Kahon

32 1 2
                                    


Kahon...

Minsan may laman, minsan naman ay wala.

Minsan, laman niya ay regalo o di naman kaya ay payaso.

Madalas, lulan nito'y mga lumang kagamitan o di naman kaya ay ginagawang lalagyanan.

May mga taong ginagawa siyang higaan at pansamantalang masisilungan.

Taguan, laruan, mapagkakakitaan at may halaga din ito sa mga kabataang nasa paaralan.

Para naman sa iilan, ito'y basura lang pero napapakinabangan.



Ano nga ba ang meron sa kahon? 

At ano ang wala sa loob nito?


Hanggang saan nga ba ang kayang sakupin ng kanyang apat na sulok?

Kapag ba, inilagay ko ang mundo sa loob, kakayanin kaya ito ng kanyang sukat?

Kapag binuhat ko ba ang kahon, mabibigatan kaya ako?



Kahon.....

Hanggang saan nga lang ba ako?

Ikaw na ba ang magiging kulungan ko?

Baka naman hanggang sa kamatayan ko,

Ikaw din ang magiging himlayan ko.


KAHONWhere stories live. Discover now