03

39 2 1
                                    

Nasa upuan ako "nandito na sila Clark at Owen!" Sigaw nung babae na classmate ko bigla akong inalog ni Rox "oh my gosh!!! Pumasok na sila!!" Sabi niya "sino yun?" Tanong ko "campus crush! Heartthrob at mga famous athlete ng school!" Kinikilig na sagot ni rox

Ng makita nila yung sinasabi nilang Owen at Clark nagsitilian ang mga classmate ko. Grabe ka-OA naman ng mga to! Hindi ko na lang sila pinansin at binasa ko yung nasa notebook ko biglang may sumipa ng desk ko agad Kong tiningnan yung gumawa nun "that's mine" sabi niya "So?"

"I said its mine. Ako lang uupo sa inuupuan mo" sabi niya "I said so? Pina-upo ako dito ng teacher kaya dito ako" sabi ko "Hindi mo ko kilala at Hindi mo maiimagine kung anong kaya Kong gawin" sabi niya "sino ba may sabing ini-imagine ko?" Tanong ko sabay tayo at nakipag titigan sa kanya bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila inupuan niya upuan ko at inihagis lahat ng gamit ko "ahh! Ang kapal!" Biglang may humila sakin "don't mess with him" babala ni Rhea tinulak niya ko.

Tutulungan na sana ako nila Sam pero pinigilan nung Owen. Ang sarap sampalin ng bag eh asar Kong kinuha lahat ng gamit ko binulungan pa ko ng mokong! "Next time. Try to imagine it" bulong niya agad akong tumayo.
Wala ng vacant! Kaasar na panget na to. Nagsitawanan lahat ng classmate ko! Awa sige. Ganyanan pala! "Eresse" sabi ni Sam "I'm fine" sabi ko lumapit yung kasama ni Clark "you can have my seat" sabi nito sakin "my brother is a little bit hard" sabi niya sabay ngiti "oh come on! Bro, look at her she's funny" sabi nung Owen

Ginawa akong clown? Funny talaga? Pumasok na si ma'am tianco "oh? Clark.... Sinclair. Bakit kayo nakatayo?" Tanong ni ma'am "chair is short" sagot ko "okay, halika dito Sinclair dito ka muna umupo sa tabi ko" sabi ni ma'am lumapit ako sa may desk niya at umupo sa tabi niya "class. Dahil kayo ang last na students para sa 4th year ay may inihanda kaming surprise sa inyo sa darating na December 25" sabi ni ma'am "so dapat lahat kayo mataas grades niyo. Good mood ako ngayon kaya lalabas tayo ng classroom at pupunta sa gym wala tayong class ngayon kaya pwede niyong gawin lahat ng gusto niyong gawin except sa lumabas ng gym. Pwede kayong mag cellphone manuod ng TV sa gym, pwede rin kayong maglaro" sabi ni ma'am nagpalakpakan mga classmate ko.

Sabay kaming tatlo nila Rox na pumunta sa Gym.

Umupo kami sa may basketball ring "alam mo di ko gusto yung Owen" sabi ko "same here" pagsang-ayon ni Sam "Mali ang ginawa niya sayo pero crush ko parin siya" sabi ni Rox natawa ako sa itsura niya natawa narin si Sam napalingon ako sa likod ni Sam "watch out!" Naisigaw ko yun dahil sa bolang papunta mismo kay Sam nasalo kaagad yung bola "muntik ka na dun" sabi ni Rox napalingon kami sa lalakeng naka-hagis ng bola. Si Owen yun "sorry nadulas" naka-ngising sabi niya "that's a good catch by the way. Next time Hindi mo na masasalo" nakangisi parin niyang dagdag tumayo ako hawak hawak ko parin yung bola "ano bang problema mo!?" Sigaw ko "wala Kong problema" sabi niya na mahinahon nilapitan ako nila sa Sam "pano kung natamaan mo si Sam? Edi nakasakit ka!" Sigaw ko parin "Hindi naman tumama. Nasalo mo diba" nang-iinis na sabi niya sabay ngisi "Awat na" sabi ni Sam "ano na naman ba ginawa mo?" Tanong ni Clark kay Owen "wala. Nadulas lang yung bola sa kamay ko" sagot ni Owen tsk! Binato ko yung bola palayo at pumunta sa may mga upuan kasama sila Sam "alam ko na.... Naiinis ka na talaga pero di mo dapat ginawa yun. Lahat ng classmates natin kalaban mo na" sabi ni Rox "natin" pag-correct ni Sam "Natin. Eresse, Hindi mo dapat ginawa yun. Lagot tayo nito" sabi ni Roxanne "there's nothing to worry about. I can handle bullies" sabi ko "pero maiba ako. Are you a basketball player?" Tanong ni Sam "y-nope" sagot ko
Hindi dapat nila malaman kung ano talaga nangyari noon! Ibang tao ako ngayon. Iba! As in different! "Tsamba lang yung kanina" dagdag ko "pero ang galing ng tsamba mo ahh. Na catch mo yung bola ng basketball" sabi ni Rox "mabigat kaya yun" sabi ni Sam actually its nothing! Hindi mabigat yung bola sakin.

Ng uwian na Hindi na ko magpahatid dahil lilibutin ko ang buong campus para di na ko maligaw sabi nila delikado daw yun pero ayos lang.

Naglalakad ako sa hallway ng may narinig ako "dapat naka- ready na lahat. Papatayin..."

Papatayin? Sinong papatayin? Medyo madilim dun sa parteng yun pero may nakita akong bagay na pamilyar sa akin... Napa-atras ako pero may biglang nagtakip ng bibig at ilong gamit ang panyo naka-amoy ako ng pampatulog.

Nagpumiglas ako pero masyadong malakas tong lalakeng nasa likod ko. Nawalan ako ng malay.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angel Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon