Chapter 7 ( Meet the Kontrabida )

39.4K 382 51
                                    

Chapter Seven

"If you need something tawagan mo lang ako. At  Miss Consolacion will be here, dadalhin niya ang mga supplies natin. Kung may gusto kang ipabili, sa kanya mo sabihin."

Paalis na ito after siyang maihatid sa Bahay. Nagbihis lang ito at tsaka babalik din ulit sa Hospital. Uuwi na din kasi si Jasmin, may iba din kasing gagawin ang bruha niyang kaibigan na iyon.

"Di'ba mas maganda pag dalawa tayo ang magbabantay sa ospital? Baka kasi magising si Angelo at  makita niyang wala ako sa tabi niya." Ilang beses na ba niyang nasabi iyon?

Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Huwag nang makulit, Herian. Sige, Kapag  isinama kita ngayon at bigla ka na lang mawalan ng malay sa ospital dahil sa sobrang pagod, hindi kita tutulungan. Hahayaan na lang kitang humandusay dun sa hallway."

"Ano? Ganyan ka na ba talaga ka walang puso?" Biglang tumaas ang boses niya sa sinabi nito. Aba, ang sarap batukan ng lalaking ito.

"That's why huwag ka nang makulit pa. And yes, wala akong puso." Hinawakan nito bigla ang mukha niya. " Dahil kinuha mo na at magkasama na sila ng puso mo dito." He said in a low tone voice sabay patong ng isang kamay nito sa dibdib niya.

Holy Sweet Potato!  Her face turn to red again. Bakit ba ang landi-landi ng lalaking ito? Ano ba talaga ang gusto nitong mangyari? Pinapahirapan na talaga siya ng mga pinag-gagawa nito e.

"T-Troy ano ba? Umalis ka na nga. Hindi  na ako sasama, fine!" Itinulak niya ito pero lalo lang siya nitong hinapit palapit sa katawan nito hanggang sa nasumpungan niya na lang sariling yaka-yakap ng matipuno nitong katawan.

She's pretty sure that He could hear Her heart throbbing soundly. Hindi niya alam kung bakit para siyang naghihinang nilalang sa gitna ng disyerto na nakahanap ng oasis habang yakap siya nito. Hindi niya inaasahang lumipas man ang limang taon, ang lakas pa rin ng epekto nito sa kanya at  look like lalong tumindi pa.

"I got to go. Take care of yourself while I'm away." Binitawan na siya nito. At lalo siyang namula ng makitang pangiti-ngiti pa ito habang nanunudyo ang mga tingin sa kanya. " Mukhang nagustuhan mo yata ang yakap ko ah? Gusto mo bang yakapin ulit kita?" Akma siya nitong yayakapin ulit pero tinulak niya papuntang pinto.

"Sige, bye na. Bantayan mo ng mabuti si Angelo dahil kung hindi, malilintikan ka sa akin."

"Whoa! Don't push me. And What's this Herian? Pinapaalis mo ako sarili kong pamamahay? Umaabuso ka ng kapangyarihan, hindi porket hawak mo ang puso ko ay gaganituhin mo na ako?" Nakakunot ang noong tanong nito nang nasa labas na ito.

"Ingat, Troy!" Nakangisi niyang sabi pagkaapos ay sinara na ang pinto. Naririnig pa niyang kinatok nito ang pintuan ng malakas.

"Hoy, Herian! Open the door! Huwag kang bastos, nag-uusap pa tayo!"

"Bahala ka sa buhay mo. Nakakinis ka kasi." Bulong pa niya sarili. Hindi niya pinansin ang mga  katok nito na maya-maya lang ay nawala din. Napagod siguro o baka sumakit na ang kamay sa kakataok. "Buti nga sa kanya."

Pumasok na siya ng kwarto nila. Sa loob ng dalawang linggo na nakatira na siya sa bahay ni Troy, ngayon lang siya mananatili rito ng matagal, nasa hospital kasi siya palagi. Umupo siya kama at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Lalaking-lalaki ang dating ng boung silid, halatang may touch of professional designer. Halos lahat kasi nasa pwesto. 'Yung tipong ibahin mo lang ng konti ang ayos, papanget na kaagad tingnan. Dumako ang tingin niya sa isang cabinet sa malapit, ito lang ang sa tingin niya ay naiiba, paano ba naman halos kulay gray ang nasa kwarto maliban dun na kulay itim. Tumayo at nilapitan ang cabinet.

The Father of my ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon