Fourth year na!
Grabe parang kelan lang freshmen lang ako dito sa school na to, syempre ganito pa din magkaklase pa din kami ni Sandra nagkakasawaan na nga kami nito eh. Pero hanggang ngayon hindi ko pa din nagiging kaklase si austine, four years ko na ding crush tong taong to! Pero wala pa ding pagbabago..
Pagbabago? Oo meron sakanya andami ng humahanga sakanya! Artista siya kung ituring na marami samantalang ako wala pa din .
First day of class syempre ganun pa din magkakakilala na ang lahat eto na ang last year namin dito sana naman maging memorable to.
Final na talaga to na hindi ko pa din kaklase si austine… lumipas ang buong quarter at third quarter na
“ok class ready yourself for your new classmate”
New classmate? Eh third quarter na aa.
Shocks! Si austine!?
“class austine palazon will be your new classmate until the end of school year why? Because for some reasons”
Grabe nakakapang ngiti talaga tong araw na to.
“mr.palazon ikaw na mamili ng gusto mong upuan” of course lahat ng girls nag leave ng upuan para sakanya tsk wala na talaga akong chance
“patabi ako ah” may bumulong sakin, pagkatingin ko si austine!
“a-ah oh si-sige” kinikilig talaga ako ngayon.. yung crush mo katabi mo! Whaaaaaa tumagal ng ilang oras ng walang kibuan hindi kasi ako makapagsalita tas lahat pa ng girls ansama ng tingin sakin?
Bigla akong tinapik ni austine “magsalita ka naman diyan”
“a-aa” hmm nakakahiya talaga to
“nakakahiya?”
Nasabi ko ba talaga yun? Bat niya ako narinig? Akala ko sa isip ko lang nasabi yun
“a-aa wa-wala hmm magpapakatotoo na nga ako.. nakakahiya kaya! Ansama ng tingin ng mga girls sakin dahil katabi kita tapos hindi pa ako makapagsalita dahil katabi kita! Tapos teka nga bakit k aba kasi dito umupo?”