Chapter Nineteen

2 0 1
                                    

Jessica's POV

Nakakainis!
Ano ba naman tong nappasok kong gulo.

"Oh please stop protecting her.... Don't you see you got nothing to do with this. May atraso sya sa akin kailangan nyang pagbayaran." Bigkas ng mayabang na matapobreng babe na toh.

"She stole my book." Bigkas ng babae ulit.

"That's not yours." Bigkas ko na mukang tamad na tamad makipagusap. Cause believe me tamad nga ako makipag usap sa kanya.

"Balik mo na lang yung bag nya para wala ng gulo." Bigkas ko na ganun pa din. Dun sa babae.

"Nope. Hindi ko ibibigay ng hindi nya dinidilaan yung sahig."
Bigkas nung babaeng maarte.

Nakakapikon din minsan ang mga gantong tao.

"Ibalik mo oh sapilitan ko na kukunin." Bigkas ko sa kanya.

"Wala kang magagawa. Ano ka hero? Dont be a clown." Bigkas nung babae.

Wala na akong magagawa.
Inapakan ko yung babae ng madiin at kinurot yung tagiliran nya at nabitiwan naman nya yung bag nung babaeng binubully nila kanina at pinulot ko yun at binalik sa mayari nito.

Hinila ko yung babaeng binubully nila paalis sa lugar na yun habang yung babaeng maarte ay nakahawak pa rin sa tagiliran nya.
I'm so full of her.

"Ate salamaat sa pagliligtas mo sa akin ah. Ako nga pala si Hanna." Bigkas nung babae sabay ngiti.

"Ah walang anoman. Bakit ka ba nabully nung mga yun?" Bigkas ko.

"Kasi yung libro na kailangan ko ay kailangan din nya eh nauna kong kunin sa library kaya ayun sinundan nila ako at kinuha yung bag ko."bigkas nya.

" ah ganun ba sige... Alis na ako." Bigkas ko sabay alis.

Nagpunta ako sa dorm at nahiga sa kama.

"Alis lang ako ah." Paalam ni Janna.

"Ako din may tutulungan pa ako." Paalam naman ni Jenna.

Napabuntong hininga na lang ako.
Ilang araw na silang busy.

Kinuhs ko yung cellphone ko at nakinig ng music.

Habang nakikinig ako napatingin ako sa direksyon ni Star na mukang malalim ang iniisip.

Ano nanaman iniisip nito? Bakit kaya laging ang lalim ng iniisip nito? Mga siguro... Three days na dyang ganyan.

"Bakit ka nagkakaganyan?" Tanong ko.

"Ah.... Anong ganyan?" Tanong nya na nakatingin sa akin.

"Parang tatlong araw ka na nagkakaganyan. Parang ang lalim ng iniisip." Bigkas ko.

"Ah wala. Tungkol lang sa mga subjects ko." Bigkas nya.

"Ano namn problema sa subjects mo?" Bigkas ko.

"Ah kasi malapit na yung exam natin diba kaya ayun may mga inaalala ako na baka hindi ko maipasa." Bigkas nya.

"Ako rin naman nagaalala tungkol dun sa exam natin. Pero hindi ganyan kaalalala kaya mag relax ka na lang." Bigkas ko.

"Tara kain tayo?" Aya nya at tumayo at nagtsinelas.

"Sige gutom na din ako eh." Bigkas ko at tumayo na din at nag tsinelas.

-X

Nung natapos na kaming kumain nagpunta kami sa Ukay ukay na tinayo ng mga fourth year na kunwariang dress shop.

May mga magagndang damit yung iba branded pa kaso wala naman akong hilig sa ganyan.

Umalis kami ni Star dun at nagpunta sa may garden.

At nakitang nagaaral dun sila Zech at Jenna.

Nakita din namin na nakaupo naman sa swing si Harold na ikinagulat ko kung sinong kasama. Si Janna nga ba yung kasama nun? Teka bakit naman sila magkasama.
Nakaupo sila pareho sa swing.

"Balik na ako sa dorm,ikaw ba?" Tanong ko kay Star.

"Sige may bibilin pa ako eh mauna ka na." Bigkas nya.

Tumango ako at umalis na inaantok ako eh.

Malapit na ako sa kwarto ng biglang may nakbangga akong nakahood at nakayuko. Muntik na akong matumba buti na lang nahawakan nya yung braso ko.

"Sorry ate." Bigkas nya. Boses lalaki ah.

Tumingala sya at nakita ko na nakamaskara sya.

Paalis na sana sya ng biglang nahulog yung maskara nya at lalaki nga sya! Teka anong ginagawa nito sa dorm ng mga babae? Dapat isumbong ko toh.

Paalis na sana ako para isumbong sya pero bigla nya akong niyakap at tinakpan ang bibig ko. Anong pinag-gagawa ng lalaki na toh? Nagpupumiglas ako pero wala pa rin eh.

"Shh.... Wag kang maingay"
Bigkas nya teka anong gagawin nito? Hinila nya ako papuntang dulo ng floor.

"May dinalaw lang ako dito. Pwede bang bigyan mo ako ng chance mag explain?" Bigkas nya.
Muka namang sincere sya kaya tumango na lang ako.
Binitiwan nya ang pagkakahawak sa bibig ko at dahil dun nakahinga ako ng maayos.

"Pwede bang dun tayo sa dorm mo?" Tanong nung lalaki.

Tumingin ako sa kanya ng nanlalaki ang mata.

"Wag ka muna magisip ng masama okay?" Bigkas nya ulit.

Tinuro ko yung dorm namin at hinila nya agad ako ng mabilis.
Binyksan ko yung dorm namin at pumasok agad sya. Masasabi kong napaka 'gentle man' nya super! Biruin mo pinauna yung sarili nyang pumasok eh.
Pagpasok ko agad nyang sinara ang pinto.
At umupo sa may sofa namin.

"Okay ganto kasi..... Dinalaw ko yung kapatid ko dito kasi may gusto syang sabihin sa akin."

"Bakit hindi na lang kayo mag kita sa labas diba?" Bigkas ko.
Bakit nga ba.

"May sakit kasi sya. Ayaw nyang magpahospital kaya wag mo na akong isumbong alang alang sa kapatid ko... Please.... Kahit anong kapalit." Bigkas nya na muka namang sincere.

"Sige wala ng kapalit." Bigkas ko.
Napakaswerte naman pala ng kapatid nya eh.

"Ayaw nya nga na sabihin ko sa iba na may sakit sya eh." Bigkas nya.

"Gusto mo ng tubig?" Tanong ko.

"Wag na... I-" magsasalita sana sya kaso biglang tumunog yung phone nya. At ikinatawa ko yung ringtone nya.
'Psst pansinin mo naman ako!!!!' Yun ang sinasabi pag may nagtetext sa kanya. Boses nya ang ringtone nya.
Napangiti ako dahil ayoko tumawa.

"Ngiti ngiti ka dyan?" Reklamo nya.

Napasimangot tuloy ako.
Ano paki nya kung gusto kong ngumiti?

"Salamat pala alis na ako.. Pwede mo ba akong tulungan?" Bigkas nya.

Sinuot nya ang maskara at nilagay nya ang hood.

Sinamahan ko sya pababa ng hagdan at palabas.
Ng makarating kami ng garden nagpaalam na sya.

"Alis na ako maraming salamat ah..." Bigkas nya at kumaway na lang ako.

Naglakad na ulit ako pabalik sa dorm.

____________________________________

Hi.... Sorry po sa mga errors ko and thanks po dahil you still kept reading.. Anyways plots are soon to come :)
Please support me kung gusto nyo.  Pafollow nemen dyen.... :)

Mag follow sa akin ifofollow back ko ;) para quits
😘😘❤❤❤❤❤

-author 😁

Life Or Lies Where stories live. Discover now