Chapter 31

2 0 0
                                    

Jenna's POV

Anong tanong toh?

'What is you're reason to smile?'

Bakit may gantong tanong dito sa quiz namin?

Dapat maganda ang isagot ko dito kasi 10 pts ang nakasalalay dito pag maganda ang limang reasons ko.

Teka? Ano nga ba ang reason to smile ko?

Hm.....?

-x

"Oh... Kamusta naman yung quiz na tinake mo ?" Tanong ni Janna.

Braek time na namin.
Nandito kaming dalawa ni Janna sa lamesa habang bumibili ng pagkain nila yung tatlo.

"Okay lang naman." Bigkas ko at pumasok bigla yung tanong sa quiz ko.

"May tanong ako." Bigkas ko at tumango sya.

"Anong reason to smile mo?" Bigkas ko at naguluhan sya.

"Ikaw na matalinong Jenna? Wait anong nangyari sayo? Are you invaded by aliens?! Ibalik nyo ang dating Jenna! Hey aliens! Wait? Aliens ba talaga? oh.... Sinasapian ka?!" Tanong nya.

Nako po! Anong nagyari sa kaibigan ko?

"Okay ka lang ba? Jenna?" Tanong nya at tinignan ko sya ng nagtataka.

"Bakit anong meron?" Tanong ko.

I'm clueless. Anong nangyari dito?

"Bakit parang ngayon ka nagtanong ng senseless na tanong?" Bigkas naman nya.

????? I gave her a confused look.

"Thank you for that wonderful question. My reason to smile is because I'm crazy. I thank you" sagot nya at umarte na parang nasa beauty contest.

Bumuntong hininga ako.
Gusto ko sanang tumawa sa pinag-gagawa nya pero naguguluhan pa din ako sa tanong na yun.

Nawalan ako ng ten pts dahil nahirapan akong sagutin yun at nag madaling ipasa ang paper ko dahil pag nalate pa yun ay magiging zero ako.

"Pero serioso nga ano?" Tanong ko.

"Ang dahilan ko para ngumiti ay para makita nila na masayahin ako." Bigkas ni Janna at tumango naman ako.

Now that makes sense.

Dumating na silang tatlo dala ang mga pagkain nila at inumin.

"Anong pinaguusapan nyo?" Tanong ni Star at kinuwento ni Janna ang pinagusapan namin at inulit nya pa ang lahat dahilan para matawa sila at ako din dahil nadala na lang ako sa tawa nila.

"Anong sagot nyo dun kanina sa quiz?" Tanong ko sa kanila ng matigil ang tawanan.

"Wala namang ganun tanong kanina sa quiz natin ah?" Bigkas ni Jenna dahil kaming apat ang magkakaklase nun at class C si Janna.

"Ano ba ang questoin 15 sa inyo?" Tanong ko.
Magkakaiba siguro kami ng tanong.

"Tagalog yung tanong sa akin eh.'Bakit may mga taong pinili lumayo sa ibang tao' yun ang tanong sa akin." bigkas ni Jessica.

"Yung akin naman ' Why do other people choose to forget'" bigkas ni Star.

"Mine is..'Why do people judge?' Yan ang tanong sa paper ko." Bigkas naman ni Masey.

"Bakit kay Jessica lang ang tagalog?" Tanong ni Janna.

-x

Tapos na ang lahat ng subject pero naguguluhan pa din ako.

Life Or Lies Where stories live. Discover now