One

8 1 1
                                    

Zelleteya Kyez's POV

Papasok ako ngayon ng school. Walang katao tao. Hm. Tiningnan ko ang orasan ko...

*9:45 am

Masyado akong maaga. Pagkarating ko sa third floor sa first room. Binuksan ko na at pumasok. Lahat naman sila napatingin saakin pati na rin ang prof. and I believe naputol ko ata ang pagdidiscuss niya. Tumingin tingin ako kung may bakanteng upuan.

Sa tabi ng window sa last row ako na-upo pero lahat pa rin ng tingin nila e nakatingin sa akin. Kaya kinuha ko nalang ang headset ko at nakinig ng music at natulog.

"Walang hiyang batang to!!" Rinig na rinig ko ang pag sigaw ng prof. namin at naramdaman ko nalang na hinila niya ang earphone ko at hinila ako patayo. Aissh! Tiningnan ko siya ng masama.

"Ikaw estyudante ka wala kang respeto, bat ka dito basta basta nalang pumapasok sa klase ko!!" At akmang sasampalin pa ako pero before pa niya magawa yon..

"Student rights. All students in all schools who are the victims of harassment, physical, sexual, or otherwise, assault, or bullying, both verbal and physical, have the right to have their grievances dealt with in a proper manner, including an investigation into said incident, and proper punishment of the culprit, and detriment of any act of vengeance. This includes harassment, assault, and bullying by teachers, staff, deans, guidance counselors, head principals, and vice principals." Sabay tingin ko sa kamay niya tapos tingin nanaman sa teacher na to with a blank face.

"Am I right??"

Naibaba naman niya agad ang kamay niya at pinagpag pa sa damit niya. Ts.

Bigla nalang may dumating at hingal na hingal pa. Lahat napatingin sa labas. Hindi ko nalang yon inintindi at bumalik sa pagkaka-upo ko.

"Principal. Bakit andito po kayo?? Okay lang po ba kayo??"

"Sir. Sir Alex. Huh huh huh."

"Ano pong problema? Sino hinahanap niyo?"

"Sir Alex. She's a transfer student. Can we talk for a minute first?"

"Ah sige po principal."

And I believe lumabas na sila. At naging maingay dito sa loob. Nakakarindi.

"Diba si Eya yan?"

"Oo nga."

"Eya?? Kilala niyo siya??"

"Oo. Dati nag aaral yan dito pero umalis ng ma---"

Nainis ako sa bulong bulongan nila kaya pagalit kong inalis ang earphone ko. Lahat naman e todo ang tingin.

"Anong tinitingin niyo?!"

"Wow a. Ikaw na nga tong kebago bago tapos ikaw pa may ganang manigaw dito?!" sigaw pa nung babaeng parang gangster. Ts.

Tiningnan ko siya tapos na pa smirk nalang ako. Walang silbi.

"Hah!! At may ganang kapang ngumisi. Hindi mo kilala ang kinakalaban mo. Tandaan mo transfer student kalang! Kilalanin mo mona ang binabangga mo." At sinipa pa ang table ko. Ts.

Lumapit ako sakanya kaya harap harapan na kami ngayon.

"*smirk* Sa palagay ko. Ikaw dapat ang kumikilala sa taong binabangga mo ngayon. Ms." Sabay tingin sa nametag niya. "Aragon."

Kaya tinulak niya ako. Malakas ang pagkakatulak niya kaya sa pader ako natapon. Pero walang sign sa mukha ko na nasaktan ako. Totoo naman e. Wala akong maramdamang sakit. Namanhid na rin ata ang katawan ko. Pero napasmirk pa rin ako.

Lumapit naman agad saakin 'tong gangster na to at tinulak tulak gamit ang hintuturo niya.

"Ikaw. Masyadong matulis ang mga dila mo. Parang gustong gusto kong putulin. Alam mo ba yon."

"Ts. E kung yong sayo kaya ang putulin natin." Bulong ko pa sakanya. Kaya aambag na sana siya ng suntok ng...

"MS. ARAGON!!!! Hindi mo ba yan ititigil ha!!" Napatingin naman silang lahat sa sumigaw except ako. Inalis ko yong pagkakahawak ng gangster na to at inayos ko naman ang collar ko.

"Sir?? Siya po kasi. Siya po ang nauna." Umupo nalang ako sa upuan ko.

"Wala akong pakialam. Ikaw ang nadatnan kong may ginagawa sakanya. Go to detention room!!" Ts.

"Putik!! Ikaw. Magtutuos pa tayo. Tandaan mo!!" At umalis na siya.

"Okay class. We have a new transfer student. Ms. Zelleteya Kyez Forrland. Galing siyang Harvard kaya sana tratuhin niyo siya ng mabuti..." And blah blah. Hindi ko na narinig ang pinuputakputak niya dahil sa nakatulog na ako.

Nagising ako ng dahil sa ang ingay. Minulat ko ang mga tingin ko at nakita kong lumalabas ang mga kaklase ko. Break time na pala. Inayos ko nalang ang mga gamit ko bago lumabas. Sa rooftop na ako dumeretso. Wala akong ganang kumain.

Ito ang madalas na tambayan ko dati or should I say kami. Nilabas ko nalang ang earphone ko at sinuot yon habang nakatitig lang sa ulap.

*sigh! What a life.

"What are you doing??" May narinig akong nagsalita sa likod ko kaya nilingon ko.

Ahhh...

Binalik ko nalang ang tingin ko sa ulap. Pero nabigla nalang ako ng may humila saakin pababa.

Aissshh!!

"Ano ba!!"

"Anong ginagawa mo doon. Magpapakamatay kaba??"

"Bakit magpapakamatay ba ako??!"

"Oo!!"

"Wag kang mag-alala mamatay rin naman ako e, kaya hindi ko na kailangang patayin pa ang sarili ko."

"Kyez. Don't say that!"

Aisst!

"Ba't kaba andito??" tanong ko ng naiirita.

"Why didn't you tell us na bumalik kana pala??"

"Bakit pa. Wala namang gustong makitang bumalik ako e. So why bother." Sabay pulot ko nung earphones ko na nahulog.

"Nagkakamali ka. Matagal kang hinihintay nina Dale na bumalik. At kami rin."

"Wala akong pakialam." sabay naglakad na ako at nilampasan siya.

"Bakit mo ba nilalayo ang sarili mo sa amin?!!" napatigil ako sa paglalakad.

"E diba yon ang gusto niyo."

"Pero hindi kami kyez."

"*smirk! Wala na akong connection sa inyo diba kaya bakit kelangan ilapit ang sarili ko sa inyo. Putol na lahat ang mga kung anong mayroon saatin nina dale dati Kivs." at tuluyan na akong umalis.

Pagkababa ko e sakto namang nagbell na. Kaya bumalik na ako ng room. Ako ang unang unang dumating. Kaya umidlip nalang ako.

Tama ba tong desisyon ko na bumalik dito??

* * *

♥UNTIED♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon