NADINE POV"JAMES ANG TAGAL MO NMAN BUKAS MO PA BA AKO PAKAKAININ"sigaw ko mula sa sala
Nandito kasi kami sa ngayon sa bahay wala kasi si Yassi sa condo nya may pinuntahan sa batangas, si Donna nman sumama kina josh at arkin papunta sa bahay dati nina Arkin.Sunday ngayon kaya walang office si James kaya sya ngayon ang inu-utusan ko bumili nang mangga at bagoong.
"SANDALI LNG"sigaw nya mula sa kusina
"KANINA KA PA DYAN NAGUGUTOM NA AKO SA KAKAHINTAY"inis na sigaw ko ulit
Papahirapan kita ngayon...
"ito na...." sigaw nya habang tumatakbo papalapit sa akin bitbit ang dalawang plato
Pagkadating nya sa harap ko binigay nya agad sa akin ang mga hawak nyang dalawang plato na may laman na mangga at bagoong .Sinimulan ko nman itong kainin.
Nagtaka nman ako nang hindi pa sya umaalis sa harap ko. kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko siya naka ngiti.
"Bakit??"tanong ko
"Wala masaya lng ako dahil ito ang unang pagkakataon na kumain ka nang pagkain na inihanda ko" sabi nya habang naka ngiti pa rin
"Eh bakit ikaw ba ang nagtanim nang puno nang mangga para sabihin mo sa akin na inihanda mo" pagsusuplada ko sa kanya
Bigla nman nawala ang ngiti nya
"Hindi nman ang ibig kung sabihin ako yung bumili, nagbalat para syo" sabi nya
Sinumbatan pa ako...
"So ano ang pinalalabas mo?hindi ko kaya bumili at magbalat nang mangga para sa sarili ko?"sabi ko
Sinamaan ko nman sya nang tinggin
"That is not what I mean. I'm Just try--"
Hindi na nya matuloy ang sasabihin nya nang sumabat ako
"kung hindi mo kaya ang pinapagawa ko at hindi mo ma ibigay ang gusto ko.Hindi naka-lock ang pinto pwedeng pwede kang lumabas anytime o kung gusto mo ihatid kita palabas ng pinto"sabi ko
"Hindi ako aalis gagawin ko lahat nang gusto mo"sabi lng nya
GANON PALA HA...
"Okey, ngayon pumunta ka nang supermarket bumili ka nang makakain natin mamaya at bumili ka rin nang ice cream gusto ko chocolate"utus ko sa kanya
"Okey" sabi lng nya sabay alis
Gusto mo yan ahh...
JAMES POV
*SUPERMARKET*
Gagawin ko lahat lahat para mabigay ko lahat nang kailangan nya kahit anong gusto nya basta wag lng nya akong iwan.
WAG LNG......
Ring... Ring... Ring...
Habang naglalakad ako sa loob nang grocery ay bigla namang nag ring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito agad sa bulsa ko at sinagot. Tumatawag pala si bret
"What's up" sabi ko
"Hey bro, I'm going to batangas later kasama ko si Sam gusto mo bang sumama?"sabi nya sa kabilang linya
"Sorry bro wag muna ngayon kailangan kasi ako ni Nadz ngayon sa kanya nakalaan ang mga Oras ko"naka ngiti kung sinabi
"So Okey na pala kayo nang asawa mo?"sabi nya
Nawala nman ang ngiti ko bigla
"Hindi pa rin, ganon pa rin kami ang cold nya pa rin sa akin. Kaya sinusunod ko ang lahat nang utus nya sa akin"sabi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/46245060-288-k496222.jpg)
BINABASA MO ANG
BAD GIRL BUT GOOD MOTHER
FanficSa pagmamahal handa ka itaya at ibigay ang lahat para lang sa taong mahal mo. pero paano kung sya lang ang nagmamahal at hindi ikaw. pero pa ano rin kung sya binigay nang lahat lahat pero para syo hindi pa rin sapat. handa mo ba syang mahalin? handa...