Hi, ako si Lexie, 2nd year high school.. Ikikwento ko sa inyo ang aking karanasan na nangyari sa computer room ng school namin.
----------------------------------------------------------------------------------------
"Lexie, Ayaw talang ma-print, pang-ilang ulit na namin ti-nry."
nandito Kami ngayon sa computer room, kasama ko yung 4 kong kaklase, gumagawa kasi Kami ng book report namin para bukas..
"Ako nga mag-pprint.. Di ka yata marunong eh." Sabi ni Kirby kay Anne na kanina pa reklamo ng reklamo na hindi daw gumagana ng ayos ang printer.
Habang nagsusulat ako ng iba pang ita-type ni Rica.. nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto. Hindi lang pala ako yung nagulat pati pala yung apat ko na kasama napatingin sa pinto.
"Okay, ano yun?" sabi ni Mae, sya yung pinakaduwag saming lima.
"Tsk. hangin lang yan! ipagpatuloy nyo na Mae at Rica yang pata-type nyo"
dalawang computer lang kasi gamit namin..
"Hala! bakit ayaw na gumana nung mouse?" - Mae
"Antayin mo lang Mae... Naghang lang yan" sabi ni Rica habang tuloy pa rin sa pag-tatype.
"Tingnan nyo guys... gumagalaw magisa yung mouse " pagtingin namin nagalaw nga mag-isa yung mouse.. maya maya bigla namatay yung computer. kaming tatlo nila Mae at Anne takot na takot na, samantalang yung dalawa walang pakialam, si Rica tuloy lang sa pagta-type tapos si Kirby naman tuloy lang sa pag-pprint
"teka.. Bakit nakakapagtype ka pa rin dyan? eh namatay nga yung computer namin edi dapat namatay na rin yung inyo." tanong ko
"Guys tingnan nyo tanggal pala yung mga saksak."
lahat kami nagulat sa sinabi ni Mae ibig sabihin habang ginagamit namin ang mga computer hindi sila nakasaksak
"Bukas na natin ipagpatuloy yung ginagawa natin."-kirby
"Oo nga natatakot na rin ako eh."-Anne
"Sige tara na."-ako
*eeeeeek
biglang tumakbo si Kirby para pigilan yung pinto sa pagsara kaso too late na lock-an na kami
*Blaaag
nag-kakalampagan yung mga bintana dahil sa sobrang lakas ng hangin, kaming apat na babae mag kakayakap habang si kirby pilit na binubuksan yung pinto
"Natatakot na ako *sobs*"- Mae
"takte! wag kayong umiyak, pati ako kinakabahan sa inyo eh"-Kirby
"Shit yung mga computer nagbubukasan nanaman!"
*blaaaag
pagkabukas na pagkabukas nung pinto nagtakbuhan na kami at dalidali kaming lumabas ng school simula nung gabing yun hindi na ak nagpupunta doon ng magisa, iniiwasan ko na ring madaanan yung room na yun..
naikwento din namin yun sa ibang teachers namin at sinabi nila na hindi lang daw kami yung nakaranas ng ganun kahit daw yung ibang studyante nila dati na biktima na ng computer room na yun.
Eh kayo yung computer room nyo rin ba ganun?
-----------------------------------------------------------------------------
Hahaha corny ba?
libre lait wag lang sobra..
Comment at vote kayo :)
BINABASA MO ANG
DIFFERENT HORROR STORY IN ONE BOOK
HorrorHi readers! First time ko na gumawa ng horror story sooo... please bear with me haha iba't iba't story to pero Gawa Gawa ko lang lahat hahaha SOWRY po medyo corny ako mag sulat ng story eh.. (Feelingera ako kala mo naman may magbabasa ng story ko) ...