Chapter 50 *Are you leaving?*

1.5K 11 1
                                    

A/N: Pasensya na po sa sobrang tagal mag-update :( Exam po last week tsaka wala po akong maisip na pang-update eh :( SORRRRRRRRRY!

[Ruru's POV]

Pagkatapos ng prom hinatid na ako ni Nath sa bahay namin. Si Liam naman nagtext sakin na may nakilala daw siya na girl tapos hinatid daw niya sa bahay nila kasi nagquit daw sa trabaho yung driver dahil daw sa kamalditahan nung babae. Pero agad-agad? Nagresign agad? Sobra naman yun >.<

Pero nung umaga wala parin si Liam. Hindi ata umuwi. San kaya yung lalaking yun?! Pero nung tinext ko naman siya ang nireply lang niya sakin ay wag daw akong mag-alala masyado sa kanya kasi ayos lang naman daw siya. At wag ko daw siyang tatanungin kung nasaan  daw siya.

Abnormal talaga yung lalaking yun kahit kelan. Di man lang nagpaalam kay ate Zai bago matulog kung saan. Hay naku >.<

At yung gabi din yun ay nawala din si Khassy. Nung tinext ni Nath si Khassy, ang nireply niya ay wag din daw mag-alala si Nath. May nakilala daw siyang boy tapos hinatid daw sa kanila.

Di kaya si Khassy at Liam ay magkasama kagabi?! Pero imposible yan tol! Maldita si Khassy tapos si Liam naman bully. Walang mangyayaring maganda sa kanilang dalawa. Baka magpatayan lang yung dalawang yun.

Haaaaay! Bahala nga silang dalawa kung anong pinagagagawa nila sa buhay nila. Basta ako kakain nalang ng kakain. Masarap na busog pa.

Tapos kinuha ko yung bread loaf tapos nilagyan ko ng cream. Nasa dinning table nga pala ako ngayon. Nagbebreakfast. Obviously kakagising ko lang.

*dingdong*---sound effects nang doorbell

May tao?! Baka si Liam na yun?! San kaya yun natulog?! Baka naman naglaseng kaya di siya umuwi kagabi?! Aba! Subukan niya lang baka malapnos balat niya pag nalaman kong naglasing talaga siya!

Sumbong ko nga siya sa nanay niya! Lagot siya dun! Parang machine gun yung bunganga nung nanay niya pag nagagalit eh. HAHAHAHA

Tumayo si Manang Pantiraran sa pagkakaupo niya. Malamang (-_-)

Binuksan niya yung gate tapos pinapasok ata yung dumating..

"Naaaaaak! May bisita ka." sigaw ni manang pantiraran mula sa sala

Ako daw may bisita?! Sino naman kaya yun? Baka wala naman talaga? Baka si liam lang na nagpapa-VIP.

O di kaya si Alliyah. Nag-away sila ni Ren? Hala bakit? Wag naman sana!

"Hoy! Wag ka nang mag-isip nang kung ano! Puntahan mo na yung bisita mo!" sabi ni Ate Zai

"Ha? Pano mo nalaman na nag-iisip ako?" tanong ko

"Nakatunganga ka kaya! Tapos yung cream na nilalagay mo sa tinapay mo umaapaw na!" sabi niya habang inaalis yung kamay ko sa paglagay ng cream.

"AAAAAY! Bakit natapon yung cream! Ang lagkit tuloy!" sabi ko

"Pumunta ka muna sa sala bago ka maghugas! Kanina pa yun naghihintay eh! Ano ka VIP? Kaloka!"

"Oo na po!" tapos pumunta na ako sa sala

Pagkarating ko dun..

Nashock ako. Like omg. Hahahahaha!

Syempre kayo di na kayo nashock kasi parang alam niyo na kung sino ang bisita ko.

Syempre walang iba kundi si..

Si..

Stella yung kapatid ni Nath. Remember her? Yung spoiled?

Nagulat talaga ako siya ang bisita ko. Ang dami ko pang cream sa kamay. Nakakahiya.

"Hi ate!" tapos niyakap niya ako. "yuck ang lagkit." tapos humiwalay siya sakin.

I'm his accidentally girlfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon