01

852 12 2
                                    

MCGF01

"Hi baby girl, sorry we're late ah kasi yung pamangkin ko naginarte pa e. Kanina ka pa ba dito?"

"Kani-kanina lang ako dumating mga 10 minutes kaya ok lang. Nasaan yung pamangkin mo?"

"Ay nako talaga yang bata na yan! Wait lang baby girl tawagin ko tsk kastress!"

Tumango lang ako habang natatawa makikita mo talaga sa mukha niya na naiinis siya sa pamangkin niya. Ba't kaya nagtatago yun? Baka chaka takot magpakita pero feel ko parang hindi naman kasi may itsura si Mama Sang.

Iniimagine ko yung mukha ng pamangkin niya pero nasasapawan din ito ng mukha ng ex ko. Hays, eto nanaman tayo. Iiyak nanaman, masasaktan, iisipin ang nakaraan kung pwede balikan. Kailan kaya ako makakamove-on?

Sa kakaisip ko dahil naalala ko nanaman ex ko, di ko na napansin na may mga luha na pala akong nagpapabilisan sa pagbaba sa pisngi ko.

Andyan na si Mama sang, inayos ko ang sarili ko para hindi niya ako makitang lumuluha. Naiinis kasi yun pag nakikita akong umiiyak or whatsoever na drama.

"Baby girl! Here's my pamangkin na!"

May lalaking nakabuntot sa likod niya. Di ko makita yung peslak kasi nasasapawan ng tangkad ni Mama Sang pero matangkad din yung boylet.

"Baby girl, meet Azrael. Pogi so right?"

Tinignan ko siya from face to pababa. Pakshet! Nastunned ako! Pogi! Paano ako iimik neto? Hala, hindi ako nagayos ngayon hindi ako nageyebrow kasi broken ako wala akong pake sa itsura ko yung kilay ko pa naman parang pang another G kasi may hati. Hays, bahala na kung ano sabihin niya pero bakit ang dami ko nang sinabi?

"Azrael, meet baby girl. Her name is Knell."

Inalok niya saakin yung kamay niya for hand shake syempre kahit broken ako hindi ko maiiwasan makipagshake sa pogi.

"Nice to meet you, Knell." Pakshet! Ang suave ng voice! Pupusuan ko to!

"Nice to meet you too." Sa sobrang stunned ko sa kapogian niya pumiyok ako. Minus pacute points yun but I don't care. Pogi lang siya, mahal ko ex ko.

Pinaupo niya yung pamangkin niya sa harap ko at tinanong niya kami kung ano gusto namin orderin after that ay iniwan na niya kaming dalawa. Di ko alam kung paano kakausapin pamangkin niya, nahihiya ako kasi mahiyain talaga ako pero ngumingiti siya saakin. I guess he's kind naman kasi he looks like one.

"Ilang taon kana po, kuya?" Magalang na tanong ko.

Agad naman siyang sumagot.

"Don't po or opo na me. Kaka-18 ko palang, ikaw?" Ngumiti ulit siya saakin. Ok lang ngiti ka pa more bagay naman sayo ngiti mo e ang gaan sa pakiramdam.

"Kaka-16 ko lang nung July."

"Really? What date?"

"18. You?"

"I will remember that. June 25."

Kaidad pa niya ex ko 'tas yung birthday nila magkasunod pa. Tinitigan ko lang siya ng patago kasi natingin siya sa paligid. Parehas sila ng tangos ng ilong ng mahal kong ex, parehas din sila ng kulay may part din na parang related sila or what.

Hm, ganito lang siguro pag di ka pa nakakamove-on sa ex mo, feeling mo yung mga nasa paligid mo relatives niya or siya. Tsk, baliw na ko.

"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong niya saakin. I guess napansin niya ko sa peripheral vission niya.

"Wala, may part kasi na parang related ka sa ex ko." Ang honest ko.

"Di ka pa nakakamove-on no? Kakatapos mo lang ba umiyak? Ang pula kasi ng mata mo."

My Cousin's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon