chapter 6

26 1 2
                                    

“hoy cha! Wait lang tumatawag lang si ronald”

“hmmppp sige kausapin mo na yang boyfriend mo baka ikamatay niya pa pag hindi kayo nag-usap!”

Itinuloy ko na lang yung pagkain ko, tinignan ko si austine at wala pa din siyang pinagbago ang gwapo niya pa din.

“Cynthia! Maya punta tayo sa gymnasium mamaya may concert daw eh 5:00 pm”

“aa sige try ko”

“wag mo I try gawin mo!”

“opo madam!”

4:45 pm natapos yung class namin , break naming ngayon makadaan nga dun sa sinasabi ni sandra

Pagkadating ko sa gymnasium madami na agad tao hindi ko Makita si Sandra halos lahat sila nagkakagulo kahit hindi pa naman nagsisimula tapos may mga hawak silang parang notebook ata yun

“magandang hapon sa inyong lahat” sabi nung host na girl “bago tayo magsimula ng kantahan, maaari ko munang papuntahin dito ang napakagwapong nagsulat ng napakagandang kwento” biglang nagtilian lahat ng tao ang ingay sobra habang nagsasalita nagpapraktis yung banda ng kakantahin nila tinotono nila yung gitara loved you first yung pinapatugtog

“hellow” nagsitilian ulit lahat lalo na yung mga girls

“ahmmm bago sa lahat isang napakalaking aksidente lang po lahat yung mga nababasa niyong libro kasi notebook ko talaga yan kaso yung friend kong publisher ng mga libro naisama yung notebook ko dun sa tinatrabaho niya kaya napasama yung akin, yang nababasa niyo hindi yan gawa gawa lang na kwento actually diary ko yan”

“woohhh we love you!” nagtilian na naman kanya-kanyang hiyawan yung mga babae

“nakakahiya man sabihin na nagdadiary ako eh lalaki ako pero nung first year kasi ako pinagawa kami ng mga nangyayari sa buhay namin for one week nung natapos yon naisip ko na lang ituloy tuwing wala akong ginagawa..”

Hiyawan ulit.. hindi ko sure kung si austine ba talaga yung nagsasalita pero kaboses niya talaga yun… yung mga hawak ba nilang maliit na libro yung sinasabi nung nagsasalita na notebook niya talaga? Naalala ko tuloy nung highschool pa ako nagsusulat din ako ng mga ganun hmm.. biglang may sumigaw na babae

“bakit walang ending?”

“dito ako nag-aral dahil dito nag-aaral yung taong gusto ko simula nung first year highschool pa lang kami sinasadya ko talagang tumambay sa tapat ng palagi niyang inuupuan tuwing recees para lang Makita siya. Simple lang siya makulit matakaw at mabait, nung third year kami naging kapartner ko siya sa isang contest sa school pageant duon sinabi ko sakanya na siya yung mahal ko kaso wala siyang imik nun at nung fourth year kami gumawa ako ng paraan para lang maging kaklase. Halos araw-araw kong pinaparamdam sakanya na may mahal ako pero hindi ko lang masabi na siya talaga yon kaso hindi ko nalaman na nasaktan ko na pala siya may kaklase kasi ako dati na kaboses niya eh napakakulit nung babaeng yun pinagkakalat niya na kami daw kaya nainis ako sinigawan ko siya nung nasa locker kami nakatalikod ako nun at sabi ko na may mahal na akong iba nalaman-laman ko na lang na yung taong sinigawan ko ay yung babaeng gusto ko kaso huli na nung nalaman ko, nalaman ko yun nung graduation na namin kaya pala hindi na niya ako pinapansin kaya kung nakikinig ka ngayon Cynthia mae mandra”

Huh? Pangalan ko yun ah..

“ako to si austine palazon, kung nakikinig ka man ngayon gusto ko lang sabihin na sorry sa lahat at higit sa lahat mahal na mahal kita simula pa lang”

Nagtilian lahat ng tao, pero bakit wala akong naririnig na ingay kundi yung pintig lang ng puso ko? Totoo ba yung sinabi niya? Ako yung matagal niya nang mahal?

AUSTINE’S POV

“ako to si austine palazon, kung nakikinig ka man ngayon gusto ko lang sabihin na sorry sa lahat at higit sa lahat mahal na mahal kita simula pa lang” nagtilian lahat ng tao kahit nagmumukha na kong engot dito wala na akong pakialam pero sana narinig to ni Cynthia.. kaso mukhang hindi naman niya at narinig kaya tumalikod na lang ako at umalis na kaso biglang may sumigaw

“sandali lang! akala mo ba ikaw lang may ganyan” pagkalingon ko si Cynthia napangiti na ako may kinuha siya sa bag niya na notebook

“baka makatulong tong diary ko sa ending ng story mo” nginitian niya ako habang hawak niya yung notebook

“oo na pinapatawad na kita austine palazon, mahal mo rin pala ako” nagtaka lahat ng tao hindi nila narinig yung sinabi ni Cynthia kaya pinaulit nila, sumigaw si Cynthia

“ang sabi ko Austine palazon! MAHAL MO RIN PALA AKO!”

CYNTHIA’S POV

Grabe nakakahiya pero hindi ko na to palalampasin aaminin ko na isinigaw ko yung pinaulit nila nagtitilian kasi sila kaya hindi nila naintindihan at pagkatapos ko isigaw yon nagtilian silang lahat sobrang ingay para akong maiiyak sa sobrang tuwa at kaba nangangatog yung buong katawan ko at nilapitan ako ni austine at niyakap, bumulong siya

“pasensya na ah hindi ko agad naamin na mahal kita”

Niyakap ko siya ng mahigpt…..

At siyempre naging kami pero bago yon siyempre niligawan niya muna ako at hindi nagtagal sinagot ko na din siya…

Ang sarap isipin na yung taong gusto mo may gusto rin pala sayo at ang nakakakilig pa dun ay naging boyfriend mo ang taong mahal mo <3

                                                                    =THE END=

I Think I Love You (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon