01

33 1 0
                                    

ERESSE SINCLAIR'S POV

ANGEL'S ACADEMY.....

Ang nakasulat sa gate ng school na papasukan ko. Bago kami sa lugar na to at bagong lipat din ako sa school, wala ring kaibigan at wala ring kakilala.

Binuksan ng guard ang gate at pinasok ni dad ang kotse at sa loob ay may naghihintay na lalakeng matangkad, naka-americana at mukhang nasa late 30's na kasama niya ang isang babaeng naka teachers uniform na nakasalamin, naka-pusod yung hair at naka red shoes. Wag na kayong magtaka kung bakit napansin ko yung red shoes niya.
Napatingin ako Kay dad at tumitig din siya sakin "you sure wanna do this?" Tanong ko "its for the better. Believe me" sagot niya "I believe that you don't love me anymore" sabi ko nauna ko ng buksan ang pinto at bumaba

"Welcome, ms Elesse" bati nung nerd na teacher

"Its Eresse"

"Ms. Sinclair, Mr. Sinclair... Welcome to our school" sabi nung lalake
Nilibot ko paningin ko, walang students sa labas ibig sabihin Class time na "oh, sinuot mo na pala ang uniform mo hija" sabi nung teacher "I like wearing my uniform" sabi ko "I'm ms tianco, your adviser" pagkilala niya "and I'm Mr tianco, ang principal ng school and at the same ako may-ari" sabi naman nung Mr tianco
Tumango kami ni dad inilabas ko yung maleta ko "I'll accompany you to your room" sabi ni ms tianco "your daughter is in good hands" sabi nung Mr tianco bago umalis si dad at ako naman ay dinala sa isang building na pwede mo ng ihalintulad sa company ni dad o sa mga hotel "so puro babae lang ang nandito?" Tanong ko "nope, sa first floor ay parang canteen sa normal na school, ang second floor ay for boys tatlong tao sa kwarto. Ang third floor at for girls, ang fourth ay for boys ulit. Separate lang ang peg nila" sagot niya normal school? So Hindi to isang private lang kundi beyond that?

Sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang 14 floor, ang taas naman! "Ang school natin ay may three thousand students... Ahh oo nga pala ang mga room mate mo at pwedeng classmate mo at pwede ring Hindi mo class mate" sabi niya nakarating din kami sa 14 floor at pumunta sa isang room Hindi number ang nakalagay kundi isang kulay ng bulaklak

BLACK ROSES...

Black roses? "Ahh ma'am... Bakit po instead na number kulay ng bulaklak ang nakalagay?" Tanong ko "kapag may event. kasi room number ang ginagamit kapag may groupings eh nagkaka-gulo kaya ang ginawa nila, sa building one lahat ng black roses boys and girls yun ang magkakagrupo. Hindi ko parin maintindihan kung bakit ganon eh mas lalo lang nilang pinagulo." Sagot niya binuksan niya yung pinto "may curfew. Mga around 9 wala ng nakikitang tao sa labas ng kwarto" babala niya "ilagay mo muna yung maleta mo sa pangatlong kama. Ipapakilala pa kita" sabi niya tumango ako nilagay ko yung maleta ko sa ibaba ng kama ko at lumabas na kamk ng kwartong yun, binigyan niya ko ng susi sa kwarto...

Pagkababa namin agad kaming pumunta sa school building at buti naman hanggang four storey lang ang school building sa taas kaya ng dorm building edi nale-late mga students dito! Kaloka! Pero sobra naman kalawak nito! Tinalo pa Philippine arena eh!

Pumasok kami sa  class 4-B/2

"Good morning" Bati ni ma'am tianco nagsitayuan ang mga students at bumati rin "Good morning ma'am" bati ng mga students at nagsiupo silang lahat lumapit ako sa tabi ni ma'am tianco "class! This is your new classmate, Eresse Sinclair. Umaasa ako na magiging Mabait kayo sa kanya" sabi ni ma'am "Yes ma'am!" Sagot ng Mga students "say something" sabi sakin ni ma'am tianco "I'm Eresse Sinclair, nice to meet you" sabi ko "please sit at the vacant seat" sabi ni ma'am tianco tumango ako umupo ako sa may bandang likod kung nasan ang vacant seat na sinasabi ni ma'am

Katabi ko yung lalakeng naka-salamin "hi! Name Sam" sabi niya ngumiti ako "kung may gusto kang itanong wag kang mahiya sakin" sabi niya "thanks" sabi ko may kumalabit sakin "ako si Roxanne, Rox for short" sabi nung babae sa harapan "hi" bati ko ngumiti si Rox "okay class, today is your big day. Pupunta kayo sa gym ngayon at maglalaro tayo" sabi ni ma'am Tianco nag-react lahat ng mga class mate ko na parang ayaw nilang pumunta sa gym "bakit?" Tanong ko Kay Sam "maglilinis lang tayo ng gym o kaya tatakbo ng ilang metro" sagot niya napatango ako pumunta kami sa may dressing room namin para magbihis ng P.E uniform namin "Wow! Tingnan mo si Rhea! Ang sexy talaga niya!" Sabi ni rox sakin napatingin ako sa babaeng tinutukoy niya umiling nalang ako at nagbihis na. Pagkatapos ay lumabas na kami, naghihintay samin si Sam at sabay kaming tatlong pumunta sa gym.

May mga upuan "balancing?" Tanong ko "Oo nga eh" sabi ni Sam "buti alam mo ang tungkol sa balancing?" Tanong sakin ni Rox "actually gymnast kasi Ate ko, lagi niya Kong dinadala sa gym nila" sagot ko "na-try mo na ba?" Tanong ni Sam "Hindi pa" sagot ko nag-clap ng hands si ma'am tianco napansin ko na naman suot niya Hindi siya nag-palit ng suot at naka-red shoes parin siya.

Bakit kaya?

Nag-form kami ng line at isa-isang nagtake ng balance nila sa mga upuan na ginagamit.

"Sinclair, pwede ka munang umupo dahil first day mo ngayon. Panuurin mo sila" sabi ni ma'am tumango ako at umupo sa tabi niya nag-balancing na rin sila Sam at Rox na parehong nahihirapan pero natuon ang atensyon ko sa babaeng tinukoy ni Rox kanina. As in ang galing niya! Pero naman Balancing lang di ko pa kaya? Ewan ko lang "I heard na na-accident ka dati" sabi bigla ni ma'am tumango ako "anong klaseng Accident?" Tanong niya "Nasagasaan po ako" sagot ko
Nagulat siya "Really? How lucky you are"

Kakaiba ang pagka-Smirk ng teacher na to ah!

Angel Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon