Chapter 3: Best Friend Forever ♥

18 6 0
                                    

Chapter 3: Best Friend Forever 

"Anak naluto ko na yung spaghetti at biko tapos malamig na din yung fruit salad. May gusto ka pa ba?" -Mama

"Pwede na yan Ma, salamat po." -Jeila

(Kung bakit ako nagpa-luto, kasi si Clarence kakain dito mamaya. Ito na lang libro ko sa kanya.)

"Anak buti nakaligo ka na. May mga bisita ka." -Mama

Kaagad akong pumunta sa sala kung saan malapit ang pintuan namin.

(At nagulat ako nung makita ko si Clarence kasama mga ka-grupo ko sa sayaw.)

"Hello po tita, hello Jeila." -bati nung mga classmate nmin na ka-grupo ko nga

"Eh? Bakit kayo nandito?" -Jeila (Apat lang naman sila, pero kasi nagulat ako.)

"Best, inimbitahan ko na din sila. Ito nga pala paborito mo *Strawberry Cheesecake* saka ito pa *Strawberry Ice Cream*." -Clarence

"Sige, pasok kayo." -Jeila

Natuwa naman ako dito sa binigay ni Clarence.

Kasi naman pumunta pa siyang Trinoma para bumili sa Conti's ng strawberry cheesecake.

Nakakataba ng puso, kala ko treat ko ngayon pero nag-treat din siya at lagi na lang niya ako sinu-surprise.

"Tara kain na tayo best, para matikman ko yung binili ko para sayo." -Clarence

"Salamat best, sige kuha lang ako plato. Nagluto din si Mama ng spaghetti at biko, tapos may fruit salad." -Jeila

"Tita salamat sa spaghetti, paborito ko yun e!" -Clarence

"Walang anuman hija, tawagin ko lang Mama mo para makisalo din dito." -Mama

"Sige Ma, balik ka po kaagad ah. Sabihin mo Ma, nandito yung anak niyang makulit." -Jeila

"Loko ka talaga best." -Clarence (Aray! binatukan daw ba ako?)

At masaya kaming kumain, dun ko naisip na pahalagahan pa din yung pagkakaibigan namin ni Clarence.

Masaya ako na may Wilab (baliw) akong kaibigan. Hahahaha ^____^

Siguro mawawala din yung nararamdaman ko para kay Jhon/Nohj.

At nung matapos na kami kumain nagpaalam na yung mga classmate/ka-grupo ko.

"Tita, uwi na po kami. Jeila at Clarence salamat huh?" -Jovy

"Pati sa take-out salamat." -Kate

"Sa uulitin po, Hahahaha!" -Denette

"Sige po, uwi na kami" -Fresca

"Sigurado kayo, ayawniyo magpahatid sa driver namin?" -Clarence

"Naku, wag na. malalapit lang naman bahay namin." -Denette

At umalis na silang lahat, pero naiwan dito si Clarence.

Kasi hanggang ngayon kumakain pa din ng salad.

"Best, madami pa yan. Baka tumaba ka niyan?" -Jeila

"Eh kasi masarap talaga best." -Clarence

"Nga pala, salamat! Best Friend Forevs (Forever) talaga tayo Clarence." -Jeila

At napa-yakap ako bigla kay Clarence.

At bumulong ako sa kanya, yung alam kong maririnig niya.

"I love you bestfriend, salamat sa lahat. Masaya ako sobra." -Jeila (Sinabi kong masaya ako kahit na may kirot pa din sa puso, dahil hindi ko pinagtapat sa kanya yung totoo.)

"Drama mo best, pero alam mong mahal din kita. Hahaha!" -Clarence

I've Made The Wrong Decision [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon