CHAPTER TWO...

17 1 0
                                    

(Icarose P.O.V)

Hinihila na ako nila Sir Anthon at Yoona para makaalis. Pero hindi ako nagpapa-pigil.

"Ica! Tara na.. Ano ba?!!" Medyo inis ng sabi ni Yoona habang hila-hila yung kamay ko.

"P-pero gusto ko pang hanapin yung Mama ko!! Kung gusto nyo kayo na lang yung umalis at iwan nyo na lang rin ako dito."

"Ms.Gardencias-- I mean... Ica. Kaylangan na nating umalis dito. Inikot na nga natin ang buong bahay niyo, pero nakita ba natin ang Mama mo? Hindi naman diba? Kaya tara na. Wala naman tayong mapapala dito kung magee-stay pa tayo." Mahinahong sabi ni Sir Anthon.

Naiintindihan ko sila. Pero paano ang Mama ko? Kaylangan ko syang mahanap at gusto kong magkasama kaming dalawa na haharapin ang gulong 'to para mabuhay.

"O sige. Pero kaylangan pa rin nating mahanap ang Mama ko. At kaylangan rin natin mapuntahan agad ang mga pamilya nyo." Agad ring sabi ko.

"Ok let's go! Masisira na yung pinto!" Tarantang sabi ni Yoona.

"Doon tayo lumabas sa back door!" Sabi ko at agad naman kaming tumakbo papuntang back door at kasunod namin ang apat na lalaki.

Palabas na sana kami ng bahay nang maalala kong wala nga pala kaming dalang weapons at saka iniisip ko kung paano kami makakalaban kung wala kami 'non. Malay mo kung paglabas namin ng pinto ay maraming zombie.

"Wait lang!" Pigil ko nang bubuksan na sana nila yung pinto.

"Wag niyo munang buksan.." -Ako

"Bakit naman?! Malapit na sila oh!" Iritadong sabi ni Yoona.

"Kaylangan natin ng mga weapons. Malay mo, pagbukas mo 'nyan ay maraming bubungad sayo."

"Oo nga noh.. Bakit hindi ko naisip 'yon?" - Yoona.

"Sandali, saan tayo kukuha ng mga 'yon?" - Sir Anthon.

"Tara. Sumunod kayo sa akin dali!" Sabi ko at agad naman naman kaming bumaba sa first floor at tumakbo papuntang basement at sumunod naman sila sa akin.

Pagdating namin sa loob ng basement, dumeretso ako sa isang malaking aparador at nakita ko doon ang malaking kahon.

Pagbukas ko 'non ay tumambad sa akin ang mga iba't-ibang kase ng baril at ang mga bala.

"Woah! Ang cool! Bakit ang dami nyong baril dito?" Parang tangang sabi ni Yoona.

"Teka nga. Saan naman galing ang mga yan? May pulis ba sa pamilya nyo? Sundalo? Or what?" Taka namang sabi ni Sir Anthon.

"Pwede bang isa-isa lang? Ganito kasi 'yon, nung isang araw, pumunta ako dito sa basement namin para may hanapin pero nung pagkakita ko dito sa aparador na'to, na-curous ako sa laki nya kaya sinubukan kong buksan. Tapos nakita ko itong kahon kaya binuksan ko din at nakita ko itong mga baril na'to. Hindi nga ito alam ni Mama eh." Pliwanag ko.

"Pero paano kayo nagkaroon ng ganyang karaming baril?" - Yoona.

"Hindi ko rin alam eh.." 

"Wow! Sa lahat ng baril itong samurai na to ang nakita ko! Napakaangas!" sabi na lalaking katabi ko kanina.

Bakas sa mukha nya ang pagkamangha sa samurai na hawak nya.

Ang ganda nga nito at mukhang isang hiwa lang sa zombie mukhang putol ito agad.

"Pwede bang ako na lang ang gumamit nito? Ako nga pala si Jacob." nakangiting sabi pa nito

"Sure! Ako si Ica. Ito naman si Yoona, kaibigan ko at ito si Sir Anthon. Feel free to use ang kahit ano dyan panlaban sa mga zombies sa labas. Kaylangan natin lahat yan." nakangiti ding sabi ko.

"Maraming salamat Ica. I'm Ozan" Sabi naman ng lalaking katabi ni Yoona kanina.

"Ako si Zyron at ito naman si.."

''Calix."

Pakilala ng dalawang lalaki na nasa front kanina.

Hmm mukhang masungit si Calix. Pero mukha naman silang mababait lahat. Mga gwapo at matatangkad.

"Guys kaylangan na nating bilisan at mukhang padami na ang mga zombie sa labas" Singit bigla ni Sir Anthon.

Nagmadali kaming lahat sa pagpili ng kanya kanya naming sandata at baril ay nagmadali na din kaming pumunta palabas ng basement.

Pero palabas na sana kami nang makita naming may mga napakaraming zombie sa labas na naghihintay sa amin..

"Hala... Paano na tayo nyan? Na-trap na tayo." Nanghihinang sabi ni Yoona.

"Wag kang mag-alala.. Kaya natin sila.." Lakas loob naman na sabi ni Sir Anthon.

"Wag kayong panghinaan ng loob sama sama tayong makakaligtas dito." Walang emosyong sabi ni Calix pero bakas ang pagka seryoso.

Nagkaron naman ako bigla ng lakas ng loob at ganun din ang iba.

"Dahan dahan kong bubuksan ang pinto sumunod kayo sakin Zyron at Ozan. Humanda naman kayo Calix at Jacob. Kayo Ica at Yoona humanda din kayo at wag lalayo kay Calix at Jacob."

Tumango lang kaming apat at humanda.

Sumunod naman si Zyron at Ozan kay Sir.

Pabilis ng pabilis ang bawat tibok ng puso ko habang dahan dahan binubuksan ni Sir ang pinto.

Pagkabukas bumungad agad ang tatlong zombie. Buti na lang mabilis na kumilos at pinagbabaril ni Zyron at Ozan ang mga ito at mabilis kaming nakalabas.

Ngunit sa putok ng baril naagaw ang atensyon ng mga zombie kaya ang iba ay papunta agad sa direksyon namin.

"Bilis takbo agad sa sasakyan ko!" Sabi ni Sir Anton.

Tumakbo agad sila at ako hindi agad naka galaw.

Pero walang sabi sabi na hinila ni Calix ang kamay ko kasunod namin si Yoona at Jacob.

Pagkasakay namin ng sasakyan pinaandar agad ito ni Sir Anthon.

"Grabe! Napakabilis ng pangyayare!" Hinihingal na sabi ni Ozan.

"Buti marunong kayong gumamit ng baril Ozan at Zyron!" humahangang sabi ni Yoona.

"Hindi din ako makapaniwala! Sa taranta ko at kaba napaputukan ko agad kung sino man ang posibleng lumapit pagkabukas ni Sir ng pinto." natatawang sabi ni Zyron.

"Ang galing mo men! Natamaan mo agad yung isang zombie! Hahahah! Ako medyo nanginig pa kamay ko pero naka bulls eye! Buti na lang nakapag training ako gumamit ng baril noon!" Natutuwang sabi ni Ozan.

"Good job boys! Mas maging ready pa tayo sa susunod." nakangiting wika ni Sir Anton.

Inalis ko ang tingin sa kanila at binaling ang tingin ko sa labas.

Ang bilis nga ng pangyayare. Parang kahapon lang okay pa ang lahat. Pero ngayon yung buong lugar nag mistulang lugar talaga na mapapanood mo sa zombie movie.

Puro dugo ang paligid, nagkalat na sasakyan, mga zombie na may sari-sariling direksyon, at wala akong makitang ibang tao.

Nasaan na kaya yung iba? Sana madami pang nakaligtas at kasama dun si Mama at... Papa.

Napabuntong hininga na lang ako sa nangyayare.. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon.

"Okay ka lang ba Ica?" tanong ni Yoona.

Tumango ako at pilit na ngumiti.

"Huwag kang mag alala for sure ligtas si Tita. At ganun na din ang mga family natin." sabi pa nito at hinawakan ang kamay ko.

Sana nga..

Undead Slayer...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon