Prolouge

2 0 0
                                    

"I'm so sorry, but the cancer cannot be cured anymore. It already spread sa lahat ng parte ng katawan mo. Im so sorry but you only have 1 year left."

Para akong sinabugan ng bomba sa sinabi ng doktor saakin. Bakit ako pa? Sa lahat ng mga tao sa mundo ako pa. Di ko alam kong maiiyak ba ako o magsisigaw. Ang sakit na kailangan ko silang iwan dahil sa sakit nato. 

kring kring kring

Nataranta ako ng mabasa ko kung sino ang tumatawag, parang ayaw kong sagutin pero sa di ko malamang kadahilanan...

"Hello?" 

"Hey! Girlfie, anong sabi ng doktor? Okay ka lang ba?" biglang tumuyo ang lalamunan ko.

Anong isasagot ko? 

Dapat ba na sabihin ko?

Pero masasaktan siya?

Pero ayaw kong magsinungaling sakanya.

But in the end I choose to lie.

"Uhm, yup! Anemia lang daw yun kaya hinimatay ako." I said in a fake cheery voice.\

I can't let him know, ayaw kong saktan siya.

"Good. Girlfie off ko muna to huh? Baka mahuli ako ni maam..." at may narinig nga akong sigaw ni maam na ikinatawa ko hahahaha ang boyfie ko talaga. "Ayan na !! nagsisimula na si Dragona. Bye bye na Girlfie ko muwah muwah muwah chup chup."

Pagababa ng phone ay ang siyang naging hudyat ng pagtulo ng mga luha ko. I feel lost and helpless. Napaupo ako habang patuloy paring umagos ng masagana kong luha. 

Pagkaraan ng ilang minuto tumayo ako at pumunta sa aking drawer at kinuha ang tinatawag kong "box of memories" na mas lalong nagpaiyak saakin ng nakita ko ang mga bagay na nandito. Ang mga memories ko with him, my family, and my friends.

Inilagay ko ulit ito sa drawer at humiga nalang sa kama. At nag isip isip sa mga kailangan kong gawin.

At parang piniga ang puso ko sa mga gagawin ko, I curled in my bed and cry again.

I'm sorry boyfie but I guess I just have to do it...


***************************************** 



Seasons of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon