Chapter 2

4 3 2
                                    

"Anak, tawagin mo na ang papa mo at ang kapatid mo. Kakain na tayo."

"Opo ma." Sabi ko habang nakatingin sa text message ni Third. Nakakapagtaka lang kasi bakit siya magtetext ng ganito saakin? Rereplyan ko o hindi?

Pagkaakyat ko sa taas agad kong tinawag sila papa at Cj sa kani-kanilang kwarto. Sabay sabay na din kaming pumunta sa Dining area para kumain.

"Hermione, please lead the prayer."
Oo ganito kami ka-relihiyoso. Ang cute no. Kasi nga, nakasanayan na din namin.

"Let us pray. Heavenly Father, we thank you for all the blessings that you have showered unto us. Thank you for this wonderful day, continue to bless us with your unending love. Amen."

Kainan naaaaa! At dahil favorite food ko yung ulam, laban-laban muna. Hahaha. At the same time, nag-uusap sila mama at papa tungkol sa business namin. Si Cj naman kumakain lang tulad ko, favorite niya din kasi yung ulam ngayon.

"Ate!" Nagulat naman ako nung bigla niya akong tinawag. Eh ang sarap-sarap ng kain ko dito eh.

"Bakit?" Tanong ko. Ano nanaman bang problema nito?

"Anong bakit ka dyan? Haha. Pinapatanong ni kuya Third kung ano daw ginagawa mo kanina. Di ka manlang daw kasi nagreply sa kanya."

Lagooooot! Anong sasabihin ko? Wala akong load? Di ko pa nababasa yung text niya? Anooo?

"Uhmm. A-ano kasi— uhm. Tinulungan ko kasi si mama kanina, tsaka wala akong load. Tama, wala akong load. Hehe."
Sinungaling! Kakatapos magpray eh.

"Ah okay, sasabihin ko nalang na busy ka kanina, tsaka wala kang load." Tumayo na ako at dumeretso na sa kwarto. Si Cj kasi ang maghuhugas ng mga pinggan ngayon eh, wala kasi si Manang Judith.

Tinitigan ko ulit yung text niya.
Third: Hey,bestfriend. I missed you a lot.

"Aba, basta! Hindi ako magrereply. "
Nagfacebook,twitter at insta nalang ako hanggang sa mapagod 'tong mata ko.

—•—•—•—•—



"Class dismissed"

Haaaay! Akala ko pa naman wala pang mga profs ngayon. Binulaga ba naman kami ng mga quizzes and projects. Hanep talaga!

"Grabe naman yan, tuesday na tuesday may project agad? Buti nalang magkakagrupo tayong tatlo." Saad ni Cara, buti nga group project eh hindi individual. Mas okay na din yun.

"Sa friday na din yung submission, nakakahaggard ah! Magconceptualize nalang tayo sa bahay mamaya. Ano game kayo?" Tanong naman ni Hazelle na nakacross-arms pa.

"Basta ba magcoconceptualize talaga tayo at hindi magchichikahan, game ako!" Everytime kasi na pumupunta kami sa bahay nila, chikahan ang ginagawa namin. Kaya madalas, hindi namin nagagawa yung mga dapat naming gawin.

"Oo nga,Hazelle! Sige, sagot na namin ni Hermione yung pizza para may makain naman tayo mamaya." Aba! Lakas makahatak nitong si Cara. Grabe talaga, dinamay pa ako.

"O sige, we better get going,girls. Para makauwi kayo nang maaga. Daan nalang tayo sa yellowcab ng pizza." Sabi naman ni Hazelle para makaandar na din kami. Puro chika talaga!


"So anong gusto niyong maging itsura ng JS Prom natin?" Yeah. Yun ang assignment or project na pinapagawa saamin ni Ms. Reyes, Arts teacher namin. Kailangan naming i-draw yung gusto naming maging itsura ng venue sa prom.

"Basta gusto ko parang nasa dreamland ka. Yung tipong parang isa kang prinsesa or prinsipe kapag nandoon ka." Suggest ni Hazelle.

"Kahit ano namang itsura ng venue payag ako eh.  Ang mahalaga, mag-eenjoy tayo. Kasi last year na natin ito being a highschool student." Sagot ko naman sabay kagat sa pizza na hawak ko.

"Oo nga naman. Let's just make it simple but elegant." Magaling sa pagdradrawing si Cara. Passion niya talaga yan. Buti nga ka-group namin siya eh. So, nagsuggest lang kami ni Hazelle ng mga gusto naming makita sa Venue pag Prom namin.

May mga katuturan naman yung mga sinuggest namin kaya maaga kaming natapos. And since lahat kami girls, parang yung mga nasa fairytales ang kinalabasan ng ginawa namin. May isang Fountain sa gitna, maraming flowers, butterflies, dalawang swan na nagkikiss na nakabuo ng heart shape. At marami-rami pang iba. Grabe imahinasyon namin no?

"May 30 minutes pa before mag 6:30, chikahan muna tayo." Sabi ni cass habang tinataas yung dalawa niyang paa sa may sofa nila. Para na tuloy siyang nakahiga na nakaupo.

Sasabihin ko ba sakanila na tinext ako ni Third kagabi? Wala naman sigurong masama, tsaka gusto ko din namang i-share sa mga girlfriends ko.

"N-nagtext pala si Third kagabi saakin." Panimula ko, nakita ko namang biglang naging attentive yung dalawa. Pagdating talaga kay third, napakaalisto nila.

"Oh my! Anong sabi sayo? Sinabi na din bang gusto ka niya? Mahal ka niya? Sabi na nga ba e! Tama ang hinala ko. Kasi naman di pa niya ami--" hindi natuloy ni Cara yung sinasabi niya dahil biglang tinakpan ni Hazelle yung bibig niya.

"Ano ba Cara, patapusin mo nga muna si Hermione. Tarattat ka ng tarattat dyan eh. Sapakin kaya kita. " sabay irap pa ni Hazelle, nagpout naman itong si Cara. Haha nakakatuwa talaga 'tong mga ito.

"Ayun nga, sabi niya saakin namiss niya daw ako. Hindi ako nagreply. Hindi ko din kasi alam kung anong irereply ko eh." Kwento ko sabay yuko. Medyo nahihiya daw kunwari ako.

"Tang--" hindi ulit natuloy ni Cara yung sasabihin niya tinakpan kasi ulit ni Hazelle yung bibig niya. "Hehe, Sorry na. Nadala lang ako, ikaw naman kasi girl. Dapat sinabi mong namiss mo din siya noh." Haaay nako, itong si Cara talaga kahit kailan tsk!

"Ang tanong, namiss mo ba si Third mo?" Tanong naman ni Cara. Mamumula na ba ako? Baka magmukha naman akong kamatis dito.

"S-sobra."

"Ayieeeeeee!" Sabay pa talaga ang mga baliw. Hahaha!

"Shhhhh.. Ang iingay niyo, marinig tayo ni Tita May eh." Pagpipigil ko nang kilig. Yuck! Namiss ko pala talaga yung kumag na yun? Hindi ba siya pumasok kanina? Di ko kasi siya nakita.

Noong 6:30 pm na, pinahatid na kami ni Hazelle sa driver nila. Hindi na siya sumama kasi may lakad daw sila ng family niya. I guess, a family date?
Agad naman akong nagpasalamat kay manong at nagpaalam kay Cara nung nakababa na ako sa kotse. Pumasok na din ako agad kasi gusto ko nang magshower.

Nadatnan ko naman si mama at papa na nag-uusap sa may sala. Nagmano ako tsaka umakyat sa kwarto para makapagshower na agad. Nandito na din pala ang mahal kong kapatid, may narinig kasi akong music pagkadaan ko sa may kwarto niya.

Wait, lang. M-may kausap siya? Teka nga... Shizzzz! Meron nga, sino naman kaya? Sa personal ba or cellphone call lang? Eavesdrop or no? Ngayon lang naman eh. Hala! Sana mapatawad ako ni Lord. Sorry na po agad. *peace sign*

"Kuya, hindi ba alam ni ate na nandito ka?"

So, ibig sabihin nandito nga sa bahay 'tong kausap niya ngayon?

"Hindi eh."

"Ay, akala ko alam niya. Haha!"

O_O

—•—•—•—

(A/N)

Hi guys, guess who's in the house! Chos, Hahaha! Pero seryoso, sino kaya yung nasa kwarto ni Cj?

Vote + Comment = Vomment :)

I AssumedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon