PROLOGUE

84 6 0
                                    

PROLOGUE:

Sabay kaming lumaki ng pinsan ko.

At nag-iisang bestfriend ko simula pag-kabata.

Mga bata pa lang kami mag-kasundo na kami sa lahat ng bagay.

Kung talents ang pag-uusapan, medyo saliwa kami sa hilig.

Hobby niya ang pagkanta at pag-gamit ng mga instruments samantalang ang hilig ko naman ay ang pag-sayaw at pag-kanta.

Kung karangyaan ang pag-uusapan, wala kaming pag-kakaiba.

Mayaman sila, mayaman kami.

Kung ugali ang pag-uusapan, wala pa din nagbabago.

Parehas kaming masunurin sa magulang, mabait, kalog, friendly, pasaway, makulit at masayahin.

Kung pisikal na anyo ang pag-uusapan, siguro sa height lang nag-katalo.

Sexy siya, sexy ako.

Maputi siya, maputi ako.

Singkit siya, medyo bilugan ang mata ko.

Medyo matangos ang ilong naming dalawa.

Parehas lagi kami ng hairstyle.

Yun lang 5"2 siya, ako 4"9 lang.

Kung mga materyal na bagay naman ang pag-kukumparahin,

Lahat ng meron siya na wala ako, sinisigurado niyang bibigyan niya ako o hindi kaya bibilhan niya ako.

Lahat ng meron ako, sinisigurado ko din na bigyan siya o hindi kaya ibili siya.

 Pero nung pag-ibig na yung pinag-usapan, kung mamalasin sa iisang lalaki pa kami nagka-gusto?

I know, tama naging desisyon ko na pag-lapitin si Clarence at Jhon Parea kahit na ito ako nagtitiis sa sakit na nararamdaman ko.

Para akong sibuyas noon, habang pinag-lalapit ko sila unti-unti din akong nababalatan at ang sakit-sakit. 

Tama naman siguro ang naging desisyon ko hindi ba?

Alam kong mas karapat-dapat maging sila kesa mag-away kami ng pinsan ko na halos bestfriend ko na din.

Pinili kong sumaya yung bestfriend ko kahit na ako nagdudusa.

God knows how much I love my bestfriend, at hindi niya alam yun..

At alam kong may nakalaan para sakin, alam ko meron.. Siguro meron? Sana meron?

I've Made The Wrong Decision [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon