DOPPELGANGER...(A TRUE STORY)

7.1K 51 46
                                    

Pwede bang mangyari na nasa magkaibang lugar ang iisang tao? Naranasan niyo na bang makakita ng kakilala, kapamilya o kaibigan na may kasing kamukha....o sabihin nating dalawang siya? Doppelganger ang tawag doon o "double-walker"....pinaniniwalaang lahat tayo ay meron nito...ikaw? meron ka kayang doppelganger????........

College Days:


Mag-isa lang ako na nakatira sa apartment ng tita ng mama ko...in short, lola - tita..Sa isla pa kasi ng Palawan ako nagmula..3rd floor sa isang duplex na pag-aari nila sa lungsod ng Maynila. May sariling sala, kusina, terrace, banyo, kwarto, hagdan at gate....... Solong-solo ko talaga ang buong lugar. Kaya naman na karaniwang tambayan ng mga kaibigan ko ang apartment na tinutuluyan ko...

May mga pagkakataon na sa nakaraan, na may nakapagsasabi sa akin na may nakakakita daw sa akin na nasa school kahit na nasa biyahe palang ako pauwi gaaling Pampanga. Pagkakataong hindi ko inaasahang mararanasan namin ng mga kaibigan ko.

Isang hapon, tulad ng nakagawian na, pagkatapos man ng klase o wala mang pasok, sa bahay kami nag mi-meet ng mga kaibigan ko. Dahil sa ako lang mag-isa sa bahay, ako ang gumagawa ng lahat. Noong mga panahong yun kailangan ko nang maglaba dahil wala na kong isusuot. Tambak na ang mga damit na ibinabad ko na sa sabon at kailangan nang labhan. Sina Peach at Mary ay nagkukwentuhan sa may sala kung saan kita nila ang hagdan at at banyo. Ako naman tuluy-tuloy lang ang pagpapatulo ng tubig sa banyo para mabanlawan na ang mga damit. Nagtatawanan sila, kwentuhan talaga!!!....

Galing sa banyo, lumabas ako saglit, may kinuha sa kusina. pabalik na ko ulit sa banyo nang masilip ko na yung pangalawang pinto sa hagdan. nakabukas...tsk tsk...hindi nanaman sinara ni Peach. nagdadalawang isip ako kung isasara ko ba muna ang pinto o ipagpapatuloy ko na ang paglalaba.

Isip isip, "sige mamaya ko na isasara ang pinto", sa loob-loob ko pa. Pagpasok ko sa banyo at saktong pag-upo ko sa upuan para maglaba biglang....

"tug!tug!tug!"

May narinig akong nalaglag sa hagdan. Kasunod ay malakas na tawanan nila Peach at Mary. Bigla akong napalabas nang banyo para tingnan kung anong nangyari. Bigla din ang pagtigil nang tawanan.

Gulat! yun ang nakarehistro sa mukha nila Peach at Mary.

"Ano yung nalaglag?" tanong ko pa.

"Ikaw!" halos pabulong nilang sabi.

Takang-taka ako. Sinilip ko pa ang hagdan. Walang tao. Ni walang kahit anong bakas.

Litung-lito na talaga ako.

"Paanong nasabi niyo na ako yung nalaglag eh nasa banyo ako" sabi ko pa

Napalitan na ng takot at pagkamangha ang mukha nila habang sinasabi sakin na....

"Ikaw talaga yun! Tumingin ka pa sa amin sabay ngumiti at patakbong bumaba sa hagdan bago ka nahulog. Kaya nga kami tumawa kasi nahulog ka eh."kwento nila, ni ayaw na tumingin sa hagdan.

"Ako? ngumiti? Sa hagdan? Nasa banyo ako!" Halo-halo sa isip ko sabay....

Bigla na lang tumindig lahat ng balahibo ko...

....

...

..

.

"Sinundan nya ko!"

DOPPELGANGER...(A TRUE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon