Title : DADDY??
Ako si Jenny, Daddy's girl ako.. as in mas close ko pa sya kesa Kay mommy, nung naghiwalay sila Malamang Kay daddy ako sumama.
Naalimpungatan ako,nagri-ring kasi yung telepono sa kwarto ko. pagtingin ko sa orasan 2:48am na pala agad ko ng sinagot yung telepono.
"hello?"
"Anak, Moglock ka na ng pinto. Di ako makakauwi baka bukas na ng Umaga."
"Ah overtime po pala kayo ngayon Daddy.. Sige po ingat ka po."
"Sige Anak. Mahal ka ni Daddy."
"Mahal ko din po kayo."
Lumabas na ako at sinara ko na yung gate, Pagtalikod ko p-parang may naramdaman akong d-dumaan...
"Sino yan?"
Narinig ko yung tunog ng padlock Parang may nag-gagalaw kasi eh o Parang tinitingnan kung nakalock na.
dahil sa takot ko tumakbo nalang ako papasok ng bahay at Natulog nalang ako ulit..
*knock *knock
Sino ba yung nakatok sa gate Ang aa naman nya mambulabog! Ay!! baka si Daddy na yun.. Dali Dali akong lumabas para pagbuksan sya ng pinto pero pagbukas ko mga pulis ang nakita ko.....
"Ikaw ba si Ms. Domingo?"
"A-ako nga po."
"Iha may masamang balita Kami sayo... "-Pulis 1
"Ano po iyon?"
"Naaksidente ang tatay mo kaninang madaling araw mga alas dos. At nalagutan sya ng hininga mga pasado alasdos Imedya"
"Po? eh tumawag pa sya sakin ah.. mag-aalas tres po yun."
"imposible Iha, Pero ang huling sinabi nya saamin ayaw pa daw nyang mamatay kaylangan ka daw muna nyang makita at makausap. "
Sa sinabi nilang yun napaiyak nalang ako, Nakakalungkot na Kahit sa huling hantungan ni Daddy ako parin ang iniisip nya.. Ngayong wala na sya, wala akong pagsisihan kasi alam Kong naipadama ko sa kanya na Mahal ko talaga sya... Swerte ako sa tatay ko kaso Malas ko nawala sya sakin agad.
"Miss wala na daw po kayong kailangan problemahin sa gastusin, sagot na daw po ng kompanyang pinag-tatrabahuan nya ang gastusin"Pulis 2
"Salamat po."
Parang ayokong tingnan yung kabaong ni Daddy... Natatakot ako dahil sa mga pagpaparamdam nya sa kin bago pa sya mamatay..
*kring *kring
"Hello?"
"Anak.." napakahina nung boses pero kilalang kilala ko yun..
"DADDY??"
*tooooot
"Okay ka lang ba?"
"Tita Connie Si daddy nakausap ko sya sa telepono..."
"Iha.. wag mo naman kaming takutin,Andito Kami para sayo Di ka namin iiwan..."
niyakap ako ni Tita Connie...
At ngayon Kahit matagal ng patay si daddy, dinadalaw nya parin ako.. lagi ko syang nararamdaman, Yung padlock na narinig ko dati gabi-gabi ko yung naririnig ....
Teka bakit nasa Tabi mo yung padlock ng gate namin?!
------------------------------------------------------------------------
a/n
okay ba readers ??
Comment pls..
vote na din :)
BINABASA MO ANG
DIFFERENT HORROR STORY IN ONE BOOK
HorrorHi readers! First time ko na gumawa ng horror story sooo... please bear with me haha iba't iba't story to pero Gawa Gawa ko lang lahat hahaha SOWRY po medyo corny ako mag sulat ng story eh.. (Feelingera ako kala mo naman may magbabasa ng story ko) ...