Chapter 9

93 4 1
                                    


A/N: Yesss, may update na ko ulit. After more than a year? XD Thank you sa mga nagbabasa nito. LOL. Nawala ko ang plot ang hindi ko alam paano ito itutuloy. Medyo kinalawang na rin but.. here it goes! Enjoy! :)


--------------------


xx FREBEE

"Oh my God.." bulong ko. Pakiramdam ko ay lalong lumamig ang paligid. Sobrang lakas ng kabod ng dibdib ko sa takot. Kaharap na namin ang mga Thanatos. 

"Erin.. Erin come here.." bulong ni Camille na katabi ko lang sa bata. Agad na lumapit naman si Erin kay Camille at nagtago ito sa likod niya. Nakita kong hinawakan ni Camille ang kamay ni Erin. Tumabi ako sa kanila para takpan si Erin. 

Nang mga oras na iyon ay alam kong handa akong ibuwis ang buhay ko para mailigtas si Erin sa mga wolf. Muli akong napalingon sa katabi ko at nakita ko si Camille. Ang kaibigan ko ng ilang taon na. Gaya ko, alam kong takot din sya. Pero hindi niya iyon pinapahalata. Her breathing were heavy and her hands were a bit shaky. Right there and then I knew, I'd risk my life protecting my family.

Nakarinig ako ng pagtawa. Paglingon ko ay nalaman kong nanggagaling iyon sa leader ng mga kalaban. Hindi pa pula ang mga mata nito. Hindi ba dapat ay pula ang mga mata nito?

"They're weak.. I can feel it," sabi ni Belinda na halos pabulong. Alerto ang mga mata nito na pinadadaan sa mga wolf sa harap namin. 

"Silly girl," sabi ng leader ng mga wolf. Malalim ang boses noon at may pagkatuso. "Hintayin nyong maging buo ang kabilugan ng buwan at makikita ninyo ang hinahanap ninyo." Parang taong umismid ito sa amin. The way the wolf looked at us and by the way he smirked spelled danger.

Sabay kaming napasinghap ni Camille sa gulat nang tumalon si Princess at humarang sa harap namin. "Touch them and I'll kill you," she snarled. Kitang kita ang galit sa mga mata nito. 

"Feisty," wika ng isa sa mga wolf. Tila mga lokong nagsitawanan pa ang mga ito.

"We'd like a bit of a challenge before we tear you to pieces."

"Or if we can do it peacefully if that's what you prefer," sabi ng isa pa.

"Your call, ladies. Either way, it's still gonna rain blood," wika ng leader ng grupo.

"Just like in my dream.." bulong ni Jezel. My body stiffened. Naramdaman ko ang tension sa lahat. Napaatras ako ng isang mumunting hakbang.


xx CLAUDZ

Wolves. Real black wolves.

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Alam kong wala akong panlaban sa mga kalaban namin. Water cannot repel wolves. 

"Cyrill.." mahinang tawag ko sa katabi ko. Si Cyrill. She has fire abilities.  Alam kong isa siya sa mga may kakayahang patumbahin ang mga Thanatos na ito.

Hindi siya sumagot ngunit tumango naman nang kaunti. Mukhang nakuha na agad nito ang kailangang gawin. 

"You're gonna have to kill me first before you get Erin," matapang na wika ko sa mga Thanatos saka nag-form ng fighting stance. 

"Not if we kill them first," singit ni Oliza na pumwesto sa gitna sa pinaka-harap. Her fists were clenching, ready to smash anything that comes.

" I can't read their minds. I'm being blocked," sabi ni Anjenette sa akin telepathically. 

"Huwag na nating patagalin pa. Let's kill them before the moon turns red!" sabi ni Belinda.

Rise of the Bad Moon (A DAA Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon