Slow Motion

20 0 0
                                    



DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the authors imagination or used in fictional manner. Any resemblance to actual persons, living or dead is purely coincidental. Please do noy distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of the story in any way.




-------

"Ay pakshet naman ang ineeet!"

Katatapos ko lang maligo pinagpawisan na agad ako sa pagbibihis lang ng damit.

Nandito kami ngayon sa manila kasama ang pamilya ko, nakikilamay namatay kasi ang paborito kong tito sa lahat. Ni hindi ko man lang sya nadalaw nung na comatose sya . Naging abala kasi ako sa trabaho at may inasikaso pa akong ibang bagay. Napag pasyahan naming dumalaw sana ngayong buwan pero hindi na kami nahintay ni tito.

So ayun nga, kalalabas ko lang ng subdivisiong tinitirhan nila tito at ng kanyang pamilya, katabi sya ng Prado eh, ano bang subdivision toh? Ah ewan!

Tatawid na sana ng bulyawan ako ng isa sa mga motorista. Nagulat ako kasi bakit ba sila nagagalit? Nasa pedestrian lane naman ako tumatawid ah? Halos ayaw nilang magpadaan nakaka badtrip. Sa Baguio ako nakatira kaya naman nanibago ako sa environment na kinalalagyan ko ngayon. Siguro nanibago lang talaga ako. Doon kasi hihintayin ng mga sasakyang makatawid ang mga tao bago sila, tsaka dito ang mahal ng tricycle 70 pesos, hindi pa lalampas na 70 pesos ang binabayaran kong pang taxi ppuntang bayan sa Baguio, napapamura na talaga ako. Pero ng makarating ako ng bayan worth it naman, ang mura ng mga bilihin! Lumalapad lalo ang pagkakangisi ko. 50 pesos lang ang blouse nila dito at iba pa. Napamura nanaman ako dahil sa mura nga ang mga bilihin dito.

Tagaktak nanaman ang pawis ko, ang init init ng talampakan ko, feeling ko namamanas ang paa ko. Mukang luya na nga tong paa ko namanas pa, ayan tuloy mukang puputok na ang mga ugat sa paa ko. Nakakatuwa lang kasi walang mga matang mapanghusgang nakatingin ngayong naka short shorts lang ako, sando at tsinelas . Doon kasi, mag short ka lang ng ganun malandi na agad ang tingin ng karamihan sayo. O kaya naman iisipin nilang turista ka sa lugar na iyon.

Kahapon pa kami dumating dito. Ngayon lang ako lumabas para bumili ng ibang kailangan ko..

Inis naman akong nakatingin sa lalakeng nababangga ko. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ano baaaaaah??!!" maarteng sabi ko. Inaamin ko namang gwapo yong lalake. Maputi nga e mukang labanos sa kaputian, mukang bakla hahaha! XD
Ayoko talaga ng maputing lalake, mukang bading. Matangkad sya na mejo mapayat, naka puting polo shirt, itim na jeans at puting vans shoes.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo, haharang harang ka tss.. "

"Eh di sorry.. Tss.. Badtrip naman ang ineeet!"

Di ko na sya pinansin at tinalikuran ko na sya. Kanina pa ako tinitext nila papa. Siguro iniisip nilang nawawala na ako. Di naman ako masyadong pamilyar sa manila, hanggang bayan lang ang alam ko. Babalik pa kasi ako ng bayan dahil may nakalimutan akong bilhin. Makaalis na nga at ng makakain na sa bayan

Halos masubsob naman ako ng bigla na lang may humablot sa braso ko.

"Aray ko! Peste! Ano ba?! " hinablot ko pabalik ang braso ko. Yung lalake kaninang mukang bading pala. "Ano bang problema mo?! Nag sorry naman na ko ah?! Aawayin mo pa ba ako?!" nakakainis! Nagugutom na nga ako may isa pang sagabal sa pagkain ko.

Tiningnan nya lang ako sabay hila ulit sa braso ko. Nang hinablot ko pabalik ay nasaktan lang ako kasi mas hinigpitan nya pa ang pagkaka hawak sa braso ko, natakot ako bigla lalo na ng hilahin nya ako at sapilitang isinasakay sa kotse nya.

Slow Motion (one-shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon