3

8 0 0
                                    

"So why were you waiting for me outside?" tanong ni Ash na akala mong nanay ko.

"Baka kasi kung ano pang magawa ko sa mga lalaki kanina don na nantitrip sa akin. Kilala mo naman ako diba." Tamad na sagot ko.

Napatawa siya nung marinig niya yung reason ko. "Iba ka talaga. Mas matapang ka pa sa mga lalaki." naiiling na sinabi niya.

"Damn right I am." sabi ko naman sabay flip ng hair ng pabiro.

Not that nag-yayabang ako. Pero kasi gustong gusto kong nasasabihan na ang tapang tapang ko. Na hindi na ako yung mahinang Savannah noon na okay lang kung may nantitrip kasi masyado siyang takot noon para lumaban.

I hate that girl that I used to be. Weak, voiceless, fragile.

I cleared my mind and started doing our assignment in Marketing.

Magkasama kami ngayon ni Ashley dito sa bahay nila. Nasa kwarto niya kami at gumagawa ng assignment. Tapos na siya kaya naman pa-online online na lang.

I refused to copy her answers kaya naman nagsasagot pa din ako. Sa aming dalawa kasi, hindi maipagkakaila na mas matalino talaga si Ash.

Babaliw-baliw lang siya pero matalino yan. Ako din naman hindi naman ako tanga pero hindi ko kasing talino si Ash. Pero dahil kaibigan niya ko, nadadamay ako sa kasipagan niya kaya mataas din mga nakukuha ko.

"OMG!" Sigaw ni Ashley habang napatayo siya sa kama na akala mo talagang gulat na gulat. Nakahawak pa sa puso niya.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko kasi parang naiiyak na siya.

Hindi niya ako pinansin habang nakatitig pa din siya sa may phone niya. Maya-maya bigla siyang napaluhod at umupo sa talampakan niya.

Bigla akong kinabahan. "Anong nangyari? Bakit nagkakaganyan ka? Bakit parang naiiyak ka?" Natatarantang tanong ko.

Instead of answering me, she passed me her phone at agad ko yon kinuha sa kanya para tingnan kung ano ang dahilan ng nangyayari sa kanya.

'@brianmendoza Sorry for scaring you that made you burst into tears.'

Agad na bumilis yung tibok ng puso ko sa nabasa ko. Ako ba to o assuming lang ako?

"Gusto ka ni Brian! Madalang lang tong mag tweet to tapos nag tweet siya about sayo! Oh..my gosh!" Then she started jumping and screaming like a psycho.

What? Siya din inaassume yung inaassume ko?

Nang hindi ko na kinaya, tinakpan ko na yung tenga ko sa ingay niya. "Why the hell are you screaming?!"

"I'm just so happy! Omg bes! Gusto ka ni Brian! Gusto ka ng artista, omg. Proud best friend here!" Masayang-masaya na sabi niya habang nagfoform pa ng puso gamit yung mga kamay niya.

Okay. This is not the reaction I was expecting from her. She's a die hard fan but she's very happy that Brian likes anyone else? Not that I'm sure he likes 'me'. But I sure know he likes someone.

Now I understand. She's a 'fan' indeed.

"How did you come up to that stupid idea?" I asked, irritated. Okay hindi lang para sa kanya yung tanong na yon, it's also for me kasi nag-assume din ako.

"Remember that night at the parking lot? You cried because you were so scared. And by who? By him!" Now she's kneeling in front of my sitting figure.

Sobrang saya naman niya sa pagiging assumera, tsk.

I opened my mouth para tumanggi pero napahinto ako a pagsasalita ng makita ko yung nakakalokong ngiti niya.

"Akala mo ba hindi ko nababasa yung tweets niyo bago mo pa i-delete?" sabay taas-baba ng kilay.

Don't Let Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon