Kailangan mo isuko ang lahat, kasi minsan kaya mo pa, madalas hindi na, yung akla mo wala na, pero mahal mo pa, yung iluluha mo lahat pero nandun pa, yung inaakala mo mahal ka pa nya pero naka move on na sya.
Kailan ba ako magiging masaya?
Kailan ba? Kailan ba yun? Kailan ba ko magiging masaya? Kasi ayoko na, ayoko ng masaktan pa, pero kailangan na, kasi pag pinag patuloy ko to masasaktan lang ako.
Oo alam ko na yung wala na tayo, pero sana naman pinakinggan mo yung mga sinabi ko noong mahal na mahal pa kita nung panahon na yun.
Nagdurugo ako.Onah durugo ako sa mga yakap mo nag durugo ako sa mga haplos mo nag durugo ako sa mga efforts mo na hindi ko na gawang pasayahin ka.
Kaso di na pwede ehh. Pag nakikita ko kayong naguusap, masaya kayo sa isa't isa, sinasabi ko na lang sa sarili ko na kaya ko makakalimutan din kita, kaya ko to, meron akong mga kaibigan na mapapasaya ako.
Pero kailangan ko na syang kalimutan, kailangan ko na kalimutan yung dati nating pinag samahan. Nakakapang hinayang rin. Sa dami ng ating pinag samahan matatapos lang sa isang araw.
ginawa ko ang lahat para kalimutan ka, ginawa kong mag bisyo, mag inom, para kalimutan ka at para maging masaya, pero hindi ko kayang kalimutan ka basta basta.
ang ginawa ko para makalimutan ka nilibang ko ang sarili ko sa musika sa sports ko sa mga kaibigan ko tas yung mga kaibigan ko naman aasarin pa ko ng sa pag tawag sa pangalan nya hahaha.
Kakapit ako. Kakapit parin ako. Kakapit ako sayo. Kakapit pa ako. Kakapit ako hanggang sa ako na mismo ang sumuko. Kakapit ako hanggang sa mapagod ako. Mapagod sa sarili ko, mapagod sayo, mapagod sa tayo. Pero wala na nga palang tayo.
Ikaw at ako na lang ang meron dito. Pero kakapit parin ako sa natitirang tayo, mga alaala ng dating tayo. Kakapit ako hanggang magsawa ako. Kapag bumitaw na ako sana hindi ka na bumalik.
Dahil kung babalik ka man hindi na ako mananabik. Sa araw na iyon sana maintindihan at mapatawad mo, maintindihan mo ako na napagod na sayo, mapatawad sa pagbitaw ko. Sa huling sandali, nakakapit parin ako. Tandaan mo.
Kumakapit parin ako sa wala nang tayo. Sa mundong kinabaliwan ko, sa ikaw na nagpaikot nito. Nagpapasalamat ako dahil hinayaan mong kumapit ako sayo at sa tayo.
Kailan kaya iinom ng masaya? Yung hindi bh, walang problema, walang iniisip. Yung hindi ka maaalala. Kasi pagod na pagod na ko. Pagod na pagod na akong isipin ka, kung ok ka lang kung masaya ka ba o sinasaktan ka nanaman nya.
Baka niloloko ka nya, baka hindi nanaman kayo ok at umiiyak ka nanaman dyan. Pagod na akong isipin ka dahil alam kong wala ka namang ibang inisip kundi sya. Teka nga pala, oo nga naman bat mo naman ako maaalala? Ni hindi ka nga naging akin at ako lang naman tong nangangarap at bumubulong sa hangin.
Oo ako, akong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka. Mahalin ka ng walang hinihinging kapalit ngunit binigyan mo ako ng sakit, parang mga tinik na tumutusok aking dibdib nang paulit ulit.
At heto ako, umiinom nanaman ng isang malamig na redhorse nagbabakasakaling pagtapos ng gabing ito makalimot naman sa sakit. Kailan ka ba babalik? Naghihintay at nananabik.
Ah ganito na lang gumawa tayo ng kasunduan, kung saan patatawarin kita at patatawarin mo ako. Patatawarin kita sa hindi mo pananatili, patawarin mo ako sa patuloy kong pagkapit.
Oo nakakapit parin ako, nakakapit sa sakit na dinadama ko ng paulit ulit habang nagtatanong ng bakit. Bakit kasi hindi kita malimutan at hindi mo ako maalala.
Magsisimula ulit ako sa umpisa. Magsisimula ulit ako. Magsisimula ulit. Magsisimula. Wala naman tayo kaya tapos na ko, tapos na ko sayo.