Chapter 1

20 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa alarm clock kong napakaingay. Monday na pala? Grabe, katatapos lang kasi ng Christmas Break namin. Bakit pa kasi kailangang pumasok? Chos! Hahaha.

Naligo na ako tsaka bumaba para kumain. Pagdating ko sa kitchen, nagluluto palang si mama. Umupo muna ako sa dining chair namin.

"Good morning ma!" I greeted her .
"Hindi pa po gising si CJ?" Tanong ko. Kahit na alam kong hindi pa talaga gising yung tulog mantika kong kapatid.

"Obvious ba nak?" Aba! Nakuha pa niyang magjoke ah. "Hindi pa. Di ka na nasanay dun, parating nalelate sa paggising, di tulad mong Early bird."

She put the pancakes na in the dining table para makakain na ako. Nandun na din yung milk , butter and syrup. Yummy! Favorite breakfast ko kasi yan ever since. Ang Conyo ko no? Haha. Nasanay na din kasi ako, eh paano yung dalawang bestfriends ko mga conyo. Nahawa tuloy ako.

"Thank you po,ma. Bakit kayo po yung nagluto ng breakfast ngayon? Wala pa po ba si Manang Judith?" Kasambahay namin si Manang Judith , medyo matagal na din siyang nagtatrabaho dito. Nag-iisa lang siya, pero di niya kargo lahat ng mga gawaing bahay, di naman kami mayaman tulad ng iba eh.

"Hindi daw muna siya makakapasok ngayon anak. O siya, kumain ka na. Gigisingin ko lang ang kapatid mo."

"Sige po,ma."

Kumain na ako habang nagfafacebook. O diba, multitasking! Taray ko hahaha. Hindi ako naka-uniform ngayon, since monday at first day ulit ngayon, alam kong kokonti lang ang mga profs na papasok, baka kasi nasa bakasyon pa yung iba. Wala naman talagang gagawin sa school ngayon, pero sayang din attendance no, kaya papasok ako. Tsaka gusto ko na ding makipagchikahan sa mga bestfriends ko.

"Alis na po kami, mama papa." Paalam ko tsaka ako nagkiss sa cheeks. Sweet eh. Lagi kaming nagsasabay ng kapatid ko sa pagpasok sa school. Minsan, naka kotse. Madalas, nagcocommute. Tsaka lang naman kami hinahatid ni papa ng kotse kapag maaga ang pagpasok niya sa opisina.

"Ingat" sabi ni mama sabay wave pa.

Nag-abang na kami ng tricycle. Malapit lapit lang naman yung school na pinapasukan namin. Mga 15 minutes na byahe lang.

Oo nga pala, hindi pa pala ako nakakapagpakilala haha. Sorry na po agad. I'm Hermione Serafin , 15 years old, 4th year student, has a fair skin color and a long black curly hair. Hindi ako masyadong matangkad,hindi din naman ako masyadong maliit. Sakto lang!Ang unique ng family name namin no? Pero sabi nila mama wala daw kaming ibang lahi. Pure filipino daw talaga. Hindi kami mayaman, hindi din mahirap. Sakto lang din. May kaya kumbaga. Basta ganun! Hahaha. Nag-aaral ako sa isang sikat na Unibersidad.

Shy person din pala ako, hindi mo makakausap pag hindi ka talaga ka-close or kilala. Depende na din yun sa mood ko. Di din maipagkakaila na magaling ako sa pagsasayaw at pagkanta. Sabi ng nakararami mabait daw ako. Mabait naman talaga ako sa mga mababait din saakin noh.

Di ko namalayan na nandito na pala kami sa School, si Cj na yung nagbayad ng pamasahe namin tsaka kami naglakad na papunta sa kanya-kanya naming room. 3rd year na pala siya, I'm one year older than him. Crush ng bayan din siya, maraming mga tinataguan hahaha.

Habang naglalakad ako, may biglang nagtakip ng mga mata ko. Amoy palang alam ko na kung sino. Namiss ko din 'to kahit papaano. Sinusubukan kong tanggalin yung dalawang kamay niya pero wala akong laban, ang lalaki naman kasi ng mga kamay niya. Tsaka baka mahulog pa ako pag tumiwalag pa ako dito sa kumag na to eh. Nasa stairs na kasi kami, paakyat na sana ako sa room kaso tinakpan niya mga mata ko.

"JEROME LOYZAGA III ! " I commanded, bigla din naman niyang binitawan yung pagkakahawak niya sa mata ko at binaba yung mga kamay niya.
He laughed. Shizzzz that smile and laughter. Nakakalaglag panty. Feeling ko nalaglag na nga. Chos!

I AssumedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon