7:sakit ng pag ibig

557 22 2
                                    

DL pov

" anak... Andito si Princess adik1a...."

Andito ako sa taas ng puno ng isang napakalaking puno sa amin palasyo. Agad akong ng teleport papunta sa upuan na kahoy kung saan nakaupo si Adika.

" inutusan ko ang mga halaman sa paligid nila Josh.... Wala daw ito ng dalawang araw."

Pagbabalita niya sa akin.

" wala ng saysay pa ang mga binabalita mo sa akin Adika..."

Tumayo ako ay lumapit sa isang bulakak.

" hindi kaba nababahala sa kanya..?"

" ikaw Adika....si Jun ba..binabantayan mo parin kahit niloko ka niya at sinaktan?"

Hindi ito nagsalita.

" hindi ko kailangan ng taong sasaktan ako Adika... Ni minsan hindi ko naramdaman ang naramdaman ko noong pinapanood ko sila sa sasakyan... Halos isang kwersa ng apoy ang sumunog sa aking damdamin sa mga oras na iyon..." Tumutulo na naman ang mga luha ko.

" DL .... Parte yan ng buhay ng pag ibig ...ang masaktan.."

" bakit sina ama at ina..hindi naman nila naranasan ang naranasan ko?.... Akala ko masaya pag nahanap mo na ang taong tinadhana sayo.... Pero bakit sobrang sakit... Adika hindi ba ako worthy para sa kanya..? Hindi ba ako magaling gaya ng babae na nakasama niya?"

"....."

" yan din ang mga tanong sa aking isipan DL...na kung sino pa ang mga nagmamahal ay siya pa ang nasasaktan ng sobra."

" ayoko ng maranasan ang pagmamahal na yan Adika...."

Matigas kong sabi. Na ikinasabay ng kulog at kidlat sa kalangitan. Lumabas si ama..

" anak...." Tawag sa akin ni ama.

" wala ito ama... Papasok na ako sa aking silid..." Agad akong nagteleport at iniwan si Adika sa hardin.

Sa kwarto ko.

Tumatok si ina..

" anak...pagbuksan mo ako.."

Tinuro ko lang ang pinto at agad naman itong bumukas.

" bakit ina?" Kunyari kong tanong.

" anak...alam ko na alam mo kung bakit ako andito..."

" tama na ina... Ayoko na siyang pag usapan."

" may gustong ipabalita sayo ng iyong ama... Ayaw niyang dagdagan pa ang iyong nararamdaman pero mukhang kailangan anak..."

Kumunit ang noo ko..

" ano yun ina"

" nalaman ng iyong ama na ang lolo mo ang may kagagawan sa pagtataksil ni Josh sayo..."

" ina...kung sa tingin niyo maniniwala ako sa sinasabi niyo para lang hindi ako magalit sa kanya...tama na ina...masakit yung nakita ko...ginusto din niya yun.."

" anak... Alam ko na mahal ka naman niya..."

" hindi niya ako mahal ina... Natakot lang siya sa akin noon kaya napilitan lang siya sa akin."

" anak.... Ang pag mamahal ay kakambal ng sakit... Pero sana pinakinggan mo muna ang paliwanag niya."

" hindi na kailangan ina..dahil nung oras na yun... Binasa ko sa isipan niya...hindi ako sumagi sa isipan niya... Ina ang sakit sakit.... Pangalan ng babaeng yun ang sinisigaw niya.."

Doon ko na nailabas ang mga luhang gusto ng lumabas...yung malakas na iyak..

Niyakap naman ako ni ina...

MY GIRLFRIEND IS THE  DEMON PRINCESS.... SAY WHAT?! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon