✩✩✩ I-She ✩✩✩
"Close your eyes. Take a long breath. Make a wish. But let those burden go, let your heart be free... and your wish will come true."
Masaya akong pinagmamasdan na sinusunod ni Lot-lot ang sinasabi ko.
Dahil sa mga inocente nilang mga puso naninirahan ang tunay na pag-asa.
Iminulat niya ang kanyang mga mata.
"Ahhh...salamat po sister I-she."
"Twelve years old ka na."
"Opo."Kasama ang ilang mga bata at kasama ko sa kumbento, masaya kaming ipagdiwang ang kaarawan ng isang batang...
May ilang araw na lang ang nalalabi...
Masaya kami na nakaabot siya sa kaarawan niyang ito. Masaya kami na makasalo namin siya... at patuloy namin ipinagdarasal ang himalang makaligtas siya sa Stage 4 na leukemia.Yun ang pinagdarasal at hiling namin ngayon sa kaarawan niyang ito.
"Natutuwa akong napakasaya niya ngayon."
Bulong ni superyora sa akin.
"Ako din po."Bilang mga bata.... Di pa nila gaano alam ang sakit na ito. Kaya parang wala silang iniindang takot.
"Happy Birthday Ate Lot-lot!"
Bati ng mga bata.May hinanda kaming palaro.
"Sabihin mo kaagad kapag pagod ka na ha... saka nahihirapan ka ng huminga. Andito lang ako."
Tumango siya.
"Yan handa na si Birthday girl.!"
"Pipiringan na natin ang birthday girl, para magsimula na ang laro."Masayang tumugon ang mga bata.
Piniringan ko na siya."Okey... iikot ng tatlo..."
Umikot siya...
Lumayo na kami...
Bakas sa labi ko ang mga ngiti...
Nang kanya-kanya ng lumayo at nagsitago ang mga bata."Game?."
Pero bago kami sumagot...
Putok ng baril ang nagpakisapmata sa akin...Nagkagulo...
"Sister I-she!"Hindi... naalis ang paningin ko kay Lot-lot...
Sa tanong niyang yun...
Bala ng baril ang sumagot...Agad kong nilapitan si Lot-lot.
Hindi..."Lot-lot..."
Patuloy parin ang barilan.
Nasa palad ko ang batang humihinga na parang ikakabitiw na niya...Mahigpit niya hinawakan ang damit ko..
"Sister... I-she... nahihirapan... po a-kong humi... ga."
Duguan ang mga kamay ko...
Halos wala akong magawa...Ang dugong yun... kung bakit mas ginusto kong... pumasok sa kumbento.
Tutul na tutul ang pamilya ko sa biglaang pagdesisyon ko na pumasok ng kumbento.
Ngunit...
Dalawang taon na lang... isang ganap na akong madre.Wala silang nagawa.... sa desisyon ko.
Nagmatigas ako...
At nagulat sila.Bakit ako naririto...
Ang akala ko kasi may maayos akong pamilya na minamahal at sinusunod.
Lagi akong sumusunod sa mga magulang ko... Nirerespeto ko sila ng labis... lalo na ang pangalan ng pamilya ko.Sino ang hindi matutuwa...
Mahilig sa charity works ang Mama ko.
Isang maasahang director naman ang Papa ko sa kalusugan. Surgeon naman ang kuya at Ate ko... na kung minsan libre na nga ang operasyon na ibinibigay nila. Wala na akong hihilingin pa.
BINABASA MO ANG
A Silent Mafia Boss
أدب المراهقينSi Erick, ang binatang inihahanda sa tamang oras ng paghihiganti. Lumaki sa bangungot ng patayan at pagmamanipula ng tao at bagay sa paligid niya. Kaya naman di rin maitatangi kung anong klaseng ugali ang meron siya. Si I-she, ang huli niyang misyon...