Three

3 1 0
                                    

"Keyz!!" napatigil ako sa paglalakad ng tawagin niya ako.

~Flashback

"Oi. Alam mo may nakita kami nina dale na magagandang transferees." napatingin ako bigla kay jace dahil sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?? Alam mo bang sa sinabi mong yan e parang gusto mong ibreak ako at ipalit sa MAGAGANDANG TRANSFEREES na sabi mo."

"Huh. Hindi a. Ikaw lang nag-isip niyan." tiningnan ko siya ng matagal. Hindi ko alam pero naiinis ako, nagagalit ako, nagseselos ako at nasasaktan ako!! Yan ang mga nararamdaman ko ngayon. Kaya tumayo ako at iniwan siya.

"Babe naman. That's not what I meant!" pero hindi ko siya nilingon. At nagpatuloy ng lakad. Gusto kong umiyak. Pero wag mona ngayon.

"Keyz!!" this time napatigil ako. Ewan. Pag tinatawag niya ako sa pangalan ko e parang feel ko e angkin niya ang pagkatao ko. Napapatigil niya ako. Napapatahimik niya ako. Napapangiti niya ako.

Naramdaman ko nalang na papalapit na siya saakin hanggang sa makaharap ko na siya.

"Keyz. Keyz. Keyz. Mas nababaliw tuloy ako sayo." sabay yakap pa niya saakin ng sobrang higpit. Naguluhan tuloy ako.

"Anong sinasabi mo at teka wag mo nga akong hawakan. Doon ka sa magagandang transferee!!" sabay pilit na inaalis ko ang mga yakap niya saakin.

"Akala ko nung una hindi ka nagseselos sa mga babaeng lumalapit saakin. Akala ko hindi mo ako mahal dahil nga sa akala ko hindi ka nagseselos. Sorry keyz dahil nagkamali ako ng iniisip." Ewan pero lahat ng nararamdaman ko kanina e nadrain. This guy is the one who makes me crazy more.

"I trust you. Alam ko kasing mahal na mahal mo ako kaya hindi ako nagseselos pero alam mo ba... Deep inside gustong gusto kong pagbalibaliin ang mga buto nung mga babaeng basta basta nalang lumalapit sayo. Tinitiis ko lang."

"Keyz. You're making me crazy. Don't you know that?"

"Matagal na. Alam kong baliw ka e. Haha."

"Baliw na baliw sayo."

"Ts. Ang chessy mo. Haha."

"Sayo lang."

"Jace. Ito ang tandaan mo. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko buong buhay ko."

"I will always love you too. Mamatay pa ako ikaw at ikaw pa rin." sabay halik niya sa noo ko.

~End of Flashback

Naramdaman kong papalapit na siya at hinarap ako. Pero bigla siyang umupo at yumuko..

"Your shoelace. Wag kang naglalakad na hindi nakatali ng maayos to dahil pwede kang masaktan pag hindi mo inaayos ng mabuti." sabay tali pa niya sa shoelace ko.

Jace..  Ikaw ba yan? Bakit ba magkaparehong pareho kayo. Naiinis ako. Tsk.

Tumayo na siya matapos niyang gawin yon. At hinarap ako. Pero pagkaharap na pagkaharap niya saakin e umalis na ako at naglakad na talaga palayo sakanila. Sakanya.

"Wait!!" at hindi ko na siya nilingon pa. Dumeretso nalang ako sa locker ko at nagpalit na. Ng makapagpalit na ako e dumeretso na rin ako sa gym.

Andito na pala mga kaklase ko. At ng mga bulong bulongan nila.

"Andyan na si Eya."

"Ang laki ng pinagbago niya no."

"Oo nga."

"Bakit ano pala siya dati??"

"Ahmm. Pwede nang idescribe as ANGHEL. Ganun din siya itrato ng ex-boyfriend niya at lahat ng tao dito sa Mount University."

"Talaga?? E ang rude nga niya e. Ang layo sa pagiging anghel."

"Sa tingin ko nagbago yan nang mamatay ang prinsepe ng school na to. Yong ex-boyfriend niya na si Jace Yen Ruzzel. Chismis chismis pa nga e siya daw may dahilan kong bakit namatay si jace e."

"What really??!"

"Yes. Kaya nga nakakagulat nalang na bumalik siya after ng dalawang taon. Hindi pa nga rin yan pumunta sa libing ni jace e. Balita ko pa e pinapunta lang sa libing niya e ang mga kaibigan niya at syempre magulang ng lalaki."

"Grabe din siya no. Teka. Sino nga ba yang Jace na yan??"

"Siya lang naman ang may-ari ng school na to. And tingnan niyo nalang si deib. Kamukha niya. 100%. Akala nga ng lahat e siya si Jace e pero napatunayan din na hindi."

"Talaga!? Wow. Nakakatakot naman yon. Anyways speaking of. Kababalik lang nila ngayon ni Izz. Oh my god! Ang hot couple ng Mount University. Yeeehh~"

"Oo nga. At saka bat ba gustong gusto mo silang dalawa?"

"Napakabagay kaya nila sa isat isa. Fit na fit."

"Haynaku. Alam mo hindi ko sila gusto sa isat isa. Naiibahan nga ako kay Izzay. Bakit niya syosyotahin si deib na kamukha ni jace na pumanaw na?"

"Tss. Ano namang kinalaman ng jace na yan sa couple na yon!"

"Izzay Dizon. Bestfriend niyan."

"WHAT!? TALAGA??!"

"Hinaan mo nga boses mo. Baka marinig tayo e." Rinig na rinig ko kayo actually.

"Sorry.~ Hindi lang ako makapaniwala e. Just imagine nga. Dati e siya at yong jace e ang mag boyfriend tapos ngayon ang bestfriend niya na si izz e boyfriend ang kamukha ng dati niyang ex-boyfriend. Wow lang. Ano kaya mararamdaman niya pag nakita niya silang dalawa."

"That's what I'm talking about. Kaya nga iba pakiramdam ko sa izzay na yan e. Parang yong sa mga movies lang na trinayrdor ka ng bestfriend mo. Wow."

"Nag-iba tuloy tingin ko kay izz."

"Marami ring nagsabi niyan. Yong mga dating nag-aaral nga dito. Ganyan rin ang tingin kay izzay e."

Grabe rin magchismis ang mga taong to. Ang daming alam kaysa saakin.

"Andyan na sila!!" sigaw pa ng babae doon sa baba. Nasa bleachers kasi ako pati na rin tong mga grabe kong magchismis. Napatingib ako sa entrance at...

* * *

♥UNTIED♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon