Bakit sya umiiyak?
Anong meron sa litrato namin ni Mik-Mik?
Lumapit na ko sa kanya baka may problema sya. Kinulbit ko sya sa balikat. Humarap sya sa akin. Halatang umiyak sya nang sobra. Mapula ang kanyang mga mata at ilong.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Oo. Okay lang ako." sabi nya habang pinupunasan nya ang mga luha nya gamit ang kamay nya. Naglabas ako ng panyo at ibinigay sa kanya.
"Salamat."
"Halika na?" sabi ko sa kanya. Tumango lang sya.
Nakasakay na kami sa kotse nya. Tahimik lang sya. Simula ng hinawakan nya at iniyakan ang picture frame namin ni Mik-Mik e naging ganito sya.
"Saan pala tayo kakain?" tanong ko sa kanya baka sakaling iimik sya. Pero bigo ako.
Tahimik lang ang naging byahe namin, hanggang sa nakarating kami sa isang building. Akala ko ba kakain kami?
Lumabas na sya ng kotse ganun din ako. Nakakabahala na to. Gusto ko ng magsalita pero wala akong masabi. Sumusunod lang ako sa kanya.
"Nandito na tayo." sabi nya. Nandito kami ngayon sa harap ng pinto. Saan ba to? Kinakabahan ako.
Pagpasok namin, namangha ako.
"Dito tayo magdidinner." walang ganang sabi nya.
"Ah. Okay." yun nalang nasabi ko. So, sa kanya to? Ang linis ah. At ang laki ng condo na ito para sa kanya. Wala ba syang kasama dito?
"Upo ka muna. Magluluto ako."
"Nagluluto ka?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Anong akala mo sakin? Tamad?" natatawang sabi nya. Namilosopo pa. Well at least hindi sya katulad kanina na parang ibang tao ang kasama ko.
Naglibot libot muna ako sa condo nya. Ang linis talaga. Well-organized ang mga gamit nya. May dalwang kwarto sa condo nya. For sure na bedroom nya ang isa dito pero ano yung isa pa? Ganun ba kaprivate ang isang kwarto at nakakandado pa?
Nakakacurious.
May mga guitara at keyboard din dito. Nagkekeyboard din pala sya. Masyado syang talented. Bukod sa photographer sya, bokalista pa, nagigitara pa. Curious ako sa ano pang pwede nyang gawin? Kumakain din ba sya ng apoy? Nagmamagic din ba sya? Hay ano ba yan Riva. Sari sari ang mga iniisip mo.
Naaamoy ko na ang niluluto ni Andy. Ang sarap ng amoy. Kare-kare ata yun. Medyo tumutunog na din ang tyan ko dahil kanina pa kong gutom. Buti nalang malayo ako kay Andy. Nakakahiya naman kung maririnig nya ang tunog ng tyan ko.
"Kain na tayo." nakangiting sabi ni Andy habang na aayos ng dining table. Grabe bakit parang pinaghandaan nya tong dinner na to? Ano ba talagang meron?
Nakita ko yung mesa. Punung puno ng mga pagkain. Natuwa ako sa nakita ko. Kare kare nga yung naaamoy ko kanina. Pero parang may kulang.
"Nasaan ang bagoong?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya. Ang weird talaga nito. Pakakainin nya ko ng kare kareng walang bagoong or alamang man lang. Bahala na.
"Ang sarap mo naman magluto." sabi ko habang punung puno ng pagkain ang bibig ko. Totoong masarap syang magluto. Yung bagoong na inirereklamo ko kanina, nandun sa kare kare. Nakalahok na.
Natatawang hindi ko maintindihan si Andy. Ang weird nya. E sa totoong masarap ang luto nya e. Paboritong ulam kasi namin ni Mik-Mik ang kare kare.
Naiisip ko na naman si Mik-Mik.
Parang may similarities sila ni Andy. Ang weird talaga. The way ng pagtawa nya. Yung pagkulbit nya. Ang kaweirduhan nya. Yung ngiti nya.
Parang sya.
Bakit ko ba naiisip si Mik-Mik? Siguro namimiss ko lang sya. Tama namimiss ko lang sya.
"Alam mo, naaalala kita sa kanya." sabi ni Andy. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Sinabi nya ba yun?
"Ha?"
"Ah wala. Wala akong sinabi." aligagang sabi nya. Tumayo sya para maghanda ng dessert.
Ang weird nya talaga. Gamit na gamit ko ang word na weird. E sa weird talaga e. Everytime na makikita ko sya, hindi ko din maintindihan. Ang gulo gulo.
Teka, hindi ko pa din naitatanong kung bakit nya ko inaya magdinner. Baka naman may kapalit itong dinner na to ah.
"Andy?"
"Hmm?" habang nagsscoop sya ng ice cream.
"Bakit mo nga pala ako inaya mag dinner? Tsaka bakit dito sa condo mo?" tanong ko sa kanya. Bigla akong natakot. Baka may gawin sya sakin. Baka eto na ang katapusan ko. Good bye earth na ba ito?
Bigla syang tumingin sa akin sabay ngumiti nang nakakaloko. Kinakabahan ako lalo sa kanya. Pumupunta na sya palapit sakin. Palapit nang palapit nang palapit.
Sobrang lapit na nya. Mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw pero wala akong maisigaw.
Palapit na sya ng palapit sa mukha ko. Teka, hahalikan ba nya ko? Hindi pwede! Hindi maaari!
Sobrang lapit na nya at....
"May gagawin kasi ako sayo." sabi nya sabay kindat.
Agad akong lumayo sa kanya. Nakakailang. Nakakakaba. Ewan ko ba.
Nilapag nya ang ice cream. Chocolate flavor. Medyo tunaw na. May aircon naman pero bakit pinagpapawisan ako? Ayoko ng ganitong feeling.
Kumakain lang ako dito ganun din si Andy. Walang umiimik. Ang tahimik. Nakakabingi ang katahimikan.
"Riva?", habang kumakain sya.
"Hmm?"
"Pwede ba kitang maging ..... "
Girlfriend? Girlfriend agad? Teka! Eksaherada ka naman masyado Riva. Shut up ka muna.
"Nahihiya ako e." sabay kamot sa likod nya. Ang cute nya bigla. Riva, ano yang mga pinag sasasabi mo?
"Sige lang. Sabihin mo na. Go on. " pag chicheer up ko sa kanya. Huminga sya nang malalim. Halatang kinakabahan sya.
"Pwede ka bang maging model ko?"Pause.
Mga sampung segundo din kaming nilamon ng katahimikan. MODEL?! Huh? Sira ulo ka ba Andy? Hindi pwede. It's a NO!
Syempre sa isip ko lang yan. Ano naman kaya ang naisipan nito at gagawin akong model? Nakangiting naghihintay ng sagot ko si Andy. Ayan na naman ang mga ngiting hindi ko mawari.
"Oo naman.", yan na lamang ang nasabi ko. Ayan! sa kakahindi mo, napa-oo ka tuloy. Bakas sa mukha ni Andy ang saya nang pumayag akong maging model nya. Nakangiti na naman sya.
Ngiting hindi ko maintindihan. Ngiting parang pamilyar sakin. Ngiting nagpapaalala sa isang taong matagal ko nang hinahanap.
Nasaan na ba yung taong may ganung klaseng ngiti?
-------------------------------------------------------
YOU ARE READING
Battle For Love
AcakThe hardest battle is the one that goes on between your heart and your mind. In this battle, what will you choose? Find out here.