki siya diba? HAHAHAHAHA. Ilan na kaya naging girlfriends niya? O may girlfriend na ba siya? Siguro dahil sa arrangement na 'to, nag hiwalay sila.

AY TEKA!

Ba't ko ba iniisip yun? Wala naman akong gusto sakanya ah? Hays, pero kung totoo nga nakakasira na pala ng relasyon at buhay tong arrangement na to. Siguro maganda yun, pwera sakin mukhang ewan. 

"Hey kid, Get inside malalamigan ka jan." Bigla ako napatingin sa nag salita, at nakita ko siya dun. Naka sando at shorts lang. Messy hair, alam mo talagang bagong ligo.

Teka, ba't uminit ang panahon? Sa pollution ba? Ay letse maka pasok na nga. Init.

Pati ba naman sa loob mainit parin? Luh sila?

"You okay?" Hahawakan niya sana ako sa balikat, kaso lumayo ako ng konti. It's so mainit! T_T"Ha? Ah- Oo okay lang. hehe." Ba't pag tumitingin ako sakanya, ba't ang init? Wooh! Lakas ng aircon pero ang init, grabe pollution na this.

"You're weird. By the way, your room is at the right side of mine. Go get some rest." At sabay talikod niya sakin. Ba't ang suplado niya? Ang bait bait ko nga sakanya eh. Pero wala akong magagawa ganyan na talaga siya, siguro. Pumasok na ako sa kwarto ko raw, binagsak ko yung katawan ko. Haaay. Namimiss ko na yung bahay T_T


Chase's POV

She's totally weird. Tinitigan niya ko parang hinuhubaran nako eh. But I admit she's kinda cute at her age. Her hair that's so long, her wide eyes, her nose, her------- her li--ps....

WHAT ARE YOU THINKING CHASE! Iniisip mo ba yung spoiled brat na yun? SHE'S DRIVING ME CRAZY! Pagod lang 'to Chase, pagod lang.

Humiga na ako sa kama, pero mukha niya nakikita ko. Pagod lang to. 

*Calling Jane*


Jane. My girlfriend. 

[Hey Love, hows the hospital?] Jane, yung girlfriend ko since college. Siya ang dahilan ba't ako nag doctor. Doctor din dapat kukunin niya, kaso nag shift siya ng Law dahil na din sa Papa niya. How I miss this girl.

[Hi Love, I miss you. The hospital is okay. Pagod ko nga eh.] Mahal na mahal ko siya. Kaso, ito nga I'm stuck. She's the only girl I wanted to marry. But I think hindi na mangyayari iyon.
[Aw. Poor you, don't worry I miss you too. Babalik na'ko within few days. May aasikasuhin lang ako okay?] She's so sweet.
"Okay. Goodnight Love."
[Good morning, Love.]
She ended the call. 

And suddenly, I fell asleep thinking all about her.

STATUS: MARRIEDWhere stories live. Discover now