"Does true love exist?"
One of my classmates asked me while we were taking our lunch. Nagsu-survey kasi sila if ilan ba ang naniniwala at ilan din ang hindi.
Napaisip ako.
Nage-exist nga ba ito?
Sumagot ako ng OO.
Bakit?
Naging basis ko kasi ang love story ng mga magulang ko.
Them against all odds kasi ang peg nila.
Kumbaga sa movie, official soundtrack nila ang kantang RUDE.
~*~
While we were gathered in the dining room to eat our dinner, may bigla akong naisip na tanong para sa papa ko.
"Pa? Bakit niyo pinakasalan si mama?"
Biglang napahinto si papa sa pagkain at napangising tumingin kay mama. Si mama naman, pinandilitan ng mata si papa.
"Aside sa mahal ko ang mama mo, parang napikot lang din siya." Tumawa bahagya si papa kaya ang resulta? Kinurot siya ni mama sa tagiliran.
"Bakit niyo naman po nasabi?"
"Wala naman talaga akong balak pakasalan ang mama mo 'nun. 'Nung tinanong ako ng lolo mo kung bakit ako palaging dumadalaw sa mama mo sa bahay ng tita Alice mo kasi nga doon nakikitira ang mama mo ng mga panahon na 'yun, sinabi ko nalang na may naging kasunduan na kaming magpakasal. Magkasintahan na kami ng mga panahon na 'yun ha. Nabigla nga ang mama mo 'nung sinabi ko 'yun kasi wala naman talaga kaming kasunduan. Gawa gawa ko lang kasi 'yun."
"Wala namang magagawa ang mama mo kasi pumayag na ang lolo Porferio at lola Benedicta mo at pinatawag nalang ang mga magulang ko para sa pamamanhikan at para na din sa plano sa kasal. Kaya ayun, pumunta agad ako sa Argao para kunin ang lolo Sergio at lola Patrona mo (father's side). Ang layo kaya ng nilakbay ko. Nasa Northern part ng Cebu ang tirahan ng mama mo samantalang ako naman eh nasa Southern part.
"Nagkakilala lang kami dito sa Consolacion kung saan nakatira ang tita Alice at tito Junior mo. Nakitira lang din kasi ako sa tito Junior mo ng mga panahon na yun. Magkapit-bahay lang kasi sila kaya tanaw na tanaw ko ang mama mo kapag lumalabas siya ng bahay. Nabighani agad ako sa ganda niya kaya niligawan ko siya at sinagot niya naman agad ako makalipas ang anim na buwan."
"Ang kaso, hindi pala ako gusto ng lola (mother's side)at ng mga tito at tita mo kasi ako ang tipo ng taong parang walang patutunguhan. Napilitan lang silang pumayag kasi pumayag naman na din ang lolo Porferio (mother's side) mo at siya ang masusunod at gusto niya din ako para sa mama mo. Ang lola Benedicta, tita at tito mo lang ang hindi. Hindi daw kasi ako karapat-dapat para sa mama mo. Eh ako naman, pinatunayan ko sa kanila na mali ang akala nila. As year passed by after kami makasal ng mama mo at after ka at si Jordan ipinanganak, nakuha ko ang sympathy nila. Hindi naman sa pagmamayabang pero lumago kasi konti ang negosyo natin at marami na tayong natulungan kaya ayun. Nagustuhan nila ako. Kaya lalo din akong minahal ng mama mo eh." Binigyan ni papa ng mapang-asar na ngiti si mama at si mama.
~*~
Naniniwala ako na nage-exist ang true love kasi... my parents proved it to me.
Proven and tested kasi pinaglaban nila ang pagmamahalan nila.
True love only exists when you'll fight for it even if the world says no and that you're not meant for each other.
Eh ikaw, naniniwala ka rin ba na true love exists?