CHAPTER ONE...

22 1 1
                                    

(Icarose P.O.V)

Nagising ako ng may narinig akong tinatawag ang pangalan ko.

"Ica.. Ija. You need to wake up.."

Si Mama lang pala. Akala ko kung ano na.

"Our breakfast is ready.."

"Susunod na lang po ako."

"Okay sweety." Nakangiting sabi ni Mama.

After a few minutes ay bumaba na ako at pumunta sa dining area.

"Oh.. andyan ka na pala. Kumain ka ng marami at may surpresa ako sayo." Sabi ni Mama at umakyat sa taas.

Maya-maya pa, habang kumakain ako.. napatigil ako sa nakita ko.

Nakita ko ang Papa kong nakatayo sa tabi ni Mama at nakatitig siya sa akin na parang gusto akong sunggaban ng mahigpit na yakap.

"Ica. Anak..."

"Oo nga pala Ma, aalis na ako. Nawalan na po ako ng gana." Walang emosyong sabi ko.

Naluluha naman akong lumabas ng bahay at sumakay ng kotse.

Gusto kong yakapin ang Papa ko pero hinding-hindi ko na gagawin 'yun..

Dahil sa kanya, matagal kaming nangulila ni Mama at nagmuka kaming tanga na naghihintay sa kanya ng limang taon. Iniwan niya kami at sumali sa isang organisasyon. Organisasyon ng mga doktor.

Isang magaling na doktor si Papa sa isang mayamang ospital. Pero isang araw, dahil doon sinabi niya kay Mama na maghiwalay na sila dahil ayaw niya daw kaming mapahamak. Nagtaka si Mama sa sinabi ni Papa pero umalis pa rin kahit na nagmamakaawa. Subalit hindi nagtagal, nalaman naming meron silang malaking organisasyon pero hindi namin alam kung ano 'yon..

Pagdating ko sa University ay dumeretso kaagad ako sa department ko.

"Oh. 'Bat ganyan nanaman ang mukha mo? Hay nako Friend!! Ano ba ang problema?" Salubong naman kaagad sa akin ng kaibigan kong si Yoona.

"Tsk. Wala. Family problem lang."

"Sus! Baka lovelife!!!" Natatawang sabi ni Yoona.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala."

Pagkasabi ko 'non biglang pasok naman ang Prof. namin.

Habang nagka-klase, napatingin ako sa labas. Pero nagtaka ako kung bakit may mga tumatakbong apat na estudyanteng lalaki.

Para silang nag-slowmotion at nakita ko silang takot na takot na parang hinahabol ng mga halimaw.

Pero hindi na sila apat padami na sila ng padami at nagmamadaling tumakbo.

"Bes., nakita mo 'yon? Bakit kaya sila nagsisitakbo?" nagtatakang sabi ni Yoona.

Pati rin pala siya napansin na. Pero hindi lang kami, pati yung buong klase. Kasama na rin si Sir Anthon.

Maya-maya lumabas si Sir para tingnan kung anong meron sa labas.

Pagkadating ni Sir, nagulat kami sa reaksyon ng mukha nya.

Katulad din ng apat na lalaki yung reaksyon ng mukha nya. takot na takot.

"CLASS! KAYLANGAN NYO NG LUMABAS! MAY HINDI MAGANDANG NANGYAYARI!!." Takot na takot na sabi ni Sir Anthon.

Nagtaka naman kami sa inasal ni Sir.

Nagsitakbuhan naman ang mga kaklase namin sa labas. Pero kaming dalawa ni Yoona hindi manlang makakilos sa kinauupuan namin.

"Ms.Servantes at Ms. Gardencias! Bakit hindi pa kayo kumikilos? Let's go now!!" Natatarantang sabi ni Sir.

Napatayo naman kami kaagad.

Undead Slayer...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon