FANGIRL-zoned

583 12 8
                                    

Missy's POV

"OMG! OMG! ANG GWAPO TALAGA NI DJ! I CAN'T BREATHE! I CAN'T KEEP CALM! Kyaaaaah!" Tili ko habang pinapaypay ang sarili gamit ang mga kamay ko.

"Tss. Ang OA mo talaga. Para namang mapapansin ka niyan." sabi ng epal kong bestfriend na si Theo.

Andito siya sa bahay namin. Nakikikain, nakikitambay, nakikigulo. Ewan ko ba dito, sabi niya boring daw sa kanila kay naisipan niya akong puntahan. Ang lapit lang din kasi ng bahay namin sa kanila. Literal na malapit. Makalipat nga bukas ng bahay. Kidding.

Nanunuod kami ngayon ng ASAP dito sa sala. May production number kasi ngayon si Dj kasama si Kath. KathNiel Shipper 'yata to!

And btw, siya si Theo Ramirez. Best FRENEMIES kami since 'nung inere ako ng mama ko. Dejk. Since 'nung lumipat kami dito sa subdivision nila. Oo NILA. Ang yaman ng dimwit e. And yea, magka age lang din kami. 16 years young. Magkaklase kami lagi. Wala atang year na hindi e. Ewan ko ba.

Hay... Enough na nga sa introduction.

Tumingin ako sa kanya ng masama. "Hoy! Ikaw na nga 'tong nakikinuod ng TV, ikaw pa ang may ganang manlait? Palibhasa kasi kayong mga lalaki insecure sa kagwapuhan niya. Tse!"

"Ako? Insecure sa kagwapuhan niyan? Eh mas gwapo pa nga ako diyan e. Sikat ako sa school natin kasi nga gwapo ako. Wala kang makikitang kapintasan sa'kin. Lahat ng gusto ng mga babae, nasa 'kin na." Binelatan pa niya ako. Ugh. Childish!

Inirapan ko siya. "Conceited ka talaga kahit kailan! Ewan ko ba kung bakit naging bestfriend pa kita eh hindi naman tayo magkasundo sa lahat ng bagay."

"Kasi nga, there are some things that are meant to happen without us knowing why. Halimbawa, like what you've said, hindi natin alam kung bakit naging mag bestfriend tayo e ang pangit mo!"

Tinadyakan ko siya sa paa kaya napa-'aray' siya sa sakit.

"Pangit pala ha! Ano ka ngayon?"

Sinamaan niya ko ng tingin. "Taong gwapo."

Napa roll eyes nalang ako dahil sa kayabangan niya at binalik ang tingin sa TV.

"Ugh! Natapos na tuloy ang prod nila ng hindi ko man lang nakita! Kabadtrip. Ikaw kasi eh." Nagpapadyak ako na parang bata.

"PALAGI KA NALANG KUMUKONTRA SA LAHAT NG MGA GUSTO KO! BESTFRIEND NGA KITA PERO PARA NAMANG HINDI. LAGI MO NALANG SILA NILALAIT! AKALA MO BA HINDI AKO NASASAKTAN? OA MAN PAKINGGAN PERO YUN ANG TOTOO! NAKAKAINIS KA!"

Nagulat ako ng hinawakan ni Theo ang mga balikat ko at iniharap niya ako sa kanya.

"Bakit ba palagi kang umasa sa taong hindi ka naman mabibigyan ng atensyon? Why can't you just look at the person around you who is willing to give you the attention that you deserve? Don't settle for less. Hindi habambuhay ma stu-stuck ka sa pagiging fangirl mo."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun, he left me dumbfounded.

What was that?

-

A week after ng kadramahan ko, bumalik na kami sa dati. Ganun ka simple. Humingi lang siya ng sorry and I did the same. Di matiis. Bestfriend e!

"Hoy Missy! Pupunta ka sa christmas ball?" tanong ni Theo sa'kin habang ngumunguya ng chips at nakapatong ang paa niya sa lamesa.

Andito na naman siya. Walang pasok eh kasi may bagyo pero andito pa din siya. Wala daw kasi siyang kasama sa bahay nila kasi wala sina Tita. Out of town.

"Ewan. Kelan nga ulit yun?" tanong ko habang nag scro-scroll sa timeline ko sa twitter at nagbabasa ng mga latest updates about KathNiel.

Ang bilis lang ng panahon. Papalapit na pala ang pasko.

Hashtag Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon