Chapter 17 *End of Contract*

1.9K 23 3
                                    

[Ruru's POV]

"Oh bat ganyan ka makatitig sakin?" tanong sakin ni Khassy na parang naiirita

"Basta" sagot ko sakanya

"Natatakot ka no? Na baka may gawin akong masama sayo?" tanong ni Khassy sakin. Di nalang ako nagsalita. 

Tumawa siya. "Wag kang mag-alala! Wala akong gagawing masama sayo ngayon. Mabait mode muna ako" sabi niya at nagwink pa. Maniwala ako dito sa kas-kas na to? Hmmmpf! Magiingat nalang muna ako ngayon. Aba! Mahirap na baka anong mangyari sakin dito? Bata pa ako para makaranas ng delubyo.

"Let's go! Magpapanggap muna akong friend mo. Samantalahin mo na ang pagkakataon habang mabait pa ako." sabi ni Khassy. Wow napaka bubbly niya ngayon ha. Then pinulupot ni Khassy yung kamay niya sa braso ko. Yung tipong parang close kami? Haaaay! End of the world na ba?! 

"Pumunta muna tayo dun sa may chair na yun oh!" sabi niya tapos tinuro yung upuan. "Let's sit" sabi ni Khassy sakin.

Umupo naman kaming dalawa. Naka-upo lang kami. Walang nagsasalita. Awkward

"Khassy. Mahal mo pa ba si Nathaniel?" biglang lumabas sa bibig ko yang mga salita na yan. Nagulat din ako sa sinabi ko. Gosh!

Nakita ko naman ang reaksyon niya. Parang nagulat  din siya sa tanong ko. Tapos tinawanan lang niya ang tanong ko.

"You're so funny! You know what? Okay ka maging friend. Napaka prangka mo. I liked that. If okay lang sayo. Puwede ba tayong maging true friends? Hindi lang ngayon. But sa susunod pang days" sabi niya sakin. Seryoso ba siya?!

Wait?! Sa tingin niyo guys? Papayag ba ako? Pano pag dinadramahan nanaman niya ako? Tinitigan ko siya maiigi. Mukha namang seryoso siya sa sinasabi niya.

"Sure" sabi ko sakanya

"Friends?" sinabi niya at inabot niya yung kamay niya sa kamay ko para sa shake hands daw. Nakipag shake hands din ako sakanya

"Friends" sagot ko naman sakanya

"Thanks! You know what? Your'e beautiful from inside and out. Bagay kayo ni Nathaniel" sabi niya sakin at nakangiti pa.

"Thanks" tipid ko namang sagot sakanya

"Let's go?" sabi niya sakin

"Where?" tanong ko naman sakanya

"Papakilala kita sa mga relatives ko dito" sabi niya sakin.

Hinila niya ako at pinakilala sa mga pinsan niya. Magaganda at magagwapo yung mga pinsan ni Khassy. Woaaah! magagandang lahi. Kaya lang inisnob lang ako ng mga pinsan niya. Grabiiiii ah? 

"Just don't mind them. Tara na nga?" sabi ni Khassy sakin

"Ha? Saan nanaman?" tanong ko naman sa kanya

"Punta tayo sa labas, sa may fountain. Mas maganda dun" sabi niya sakin 

At hinila niya ako palabas ng hotel at tumambay kami dun sa may fountain sa labas ng hotel

"You know what? Mag best friends kami ni Nathaniel since I don't remember. Lagi kaming magkasama niyan. Lagi nga kaming tinutukso dati sa school na mag-asawa daw eh? Di kasi kami napapaghiwalay. Hanggang sa lumaki na kami at nagkaisip. Niligawan ako ni Nath. Best friend lang talaga ang turing ko sakanya noon. But dahil sa mga parents ko kaya ko siya sinagot" sabi ni Khassy sakin na nakatungo.

I'm his accidentally girlfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon