love yan ee <3

50 0 0
                                    

Sinong makakapagsabi kung sino ang nakatadhana para sa atin? Wala naman diba? Kasi may taong dumadating sa buhay natin na akala natin siya na pero paglipas ng panahon saka lang natin marerealize na hindi pala siya ang dapat nating makasama habang buhay. Sa una masasaktan ka kasi nasanay ka nang nanjan sya pero maiisip mo din na buo pa din ba ang pagmamahal mo sa kanya? Wag mong lokohin ang sarili mo, magpakatotoo ka! Ramdam mo naman yun ee kung talagang mahal mo siya lalaban ka pero kung alam mong sa una pa lang may pagdududa ka na sa nararamdaman mo itigil mo na yan. Hindi lang siya ang masasaktan mo pati ang sarili mo.

            Sa isang relasyon dapat dalawa kayong nagtutulungan, hindi yung isa lang yung gagawa ng paraan sa mga pagsubok na dadating sa relasyon nyo. Kaya nga partners kayo diba kasi dalawa kayong haharap sa mga pagsubok. Matatawag  mo pa bang pagmamahal yun kung hindi mo naman sya kayang samahan sa bawat laban? Nagmahal ka pa! kung iiwan mo lang din naman pala sya. Matuto kang magpakatatag! Kung sya nga halos ibigay na ang buhay nya maipaglaban ka lang kaya sana lumaban ka din kasama nya! Patunayan mo ang pagmamahal na sinasabi mo nung simula pa lang.

            DESTINY! Yan ang karaniwang maririnig mo sa mga magkarelasyon na masaya sa kanilang estado, kasi kaht daw gaano kalihis ang buhay nyo sa isa’t isa hindi niyo malalabanan ang tadhana pero para sa akin hindi yan totoo! Kasi hindi mo naman yun masasabi ee mararamdaman mo yun at higit sa lahat hindi un DESTINY its GOD’S PLAN. Sabi nila kahit daw ramdam mong yun na talaga pero pag dumating ung point na pinaglaruan ng panahon ang ipinaglalaban mo wala din daw kwenta pero para sa akin may kwenta yun! Bakit? Kasi sa bawat pangyayare may dahilan, sa bawat pagsubok kayang solusyonan, hangga’t parehas kayo nang pinaniniwalaan may rason para lumaban.

            PARTNERSHIP! Hindi lang sa business yan pati sa pag-ibig meron nyan. Bakit? Kasi may mga bagay na lalaban kayong dalawa bilang isa. Kaya kailangan parehas kayo ng pinaniniwalaan, kaya nga partners diba kasi dapat dalawa kayo, walang kwenta yung pinaglalaban nung isa kung yung isa sumuko na para saan pa yung lakas na pinapakita niya kung yung isa pinanghihinaan na. Kung iisiping mabuti, sasabihin mong mahal mo siya pero hindi mo naman kayang lumaban para sa kanya? Hindi mo magawang samahan siya sa pagharap ng bawat problema? Nasaan yung pagmamahal? Wala diba? Hanggang salita na lang ang lahat. Kung gusto mo talagang makasama forever yung taong mahal mo, ipaglaban mo! Face the consequences and challenges of love, because it’s not love if you don’t fight for what your heart desires. Ilang ulit ka mang masaktan kakayanin mo, magpapatuloy ka pa ding kasama siya, kasi mahal mo ee PERO wag ka namang magpakagago kung alam mo namang ikaw na ang sobrang nadedehado. Hindi kayo pinag-isa tapos kalahati lang ang gagawa, ang love kasi dapat buo yan anuman ang mangyare. Kung may isa mang bumitaw, bumitaw ka na din. Huwag mong pagmukhaing tanga ang sarili mo, hindi yan tag of war na kapag hinila mo ung kabila may hihila sayo pabalik, kaya kung putol na yung tali bumitaw ka na kasi kahit anong mangyare wala nang kwenta ang paghila mo kasi iniwan ka na.

            Ang LOVE napakahirap ipaliwanag, napakahirap din balansehin at higit sa lahat napakahirap kontrolin. Hindi masamang magmahal hangga’t alam mo sa sarili mo kung saan ka lulugar, alam mo kung hanggang kelan ka lalaban at higit sa lahat dapat alam mo kung parehas pa ba kayo nang nararamdaman. Pagdating sa love hindi naman masamang sumuko lalo na kung alam mong sobra ka nang nasasaktan, hindi ka robot na kapag nireformat mo babalik lang ang lahat sa dati, ipakita mong may kahinaan ka din kasi sa bawat sakit may sugat na nagmamarka, may mga pangyayaring mahirap kalimutan at may mga bagay na hanggang dun na lang talaga. Huwag tayong maging bulag pagdating sa pag-ibig, huwag tayong magpakatanga, at huwag tayong magkunwaring malakas lalo na kung alam naman nating pati puso natin sumusuko na. Magtira ka naman para sa sarili mo!

            Kung nasaktan ka man sa una huwag kang matakot magmahal ulit kaya nga may second chance diba? Kasi may mga bagay na hindi natin natatagpuan sa una kaya sumusuko tayo para mapadpad sa pangalawa, pero kung may pangatlong pagkakataon mag isip ka muna kasi hindi natin alam kung nalagpasan na ba natin yung dapat sa atin o sadyang mas pinili nating lagpasan yun at harapin ang pangatlong pagkakataon. Huwag mong madaliin ang lahat hindi yan orasan na sa bawat galaw ng kamay ay dapat may mangyare na naaayon sa gusto mo. Dadating ang lahat sa tamang panahon, kung kelan handa ka nang lumaban, masaktan, mahirapan, at madapa ng ilang ulit.

            Alam natin na may mga taong dadating at aalis sa buhay natin kaya maging handa tayo. Mapaglaro ang pag-ibig, mapanlinlang kaya matuto tayong mag ingat. Kung nasasaktan ka man ngayon siguradong bukas wala na yan, huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan hindi pa yan ang katapusan ng lahat, may bukas pang naghihintay sayo kaya lumaban ka, huwag kang sumuko na lang. Hayaan mo na yun sa nakaraan, may bukas kapang dapat ipaglaban at may hinaharap ka pang dapat paghandaan.

            “Don’t rush into fall in love, for love never runs out even if tawanan ka nila ‘coz your single just tell them God is just busy writing the best love story for me”-----PRINSESA ka kaya hindi pwedeng wala kang PRINSIPE..maghintay ka lang baka naglalakbay pa siya at hinahanda ang kastilyo kung saan kayo titira ng magkasama-----dahil naniniwala ako na sa bawat kwento ng pag-ibig may HAPPY EVER AFTER. <3

-patet-

love yan ee &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon