Chapter Three

16 0 1
                                    

Hello Monday.

Pasukan na naman.

Maaga akong nagising para makapagprepare na ako ngayong araw. Nag almusal. Naglinis ng bahay. Naligo at nagbihis na. Nagluto na din ako ng pampacked lunch ko since matipid akong tao at ayokong bumili ng pagkain sa canteen namin na pagkamahal mahal and ang konti pa ng takal ng mga pagkain.

6am na ng umaga. Inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay ko na sa kotse. Medyo malayo ang bahay ko sa school. Kaysa mag commute ako, dalhin ko nalang kotse ko. Pwede din naman akong mag commute kaya lang hassle. Madami akong mga dala.

6:45 am nang makarating ako ng school. Naglinis linis muna ako dito para maganda pag pasok ng mga bisita. Matapos kong linisin, nag ayos ulit ako ng gamit ko at dumiretso na ko sa room.

Para sa first class ko.

"Good morning, Miss Salazar.", bungad na pagbati ng mga estudyante ko. Nakangiti sila. Halatang excited sila para sa first class nila.

Isa akong guro. Eto talaga ang trabaho ko. Raket ko lang talaga ang pagbabanda. Kung minsan, tumatanggap din ako ng mga bata for tutorials, academic man or hindi. Nag iipon para sa sarili ko. Nasa ika-4 na taon ko na ng pagtuturo ngayon.

Music class ang klase ko ngayon kaya tuwang tuwa ang mga bata. Alam na nila ang gagawin. May isang grupo ang magpeperform ngayon. Bago magsimula ang klase, kailangan may isa or grupo ng mga bata na kakanta dahil nga Music class ito. Motivation ko ito para sa klase ko. But since nagugustuhan ng mga bata, ginawa na itong daily habit nila bago ang klase nila sa akin.








"Okay class, please do your homework at home and not at my time. Class dismissed.", pabirong sabi ko sa kanila. Nagpaalam na sila sabay alis ko ng room. Nakakatuwa naman na lahat sila interesadong makinig at matuto sa mga lessons. Nagdirediretso na ang mga classes ko hanggang sa mga lunch break na.

Nagpunta na ko sa opisina para dun mag lunch. Andito na din ang iba kong katrabaho para magtanghalian. Isa dito si Dolly. Classmates kami nung college. And best friend ko din. Nung una, para syang hindi nag eexist sa amin pero matalino sya. Then unti unti kaming magiging close sa isa't isa dahil sa major namin. Graduate nga siya ng cum laude nung batch namin e. Si Pauie naman, best friend ko nung mag audition ako sa banda.

Sina Dolly at Pauie lang ang tangi kong kaibigan. Alam nila ang lahat sa buhay ko. Lahat ng kilos ko, kung paano ako magbigay ng opinion. Lahat lahat.

Lalong lalo na, ang nakaraan ko.

Sabay kaming naglunch ni Dolly. Nagshare kami ng ulam. Tamang madame akong niluto na ulam at mukhang sarap na sarap naman si Dolly sa ulam.

"Grabe be. Ang sarap mong magluto. Mukhang kulang ang isang kalderong kanin sa akin ah.", sabi ni Dolly habang punung puno ng pagkain sa kanyang bibig.

"Ano ka ba naman Dolly. Ang messy mong kumain be. Tsaka ubusin mo muna ang pagkain sa bibig mo.", natatawang sabi ko.

"Nakoo kung andito lang si Macky, tiyak sarap na sarap yun sa pagkain."

Tinitigan ko sya nang masama.

"Oopps. Sorry be. Don't say bad words nga pala.", sabay peace sign. Ang tabil talaga ng bibig nitong si Dolly. Ibang iba sa Dolly na kaklase ko nung college.

Hindi nalang ako umimik. Tapos na kaming kumain at nilinis na namin ang aming pinagkainan. Nagtoothbrush at nag ayos na ulit para sa afternoon classes.









Tapos na ang klase. Nagpunta na ko sa opisina para magsulat ng lesson plan, magawa ng instructional materials and videos, at kung ano pang pwedeng gawin. Ayokong magawa sa bahay. Pahinga lang ang ginagawa ko sa bahay. Nagsimula na din akong mag ayos ng gamit.

Battle For LoveWhere stories live. Discover now