P.A.A.S.A.

134 7 1
                                    

Gusto ko siya...

Simula pa nung una kong narinig yung boses niya...

Simula pa nung una ko siyang nakita...

Simula nung una ko siyang nakausap...

Matagal na...

At eto parin ako, umaasang mapansin niya ako...

Umaasang makita niya ako hindi lang bilang kaklase niya...

Umaasa ako na maging mas higit pa sa kaibigan...

Umaasang magustuhan niya rin ako...

Umaasa akong magkakatuluyan kami...

Kahit na alam kong marami ring may gusto sa kanya...

Kahit na alam kong may gusto rin siyang iba...

Tanggap ko sa sarili ko na hindi ako ganun kaganda...

Pero hindi naman yun ang sukatan ng pagmamahal  diba?

Ang pagmamahal, hindi sa mata...

Sa puso...

Pero hindi rin matuturuan ang puso kung sino ang mamahalin...

Pero umaasa parin ako...

Ganun ako katanga...

Isang araw, napakasaya ko. Sa wakas at nakita niya rin ako. Napansin niya rin ako. Kinakausap niya na ako...

Chinat niya ako sa FB...

Napakasaya ko kahit alam kong dahil lang iyon sa isang assignment...

Pero mas sumaya ako nang ichat niya uli ako nang sumunod na araw...

Lagi na niya akong china chat. Nagtatanong ng mga sagot sa assignments, nag sesend ng kung anong mga bagay na magpapatawa saakin at kung ano pang pwedeng mapagusapan...

Kinakausap na niya rin ako kahit papaano kapag nasa classroom...

Halos araw araw ganun kami...

Alam ko na maaring ginagamit niya lang ako para sa mga assignments...

Pero may times na nararamdaman ko na baka gusto niya na rin ako...

Lagi siyang tumatabi saakin kahit na sa kabilang dulo yung upuan niya. Lagi niyang hinahawakan yung mga kamay ko. At kung hindi naman siya nakahawak sa kamay ko, nakaakbay naman siya sa mga balikat ko...

Umaasa parin ako na sa simpleng paguusap namin na yon, sa mga simpleng bagay na iyon, baka maramdaman din niya yung nararamdaman ko para sa kanya...

Pero mali ako...

Nakalimutan kong may gusto nga pala siyang iba...

Umasa ako na nagugustuhan na niya rin ako...

Umasa ako na masusuklian niya yung nararamdaman ko para sa kanya...

Umasa ako...

Pero hindi naman ako aasa nang walang dahilan diba?

Dahil sa mga ginagawa niya, umasa ako na magugustuhan niya rin ako...

Paasa siya...

PAASA...

PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon