Chapter #1 Annoyance

93 3 0
                                    

✩✩✩ Erick ✩✩✩

Ang tunog ng mataong lugar..
Abala, maingay, magulo....
Ay di gaano kilala ng sarili kong mga tenga.

Sout ang kulay itim na jacket...
Di naman gaano mapapansin na kakaiba ako sa kanilang lahat.
Tag-lamig ngayon...
Kasing lamig ng pakiramdam ko na naghahari sa loob ng labing-limang taon.

Ang pakiramdam na halos bumuo ng pagkatao ko.

Tumigil ako sa paglalakad.
Inangat ang paningin sa mundong tinaguan ko ng labing limang taon.
Di ko inaakala... na ang mundong 'to...
Ay may tinatagong kaharasan.
Sa likod ng mga tuwang nakikita sa mga mukha ng mga batang masayang nagsisitakbuhan sa damuhan.

Ang mga kinakaabalahang usapan na wala namang katuturan sa paninira ng kapwa.

Lahat ng ito...
Ay pawang kasinungalingan lamang sa buhay ko. Wala ako nito...
Wala...

"Daydaaaaa- ah!"

Napatitig ako.
Sa batang nadapa mismo sa harapan ko.
Tinitigan niya ako..
Rumihistro sa mukha niya... ang kahihiyan.
Kaya ... iiyak na lang ito.

Iniyuko ko ang paningin ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Nadapa ka...
Hindi ka nawalan ng paa...
Para di tumayo ulit.
Magagawa mo pang umiyak, para lang kumuha ng atensyon at tumulong sa'yo...
Kaisipan nga naman ng tao. Tsk!

"Ay anu ba namang tao yun. Di man lang tinulungan yung bata."

Tss.

Lumayo ako sa lugar na yun.
At naupo sa lilim ng puno...
Kaharap ang isang fountain...

Napalikit ako...
Ang alaalang yun...
Sa harapan ng fountain...

"BoBo!" Napangisi ako.
Yun ang tawag sa akin ng kapatid kong magdadalawang taon pa lang.
Habang akay ng Kapatid kong may maamong mukha.

"Bobo ka daw Erick."

Ngunit sa mga araw na yun hindi sakin importante kung may tanga man ako o matalino.

"Sina Papa?"
"Nasa loob, may emergency meeting yata. Kaya nga nasa'kin ang makulit na'to."

Halata sa paligid na kaming di gaano kaulangan sa kasiyahan na ito ay nasa labas.
Malaki ang kasiyahan na ito.
Kanya-kanyang may ipinagmamalaki...
Lalo na ang Zel Cantheliz Corporation.
Halatang lahat ng kamag-anak naririto...
Sa laki ng pamilya nila... napakalaki rin ng Corporation nila.

Mahigpit ang securidad.
Naglalaro ang mga batang kagaya ko.
Abala naman ang mga dalagita at mga binata makipag-usap sa isa't-isa.

"Erick."

Napalingon.

"James." Bati ko sa kanya.
Halatang aalis siya sa hitsura niya.

"Mamimingwit ako."

Tumango ako.
"Mag-isa?"
Tumango siya.

"Sssshhh. Gusto ko mapag-isa para makarami ako at ipagmalaki ko sa mga kapatid ko."

"Gusto ko sanang sumama... kaya lang."
"Okey lang. Mag-enjoy ka na lang dito. Ba-bye."

Sinundan ko na lang nang paningin siya.

Nakisabay na ako makipaglaro sa mga bata na nasa harapan ng fountain.

"Goldfish, yata yan."
"Hulihin natin."
"Wag na madumihan tayo."
"Dumi lang yan."

Habang ako minasdan ko na lang sila.
Sabi ng Papa ko, pag-aralan ko na magkaroon ng disiplina sa sarili.

Nanghuli nga sila.
Kaya naman nagsidatingan ang mga bantay nila at kanya-kanya hila sa kanila.

A Silent Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon