Chapter 6: Meet Her Friends

25 0 0
                                    

-----

"Ateeeee! Baba ka na jan! Nandito na si Kuya Bench!"

"Oo! Wait lang!" Sigaw ko pabalik. Habang inaayos ko yung necktie ko, biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko at pumasok si Bench "Farah lagay ko na yung bag at libro mo sa kotse ah. Dun na lang kami mag iintay ni Josh sa kotse" tumango na lang ako dahil yung panyo ko nasa bibig ko kaya hindi ako makapag salita. Umalis na rin sya.

Nang matapos na ako sa ginagawa ko dali-dali akong bumaba. Ni-lock ko muna yung pintuan at dumiretso sa kotse ni Bench. Siguro nagtataka kayo kung bakit may kotse at pwede na syang mag drive? May Student License na kasi sya, tsaka yang kotse nya regalo sa kanya ng mga magulang nya. RICH KID ampupu :x

Nang makapasok na ako sa loob ng kotse ni Bench in-start nya agad yung kotse kasi 20 minutes na lang male- late na kami sa Flag Ceremony. yes, you heard it right. FLAG CEREMONY. Pero okay lang naman sakin yun kasi studyante pa din kami, pero itong mga kaibigan ko. Ayaw na ayaw. Pero wala rin naman sila magagawa kasi pag hindi ka umattend ng Flag Ceremony at nakita ka nila, may punishment ka. At ayaw ko maranasan yun..

Maya maya nakarating na din kami sa school. Dali dali naman kami bumabang tatlo. "Bye ate, bye kuya bench. Una na po ako ah" sabay takbo.

"Tara na Farah, hahanapin pa natin yung mga tukmol" naglakad na kami ni Bench papasok sa school namin.

"Beeeeeeeeeeeeeees" hays. here we go again... Kahit hindi pa ako nakaka lingon sa tumawag sakin kilala ko na kung sino yun. Si Ae phril.

"Beees! I miss you! Oh hi Ben ben!" Sabay kaway kay bench. She is Ae Phril Mhey. Unic name right? Sa aming magka kaibigan sya yung mahilig magbigay sa amin ng mga nick names. Bubbly person.

"Hello po Ate Farah, Kuya Bench" tumingin naman ako sa likod ko. Nakita ko si Scarlet. Scarlet Fox, mahiyain sya pag dating samin. Pero pag kasama si Josh nagiging madaldal. Sadista din yan pag inaasar sya ni Josh. Naka akbay naman sa kanya si Sam. Samson Fox, mag kapatid sila. Pero hindi sila mag kamukha. Para kay Scarlet okay na okay lang daw yun sa kanya dahil yung mga classmates daw nila ni Josh ay may gusto sa kuya nya. Hindi nya din sinasabi na mag kapatid sila dahil ayaw nya din daw pagka guluhan. Mabait na bata. Pero yung kuya nya kabaliktaran nya kasi gusto nyang pinagkaka guluhan sya. Psh. Pero mabait at sweet din yan. Over Protective nga lang sa kapatid.

Nasa likod naman ni Sam ay ang mag kambal na si Zyrene Mits Loxar na asual may nakasabit sa leeg na Pink Head Phone at si Zen Mike Loxar na naka suot ng Red Head Phone. Kung anong meron ang isa, meron din ang isa. Dapat equal. Yes, kambal sila pero hindi din sila mag kamukha. May pagkaka hawig naman konti pero hindi mo agad yun mapapansin sa unang tingin. Parehas din silang may mole sa kanang mata. Kumaway sakin si Mits samantalang si Mike naman naka pikit lang ang mata. Masyado sigurong dinadama yung music hahaha!

Katabi naman ni Mits si Ericka. Chloe Ericka Hayes Sandoval. Na asual with her in-famous poker face. Ewan ko ba sa babaeng to akala mo always meron. Cold sya samin. Pero unti unti naming nakikita yung totoong sya na maaalahanin, mabait at matulungin. Hindi nya lang masyadong pinapakita samin pero halata naman. And take note lang pala. Don't even dare call her 'chloe' kung gusto mo pa masikatan ng araw.

"Oh, nasan na yung iba?" Tanong ni Bench. Oo nga noh? Hindi masyadong maingay dahil wala ang mga kalahi ni Bench sa kaingayan.

"Music Room" sabi ni Ericka at tsaka tumalikod at nagsimula ng umalis. Grabehan lang, iwan daw ba kami?

"May practice tayo pre, excuse tayo sa first period natin. Mauna na kayo, sunod na lang ako hahatid ko pa si Baby Sis sa room nya"

"Kuya wag na. Mamaya malaman pa nilang mag kapatid tayo eh. Kaya ko naman mag isa"

When She Met HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon