Chapter 4

8 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw.  Biyernes na at Oo, ngayon na kami lalabas ni Third para maglunch. Pero hep hep! Mamaya pa yun, half day lang daw kami ngayon sabi ng mga Teachers dahil may meeting daw sila mamaya. Hindi ko pa pala nasasabi kay Cara at Hazelle yung about sa lunch.

Honestly, hindi naman ako nag-eexpect eh. It's just a lunch. Kakain lang kami, tapos tapos na! Wala na dapat akong isipin pang iba dahil alam ng sarili ko na hindi niya ako gusto.

Pagdating ko sa classroom, nakita ko kaagad sila Cara. Nagwave naman ako at sinalubong sila ng "Hello," with a smile. "Kanina pa kayo dito?" Tanong ko.

"Hindi naman, kararating lang din namin, Hermione." Sagot naman ni Hazelle tapos pinagpatuloy yung pagtetext. Baka si Harry yung katext?

"Ano nga pala yung sasabihin mo,girl?" Tanong ni Cara sabay nangalumbaba sa may arm chair ko.

"Inaya ako ni Third maglunch. Yun lang naman." Sagot ko habang inaayos yung buhok kong kulot. Hindi naman sobrang kulot nitong buhok ko. Yung sa dulo lang hehe.

"Omg! Totoo?" Ayan nanaman si Cara bungangera. Sumasakit eardrums ko dito sa babaeng 'to eh.

"Oo nga daw, Cara. Huwag ka ngang maingay dyan. Ang aga-aga oh pinagtitinginan tayo." Sabi naman ni Hazelle. Oo nga, pinagtitinginan na nga kami ng mga kaklase namin.

"Lunch lang naman yun,guys. Kaya Cara huwag kang magfreak out. Lalabas lang kami, kakain at tapos na. Yun lang naman eh." I said while pinching her cheeks.

Madali lang natapos ang mga classes. Kinukulit ako ni Cara at Hazelle , tinatanong nila kung saan daw kami magdedate este maglalunch ni Third. Hindi ko nga pala natanong sa kanya.

"Sigurado ka bang sisiputin ka pa nun? Mukhang di naman yata magpapakita."

Oo nga, hindi naman ata siya magpapakita saakin. Baka pinapaasa niya lang ako? After how many years, biglang nagvibrate yung phone ko. Si Third tumatawag ...

Third calling ....

"Uy, sagutin mo na." Sabi ni Hazelle, tinignan ko muna silang dalawa ni Cara tsaka ko sinagot yung tawag niya.

"H-hello, Third. Bakit ka napatawag?" Umuurong ata dila ko. Bakit ba kasi biglang tumawag si kumag?

"I just want to ask you kung pwedeng mamayang gabi nalang tayo lumabas? Dinner nalang, may practice game kasi kami ngayon eh. Sorry, Hermione."

"A-ah , okay lang naman saakin kahit na hindi na eh. Okay lang talaga ako, tsaka baka makaaba–" hindi niya ako pinatapos.

"Hindi, Hermi. Ako ang nagyaya sayo kaya dapat matuloy. Ayaw ko naman na mapagalitan ako nila tito and tita eh."

Whaaaat? Sinabi niya kina mama? Lakas talaga ng topak nitong si kumag! Grabe T_T

"Sinabi mo sakanila!?"

"Galit ka na niyan? Mas mabuti na yung alam nila kesa hindi, Hermione." Sabay sa pagsalita niya ang pagtatawag ng coach nila sakanya. Galit na ata si Coach!

"Sige, Hermi. Tinatawag na ako ni Coach. Mamaya ha, susunduin kita around 6:30 pm. See you later, take care." Agad niyang in-end yung call.

"Ano sabi ni Third mo?" Tanong bigla ni Hazelle . Excited si ate?

"Hindi daw tuloy ngayon." I heard them sighed. Sabi ko na nga ba at malulungkot ang dalawang ito. "Pero mamayang gabi , oo." Lumaki naman agad yung ngiti ng dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I AssumedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon