Kung Maibabalik Lang Sana

38 1 0
                                    

Gulong gulo ang puso.
Saan ba 'to patungo?

Di ko alam. Di ko alam ang gagawin. Hinarap ko lahat ng balakid,
pero bakit walang kapit ang mga pangakong binitawan?

Di ko na talaga alam kung bakit. Ginawa ko na ang lahat, hindi pa din sapat kasi ika'y mawawala na.

Nawalan na ata ng gana ang tadhana. Nanlalamig 'yong dating nagbabaga. Kung maibabalik lang sana.

Titiisin ko na kahit paulit-ulit tapos pipilitin ko na di maulit. Akala ko walang hanggan pero may dulo.

Bawat segundo sa aking puso iuukit ko lahat ng alaala aking iguguhit, para makalimutan mong may dulo tayo.

Ang sabi mo kasi walang hanggan, pero ito tayo ngaun sa dulo.
Nanlalamig na ba ang iyong puso? Bakit ganyan?

Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit.

Mayroon bang nang-aakit sayo?
Kailangan ko lang malinawan.
Bakit ganyan?

Handa akong panindigan lahat ng ating plano.
Sigurado ako sayo kahit di ko kabisado.

Gagawin ko ang lahat. Kung maibabalik lang sana.
Ibibigay ko ang lahat paulit ulit.

Bawat pagkakataon ay aking susulitin, basta matalikuran mo yung dulo.

Ngingiti sa likod ng luhang pumunit. Ang sabi mo kasi walang hanggan.

Ba't na'ndito tayo sa dulo? 'Wag ka munang tumalikod.

Ayokong mag-isa dito.
Wala na bang bisa aking dalangin?

Tinataboy na ba ko ng langit? Nakikiusap na lang ata sa hangin, Ngayon wala ka na sa akin.

Bakit ba biglang meron tayong dulo? Pwede bang kalimutan mong may dulo?

Handa 'ko sa walang hanggan. Pero ito na tayo sa dulo.

Kung ika'y mawawala sa aking piling, Dinggin mo sana aking bilin.
Lingon ka lang paminsan minsan.

Dito lang ako. Di ako lilisan.
Mahal pa din kita. Kahit may bago ka na. Alam kong mahirap pero kailangang tanggapin, na sayo ako at ika'y akin dati.

Dati nalang ang masasabi dahil wala ng tayo. Dating may mga plano, ngaun na sira na.

Mahirap isipin, na sira na ang lahat. Hanggang dito nalang tayo sa dulo.

Kung Maibabalik Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon